Chapter 9

844 23 14
                                    

Pasensya na po uli kung sobrang dami ng typos. mobile na lang po uli gamit ko eh. Binilhan ako ni Mama ng bago at thankful ako roon.

Have a blessed day everyone!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Justin's POV

"Honey, wake up na." Naririnig kong paggising sa akin ni Taylor sa malambing na boses.

"Hey! Wake up." rinig ko na naman na paggising niya.

"Hmm." atungal ko atsaka ko siya niyakap.

"Honey, masyadong malapit yang mukha mo." sabi niya at ramdam ko ang init ng hininga niya. "Kapag hindi mo nilayo 'yang mukha mo, hahalikan kita." pagbabanta niya.

Nanatili lang akong nakapikit. Na-miss ko siya eh, kaya okay lang kahit nakawan niya ako ng halik. Pabor pa sa akin yun.

"Honey, don't play naughty games... or else I will play with you." Naging seductive na yung tunog ng boses niya.

Mas lalong ayaw ko ng dumilat. Hinigpitan ko na lang lalo yung yakap ko sa kaniya.

Ilang sandaling katahimikan ang naganap, yung tipong nakakabingi. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"Good morning!" bati ko sa kanya atsaka ngumiti. Pero nakatingin lang talaga siya sa akin ng diretso.

"Buti naman at gising na ang breakfast ko." sinabi niya. Breakfast? Ako? o____O

Hanggang sa inilapat na niya ang labi niya sa labi ko. Sa sobrang pagkabigla ko, hindi ko na masara ang mata ko.

She's moving her lips in a passionative way. Matapos ang ilang sandali, pagpikit at pag-respond na lang ang nagawa ko.

Hindi pa masyadong matagal ang pag-respond ko pero hininto na niya.

"Let's eat." sinabi niya at tuluyan ng bumangon. Nakabihis na pala siya ng pambahay. "Maghilamos ka na, nandyan na rin sa sofa yung susuotin mo. Hindi ka mag-o-Office." Lumabas na siya ng kwarto.

Minsan lang naman akong mawala sa office kaya okay lang at saka tapos ko na yung nga gawain ko doon.

Nagmadali na akong maghilamos at magbihis saka bumaba.

"Honey, ang tagal mo." sinabi niya at saka ngumiti. Hinawakan niya pa ang kamay ko para sabay kaming magpunta sa kusina.

Naninibago pa rin talaga ako at... PANAGINIP LANG BA 'TO? Pakigising naman ako.

"Oh, nariyan na pala kayo. Halika at sumabay na kayo sa amin." sabi sa akin ni Tita.

Napatingin ako kay Yannie, nakatingin siya sa kamay namin ni Taylor na magkahawak. Tinignan niya ako saka ngumiti.

"Mga Uncles and Aunties, I'll go ahead na ho. You know naman, busy." Pagpapaalam niya saka nakipagbeso-beso bago tuluyang umalis.

Huminto siya sa harap namin ni Tay, tinignan kami ng masinsinan saka ngumiti ng pilit.

"Excuse me, harang eh." sambit nya saka pinaghiwalay ang kamay namin ni Tay at dumaan sa gitna.

"Anak, nag-away ba kayo ni Yannie?" tanong sa akin ni Dad.

"No." sagot ko.

"Siguro may period." sabat ni Tay. "Let's eat."

Umupo na kami ni Tay.

*

Natapos na kaming kumain at nakaupo na lang ako dito sa bench, sa garden nina Tay.

Iniisip ko pa rin yung inaakto ni Tay at ni Yannie. Sa pagkakaalam ko kasi... hindi sila magkakilala.

Si Yannie ay family friend namin. Hindi siya nakapunta nung kasal dahil may inasikaso siya pero nung reception, nakita ko siya pero ngumiti lang siya sa akin at umalis na.

Ano bang mayroon sa dalawa na 'yon na hindi ko alam?

"Honey!" sa sobrang gulat ko sa pagtawag niya sa akin ay napalundag ako.

"Ahahahahah! Anong nangyayari sa'yo? Mukhang kanina pa malalim ang iniisip mo, ha?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Ah, wala naman." alanganing sagot ko. "Bakit ka pala nandito?" pag-iiba ko ng topic.

"Bigla ka kasing nawala kaya hinanap kita." sagot niya. "Honey, pwede bang dito muna tayo tumira?"

"Kung yun ang gusto mo, sige." sagot ko.

"Salamat." nakangiting sabi niya saka ako niyakap. Nanatili lang kami  sa ganoong posisyon.

"Honey, samahan mo akong mag-shopping. Kaunti lang kasi yung mga damit na dinala ko." sabi niya.

"Okay." pagsang-ayon ko.

"Yes!" sigaw niya at nagmadali akong hinila papunta sa kwarto niya sa taas.

*

Nandito na kami sa mall at pinagtitinginan kami. Kesyo mukha daw kaming model at bagay. Kaso
... ayaw ko yung tingin ng mga lalaki kay Tay. Masyadong malagkit at gusto na atang hubaran.

"Taylor, magpalit ka ng damit." bulong ko.

"Anong damit?" tanong niya.

"Kahit ano basta hindi maiksi at hindi showy." sagot ko.

"Okay." sagot niya.

*

Paglabas niya ng fitting room, nganga.

"Okay lang ba?" tanong niya. At tanging pagtango na lang ang nasagot ko. Parang natuyo ang lalumunan ko.

Kulang ang salitang maganda at sexy para i-describe siya. Parang gusto ng tumalon ng puso ko.

"Sure ka?" tanong niya uli.

"Tay, nalaglag." tanging nasabi ko.

"Ang alin?" tanong niya

"Yung puso ko." ha? Teka! Anong sinasabi ko? Nakangiti na siya ng malawak sa akin. Feeling ko teenager ako na mamumula.

"Honey, ang corny mo." sabi niya na sinabayan pa ng pagtawa.

Napakasimple lang ng suot niya. Fitted jeans na may katernong doll shoes at fitted blouse na may ternong unbutton polo.

Parang panlalaki ang suot niya pero perfect.

"By the way, thanks." at binigyan niya ako ng munting halik sa labi.

Isa lang talaga ang masasabi ko,

Heaven.

~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Pasensya po sa mga typos at grammatical error.

support! ^_______^ Iloveyouall ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥

The Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon