03

38 3 1
                                    

October

"Spill it." sabi ko kay Nica na halatang may gusto siyang sabihin.

Nandito kami sa bleachers ng soccer field ng school. Pinanonood yung practice ng Track and Field varsity team.

"Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong nya na nakatingin pa rin sa mga nagpa-practice.

"Eh ba't ang layo mo sa akin? Tumabi ka sa akin. Hindi ako nanlalaplap---este nanlalapa! OO! NANLALAPA yun!" sabi ko sa kanya. Ang layo nya kasi eh.

"Oh eto na." sabi nya tapos tumabi na sa tabi ko. "Ba't di ka sumali sa Track and Field varsity team?" 

"Kasi ayaw ko." simpleng sagot ko.

"Eh di ba hilig mo ang sports?" tanong nya na this time ay nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman priority yan. May pina-prioritize akong iba.sabi ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa field. 

"Ah."

"Ang daming nagbago." sabi ko.

"Ganun ka pa rin naman. Di ka nagbago. Ganyan pa rin yung amoy mo. Pang-baby." sabi nya ng tuloy tuloy.

"Pero ikaw, wala sayong nagbago pati yung na---" napatigil ako dahil biglang dumating si Marco.

"Oh. Andito ka pala Ced...at Nica. " 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Marco.

"Wala. Ayos ha. Parang tayo lang dati.sabi nya. Bigla naman akong napatingin kay Nica. Halatang naa-awkward sya sa sinabi ni Marco.

"Tol, panira ka eh." sabi ko.

"Bakit? Don't tell me, nagliligawan na kayo dito?" asar niya. 

"Hindi gago. Nag-uusap lang kami tungkol sa pageant kaso bigla kang dumating." palusot ko.

"Osya. Alis na ako...baby! Hah! Endearmenet pa ha!" pang-asar na sabi ni Marco bago sya umalis.

"LOKO! DI YUN ENDEARMENT!" pahabol ko sa kanya.

"Wag kang sumigaw." saway sa akin ni Nica.

"Nagbago ka na nga." sabi ko.

"Matagal na akong ganito. Hindi ka na nga lang sanay na. Ang tagal mo rin kasing nawala." mapait yung pagkakasagot nya.

"Oo nga ano? Tagal na nun." sabi ko naman.

"Eh si Alecs--" tinakpan ko yung bibig nya para tumigil.

"Alecsandra." pagpapatuloy ko tapos tinanggal na nya yung kamay ko sa bibig nya.

"Uh...oo. Siya nga." sabi nya.

"Ewan ko. Di ko alam." sabi ko.

"Sorry." sabi nya. Napatingin naman ako kay Nica. Parang na-guilty siya.

"Wag kang mag-sorry. Masaya na siya ngayon kay Clarence. Ako nga yata ang dapat mag-sorry sayo eh." sabi ko sa kanya.

"Don't be." sabi nya tapos umalis na sya.

Naiwan ako dito sa bleachers.

Nakapag-isip-isip ako

Si Alecsandra

Si Nica

SI Clarence

Si Marco

Mga taong naging malaki ang epekto sa buhay ko.

_________________________________________

Ced: Haha naadik ako mag-Italic ngayon haha.

Ced-erella: Pageant ng mga pogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon