Every "DAY"

16 0 0
                                    

Sa notes mahilig akong mag sulat lalo na pag dating sa nararamdaman ko para sakanya.. almost 2 weeks narin ang nakaka lipas pero hindi parin siya nagpaparamdam sakin ANO PA NGA BA HINDI NA KAME BAKIT PA AKO UMAASA? Haays ewan ko ba.. :( kay God walang imposible.

March 4
6:49 am

Day 1

Pag gising ko bigla kitang na alala, akala ko may text ka o may missed calls ka. Sobra kitang miss sa mga oras na to, hindi ko alam na eto na pala yung umaga na magsisimula akong gumising ng WALA KA. 😪

-041025

March 5

8:48 am

Day 2

Pag kagising ko tinignan ko agad cellphone ko, nag babaka sakali na may message kana sakin. Nag babaka sakali na baka mahal mo pa ako. Ayokong isipin na wala ng ikaw at ako. 😪

March 6

6:46 am

Day 3

Gumising ako na may luha sa mga mata ko. Gumising ako dahil sa pag ka bangungot na akala ko WALA KANA. Gumising ako na akala ko may IBA KANA. Gumising ako at inalala ko lahat dahil wala na palang tayo, dahil ang totoo niyan umaasa parin akong maaayos pa to. Kahit nakatatak sa isipan mo na ako ang may kasalanan ng lahat at ako ang nakipag hiwalay sayo dapat kung mahal mo ko IPINAGLALABAN MO PARIN YUNG SALITANG MAHAL MO AKO.

March 7

6:54 am

Day 4

Gumising na naman akong maga ang mata, dahil sa sobrang pagka miss ko sayo at pag alala ko sayo gabi gabi. Gusto ko sanang sabihin na miss na kita pero ang saya saya mo na. Sana makaya ko lahat, lahat lahat ng sakit sa bawat umaga na wala kana. 😪

March 8

8:13 am

Day 5

Pinipilit kong maging kasing tibay mo kasing lakas mo sa lahat ng bagay, pero ang hirap hirap mag kunware na okay ka kahit hindi naman. Sobrang miss na kita at ang hirap itago yun. 😪

March 9

3:52 pm

Day 6

Walang wala na akong magawang paraan, dahil halos lahat ginagawa ko na pero balewala. Hindi ko na alam gagawin ko. Mahal na Mahal Kita at Miss na Miss na Kita. Pero bakit ganito? Bakit ako lang yung nasasaktan? Bakit ako lang yung nahihirapan? Sinusubukan ko naman para maayos, sobrang sakit. Kung bakit nangyare ang lahat ng hindi naman dapat mangyare. Kung bakit tayo nag hiwalay. Kung bakit bigla kana lang nag laho na parang hindi ako yung taong minahal mo sa isang taon at sampong buwan naitapon mo at tinapos mo lahat. Bigla kana lang sumuko. Bigla kana lang nawala. Sumuko ka ng hindi mo ako na ipaglaban. 😞

March 10

9:05 am

Day 7

Nung nakita ko sa Facebook na pinariringgan niyo ako ng katrabaho mo with pictures niyo pa. Nasaktan ako ng sobra na halos durog yung pagkatao ko. Sobrang sakit na hinahayaan mong pag usapan ako ng iba pero mas lalong mas masakit nung ikaw rin pala ang pasimuno sa lahat para apihin ako. Sobrang stress ako na parang pasan ko at solo ko lahat ng iniwan mong sakit. 💔

March 12

10:11 am

Day 9

Sobrang sad ko today. Sobrang miss na miss na kita. Wala na akong magagawa kundi makasama ka na lang hanggang sa panaginip ko. Ikaw parin ang na aalala ko. Hindi ko maisip na iniwan mo na ko. 😞

March 13

12:18 pm

IMISSYOUSOMUCH BABY 😪 I WILL MISSED YOU EVERY SINGLE DAY OF MY LIFE 😪

🎉 Tapos mo nang basahin ang "LoveIsNotAboutGenderItsAllAboutAcceptance" (BASED ON MY TRUE TO LIFE STORY) 🎉
"LoveIsNotAboutGenderItsAllAboutAcceptance" (BASED ON MY TRUE TO LIFE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon