02

43 3 2
                                    

"Kanina pa kita hindi maintindihan Ced. Anong sinasabi mong 'para sa kanya'? Eh sino bang kanya yan?" tanong ni Marco sa akin. Si Marco Galvez. Kababata ko yan. 

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria at makikipag-kita sa grupo namin.

"Hindi ko alam." mahina kong sagot.

"Wag mong sabihing para kay Alecsandra yan? Naman tol, move on move din. Uso yun." sabi sa akin ni Marco at inakbayan ako.

Si Alecsandra...

"Ano ba naman yan Marco. Tigilan mo ako." sabi ko at inalis ang pagkaka-akbay nya sa akin.

"Oy mga tol!" -Chino

"Kanina pa namin kayo hinihintay." -Terrence

"Oh, anong drama mo ngayon Ced?" -Kenee

"Mga salita nyo, ayus-ayusin nyo ha? Yung angkop talaga. Di kasi ako madrama. NAG-IISIP AKO." sabi ko tapos hinila yung upuan at syempre, umupo.

"NAG-IISIP KA TOL?!" sabay-sabay na sabi nila. Jusmiyo. Nakakapanlumong naging kaibigan ko ang mga ito.

"PUTRAGIS ANO BA!" napasigaw ako. Sa sobrang lakas ng boses ko, lahat ng nasa cafeteria ay napatingin sa table namin. Pero yung iba, kanina pa talaga yan nakatitig sa amin.

"Oy! Kanina pa pala kayo dyan?" dumating naman yung leader ng TGT.

"Walangya ka bro." sabi ko kay Migs, Migs Del Prado. Siya ang leader ng grupo naming may pakana nitong kalokohang ito.

"Bakit naman dude? kakarating ko lang oh." sabi nya tapos tumabi sa akin.

"Ano namang kalokohan ang pageant na yan ha? Ipagtapat mo nga sa ami--" bigla naman akong napatigil kasi tinakpan ni Gino yung bibig ko.

"CED? IKAW BA YAN? Anong ipagtatapat? Shit anong meron sa inyo?! Badin---"

"Shhh! baka may makarinig sayo!" sabay sabay naming suway kay Gino at tinabig ko na rin yung kamay nya sa bibig ko.

"ANO BA KASI! PATAPUSIN NYO KO! Moment ko ito e." sabi ko. "Ikaw Migs, kung gusto mong mag-heels, mag-bikini, at kung ano ano pang kabadingan yan, okay lang sa amin pero Migs naman. Wag mo naman kaming idamay dyan." pagpapatuloy ko.

"Oy Oy Oy. Hindi ah! Straight ako!" sabi ni Migs na sobrang OA na sa pag-iling iling.

"Straight gay?" sabi kong gulat pa.

"Tanga hindi. Lalaki ako 100% Sigurado ako dyan." sabi nya na talagang itsurang siguradong-sigurado siya.

"Eh anong kalokohan ba yan?" tanong ni Van kay Migs.

Lahat kami ay tutok na tutok kay Migs at talagang nakikinig sa sasabihin nya. Tahimik kaming lahat at inaabangan ang mga susunod nyang sasabihin.

"Kasi ganito yan. Gusto ko lang isang kasiyahan bago matapos ang taon. Yun lang! Ang saya nun ha! Aminin." sabi ni Migs.

"Kasi naman tol, pwede naman kasing kantahan na lang natin sila kahit daan-daang kanta pa yan! Kahit gayahin ko ang paggigitara ni Sungha Jung." sabi ni Neil.

"Sino si Sungha Jung?" tanong naming lahat kay Neil.

"Dude! Di nyo sya kilala? Siya yung koreanong napakagaling maggitara! Yung fingerstyle guitarist!" pakilala sa amin ni Neil dun sa Sungha Jung.

"Dude, nakokoreano ka na! Hahaha" 

"Oy pag napanood nyo yun nako! Gugustuhin nyo na ang maggitara! At isusumpa mo yun sa sobrang galing. Astigin e." fanboy na fanboy lang ang datingan ni Neil.

"Tuluyan na pong nababading ang TGT. Inuulit ko, unti-unti na pong nababading TGT." sabi ko ng pabiro. Well, okay lang naman ako sa pageant. Makakatulong din naman ito para maibalik ko ang dating kami. 

"Sino yung pinili nyong tutulong sa inyo ha?" tanong ni Migs sa amin pero lahat umiiling.

"Si Nica She Gervacio." sagot ko. Eh sa totoo naman e.

"ANO?!" sabay sabay na tanong nilang lahat.

"Anong meron naman dun?" tanong ko.

"Dude naman. Akin yan eh." sabi ni Migs. May gusto kasi si Migs kay Nica. Hindi ko ba alam at hindi nya yan nililigawan.

"Eh ano? Siya ang pinakamagaling na make-up artist sa school. Makakatulong siya ng malaki sa pagkapanalo ko." sabi ko.

"Tol naman eh." atungal ni Migs.

"Easy! Bagal mo eh." sabi ko. haha. Pang-asar ko lang.

"Psh. Sana di ko na tinuloy ito." sabi ni Migs na mukhang nalugi.

"Ano ba naman yan Migs. Hahahhaha lugi ka masyado ha? Nalugi rin ako eh. Ayan, lugi ka rin" gantihan ba ito pre?

"Ayusin mo yan Ced. Nako, binabalaan kita." sabi ni Migs and as if on cue, tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang break time namin.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Marco.

Si Alecsandra.

___________________________________________________

Ced: SINO BA KASI YANG ALECSANDRA NA YAN HA? Ako rin di ko alam e. basta alam ko babae yan. 

Ced-erella: Pageant ng mga pogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon