Meetting

18 0 0
                                    

Aga Aga ko na naman papasok haaays...dapat kase walang pasok ee! Rest Day kase tapos bigla meeting na every saturday pa..

Good Morning  sunshine..

After preppin..
Okay ( School Bound)

Meeting na naman pala..ng event na to! Di na natapos di kase nag kaka isa..bahala kayo diyan! HAHA

Nag mimeetting kame pero eto nakikipag harytan lang ako kila jaja, raph, carl and "?" Hindi ko alam pangalan ni kuyaaa HAHAHA! Basta sobrang saya lang talaga.

Naiihi na'ko. Sabi ko sakanila.
NgaNga ka nga raph iihi ako tutal naman mukhang bowl yung mukha mo. Sabay joke! And tawanan kameng lahat habang sila ay nag mimeetting at kame ay walang ginawa kundi makipag kwentuhan lang..

Ang gago mo talaga noren. Sabi ni jaja na tawang tawa sa sinabi ko.

Ee bakit tawa ka ng tawa diyan.. Sabi ko.

Wala kaming ginawa sa meetting kundi daldalan lang..patapos na ang meeting ganon parin..until tapos na nga ang meeting namin. Gaaaawds sobrang sakit ng tiyan ko kakatawa sa mga walang kwenta at kabastusang usapan namin. HAHAHAHAHA! Pero anyway sobrang saya..

Saan tayo kakain? Sabi ko.

Sa sonia tayo. Sabi ni amy.

Mura pa at masarap na.. Sulit 25 mo! Sabi ulit niya.

Pagkadating namin sa canteen mapapa wow ka sa daming tao! Still pumila parin si amy.

Gf kadaming tao. (Gf? Bakit?? Yan ang tawagan namin ni amy.)

Onga gf ee pero pila lang mauubos den naman yang mga nakapila ee.. Sabi niyaaa!

Gutom na'ko katagal ng pila. O andyan na pala sila gf ee! Sabi ko..

Dito na kayo pinag pila namin kayo. Sabi ni amy..

Hindi na dito na kame nakakahiya may nakapila na ee. Una na kayo. Sabi naman nila.. Chit,Kat,Jaja and Chan.

Pinag pila na nga lang sila ayaw pa nila, di naman sila nakisingit ee! Sabi ni amy na parang galit pa..

Hayaan mo na kung ayaw nila ganon talaga. Sabi ko..

Finally tapos narin kaming nag lunch.

BUYYYYRPPPP!...

Kabusog naming lahat.. HIHIHI

Uuwe na ba kayo? Sabi ko..

Oo dudes! Ikaw ba? Sabi ni chit.

Hindi pa hihintayin ko si kael, alam mo naman HAHA! Sabi ko..

Baby katagal mo. :/ sabi ko

Andito na nga ako ee. Sabi niya

Saan tayo pupunta? Sabi ko

Ewan ko. Sabi niya..

Sa bahay niyo na lang maaga pa naman baby ee, isa pa wala naman akong gagawin sa bahay ang aga pa. Sabi ko.

Osige tara na. Sabi niya..

On The Waaay...

Iksi Iksi kase ng suot! Akala mo naman! Sabi niya na galit.

Maiksi ba yan grabe ka naman baby! HAHA! Sabi ko.

Paraaaaa po!!!

Umaambon na baby.", bilisan mo mag lakad diyan! Sabi ko..

Haaay bless po. :)

Baby pupunta tayo ng hospital aa? Sabi niya.

Kelan? Sabi ko.

Ngayon, kasama natin sila ate. Sabi niya.

Osige. Sabi ko.

Tara na sabi nila ate niya.

Kadarating lang umaalis na naman kame. HAHAHA!

At point list nail polish!

Biglang lakas ng ulan grabe! Haaays kaiingay pa nila dito, pero masaya nakakatawa sila kahit di ko naiintindihan mga pinag sasasabi nila. HAHAHA!

Baby hahatid na kita kapag tumila ulan huh?  Sabi niya..

Nabigla ako akala ko kase isasama niya ko sa hospital, ayoko pa umuwe ee pero parang pinapauwe niya na'ko. Napaka praning ko na naman mag isip. Pero okay lang den, nagtext narin naman si mama at pinapauwe na'ko.

Okay sige baby. Sabi ko.

Di na tumila,sinulong na lang namin ang malakas na ulan, basang basa na shoes ko HUHUHU.

Ingat ka baby. Sabay kiss  niya sakin.

Yes baby. Ikaw den ingat ka. Sabi ko..

Lakas ng ulan.. Tagal pa ng byahe..

123456789....

Finally I'm home!

Tila bigla akong inantok! haaaaaay...

Makapag pahinga na nga lang..

Baby hospital na kame. Nasa wards siya.. Ang Iingay nila dito mga pasyebte nagugulo na. HAHAHA! Text niya sakin

Nakauwe naba kayo?
Dika nagrereply baby?
Haays

Yang ang sunod sunod na reply ko hanggang sa makatulog ako..

Baby

Kakain kami baby ng Tapsi

Baby?

Nawalan ako ng signal dun sa pinagkainan namin dito na yung sasakyan ni Kriz..

Nagtext ako sayo..

Amoy ulam ako..
Hays

Iinom daw sila Baby..

Baby tulog ka na ba?

Nasa may Chamisul kami Baby.. Iinom sila pero ako hindi hatid kami ni Kriz pauwi..

Baby okay ka lang ba?

Baby pauwi na kami.. Galing kami sa bistro nagsawa sila..

Nakita ko si Khalid baby..

Sumbong niya daw ako sayo
Sabi ko alam mo na kasama ko sila Ate..

Baby.. Di na daw po kami uuwi.. Kanila Kriz daw kami mag sleep wala siya kasama wala yung mga bata naiwan kay Ate Kay.. Last lang po to no? ILOVEYOU 😘😘😘

Pitchy baka magalit ka kay Beng di na kami nakauwi sasamahan kasi namin matulog si Bilat sakanila wag kang magalit kay Beng ne? Ngayon nalang namin siya nakasama ulit e nag aalala kasi siya baka magalit ka sakanya sana next time kasama ka na namin para mag enjoy siya at makabonding ka namin. Thanks

Yan ang bumungad sakin ng UMAGA!

"LoveIsNotAboutGenderItsAllAboutAcceptance" (BASED ON MY TRUE TO LIFE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon