"Cedric" bati sa akin ni Alecsandra nung makalapit na sya sa akin.
"Alex. Anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Napadaan lang ako actually pero nakita kita kaya ayon."
"Ah. Yun lang ba talaga?"
"Anong yun lang ba talaga? Yun lang. Tsaka wala kasi masyadong tao dito."
Na-aawkward ako sa kanya. Parang wala akong masabi.
"Na-aawkward ka ano? Okay lang. Kasalanan ko naman eh."
"Hindi. Wala yun. Sadyang marami lang akong iniisip ngayon."
"Ganun ba? Tulad ng? I know na parang ang weird naman para sa atin na nag-uusap tayo ngayon kasi mag-ex na tayo. Pero pwede naman sigurong maging friends tayo diba? Okay lang ba?"
"Yes. I'm perfectly fine with it. Mas mabuti nga yon."
"So, anong iniisip mo?"
"Wala naman. Ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Ced! Chibog na dude!"
"Mamaya na yang chix. Kain ka muna!"
"Kain ka na dito!"
"Oo nga para mas masigla ka sa gagawin nyo mamayang ga--"
"Ano ba Kenee. Hayaan nyo si Ced."
"Kasama mo sila?" tanong sa akin ni Alex.
"Lagi naman eh. Sino pa ba sasamahan ko?"
"Ako?"
"Eh nasaan na si Clarence?"
"He's fine. Totally fine. Perfectly fine. Ano pa bang adjective?"
"Nag-away ba kayo?"
"Yeah. Maliit na away lang yun. Kaya don't worry."
"Ah."
"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Alam ko namang ang isang Cedric De Silva ay ang taong laging may pinagkakaabalahan."
"Pageant."
"Ah oo nga ano? TGT member ka nga pala. So you're taking it seriously?"
"Yep."
"Grabe. Di ko akalaing seseryosohin mo yun."
"Pero di tulad ng pagseryoso ko sayo Alecsandra."
"Ced."
"Oh sorry. Haha"
"So, do you need any help? Pwede kitang tulungan."
"No thanks. Nica will be helping me on this. Thanks for the offer anyway."
"Si Nica? Yung Gervacio?"
"Naman Alex. Parang di mo kilala si Nica ha? Sa lahat ng---"
"Stop it Ced. Ayoko na."
"Fine."
"Sige alis na ako. Bye Ced."
"Sige. Bye."
Nagsimula na maglakad si Alecsandra papalayo. Pinapanood ko lang sya maglakad papalayo sa akin pero bigla syang tumigil at...
"And Ced, goodluck."
Tapos naglakad na syang ulit paalis.
I never thought that it would be that easy for her na kausapin ako ulit na parang walang nangyari.
_______________________________________________
Ced: 2nd update ko ngayon. Hahaha masyado akong natuwa mag-update na mag-update ngayon hahaha (Kahit isang page nanaman yata ito). Salamat.