Ang poging simula 01

79 4 3
                                    

"Kyaaaah! Nandyan na si Ced!"

"OMG si Cedric De Silva!"

"The oh-so hot fafa is here naaaa!"

Anaknampots yan. Kada umaga na lang ang mga babaeng yan.

Yung totoo, BAKIT SILA PUMAPASOK? Para mag-aaral o para tilian ako araw-araw at mag-daydream habang nagkaklase? Kaasar. 

"Hi" simpleng bati ko sa mga babaeng andoon sa corridor/hallway bago pumasok ng classroom.

"OMG NICA! Wait lang. NANDITO NA SI FAFA CED!"

"Nica! Nica! Dalian mo naman! Ayusan mo na ako at nandito na si Ced! I need to be pretty!"

"NICA! ANO BA DALI NAAAA! SI CED NANDITO NA!"

Ayan. Ayan ang mga masisipag kong mga kaklase. Walang ginawa kundi magpa-plantsa, magpa-curl, magpaayos ng buhok at magpa-make up sa kaklase naming si Nica She Gervacio.

"SHUTANGINA NAMAN ANO BA! ANG DAMI-DAMI NYONG NAGPAPAAYOS! ISA LANG AKO OH! Lechugas kayo." angal ni Nica tapos padabog na ibinaba yung hair iron ba tawag dun? Tapos nag-grand exit bigla. 

"Umayos kasi kayo." walang buhay kong suway sa mga kaklase ko tapos umupo na at isinuot na lang ang headphones ko. Ayoko ng maingay.

"Omygosh, nagalit na si fafa Ced."

"Sorry na."

"Di na kami mag-iingay."

ABA DAPAT LANG. Ayoko ng maingay. Nakakairita. Masyadong ma-talak. Ayoko sa ganyan. Kulang na lang, sila na ang pumalit sa speaker.

"Good Morning Class-A2" bati ng adviser namin.

"Good Morning, Ms. Reyes." 

"You may now take your seat and I will have a big announcement for you guys." sabi nung adviser namin tapos nagsisunod naman ang lahat.

"Big announcement miss?"

"Parang maganda yan ha."

"Interesting"

"Okay. Shut up. Listen everyone. Graduating students this year will have a program sa March, before the school year ends. In this program, ang TGT ang bida." panimula ng adviser namin.

TGT? Yung grupo namin?

"OMGEE"

"Sounds fun"

"Grabe!"

"Ano naman yan?" tanong ko. Aba! Kasali ako sa TGT. Ni wala naman kaming napag-uusapang magkakaroon kami ng program sa March.

"A pageant."

"Anong klaseng pageant yan? Miss, ang TGT ay all-boys group at ni kailan man ay di pumasok sa isip namin ang salitang 'pageant' para sa amin. Lalaki kami." sabi ko.

"The leader of your group planned this. Siya mismo ang nag-propose sa amin nito. For fun. At napang-saangayunan naman ito ng board. So, tuloy ito."

"What?! Wala sa aking sinasabing ganyan miss."

"Ikaw ang pinakasikat sa grupo nyo pero ikaw itong outdated."

"It's because I haven't been in touch with the group these past few days. I was busy think---teka nga.  Do I really need to explain? Basta. Di ako sasali dyan."

"No. All of the members of TGT already agreed on it, ikaw na lang ang hindi."

"Ano ngayon?" walang pasensya kong sagot.

"Anong 'ano ngayon'? You have to join. Bawat klase ng fourth year ay may isang miyembro ng TGT and that only means na you'll be our representative."

"Ano bang klaseng pageant yan?"

"Okay. Listen. This is only for fun. I repeat, FOR FUN. Ang bawat miyembro ay magiging isang babae sa isan---"

"ANONG BABAE? The fudge. Anong kalokohan ito?"

"Patapusin mo ako De Silva. Sa isang gabi. They will wear bikinis, gowns, heels and make-ups. They will also have Q&A and talent portion. Naiintindihan mo na?"

"Yes. I clearly understood every single detail and my answer? ISANG MALAKING HINDI."

"OMG payag ka na Ced"

"Masaya ito'"

"Ang gwapo nila kaya!"

"Do it for us Ced!"

Do it for us?

"And in this pageant, you'll be needing someone to help you para sa mga gowns etcetera. Kaya mamimili ka among your classmates kung sino sa kanila ang tutulong sayo."

"AKO NA LANG CED"

"I volunteer!"

"Alyana at your service"

"Good Morni---" hingal na hingal na bungad ni Nica sa pinto.

"YOU! I choose NICA SHE GERVACIO." sabi ko at tinuro si Nica.

"Anong ako?" takang-takang tanong ni Nica habang tinuturo nya ang sarili nya.

"Ikaw ang tutulong sa akin." sabi ko.

DO IT FOR US...pero gagawin ko ito, para lang sa KANYA.

ANG TAONG MAHALAGA SA AKIN.

ANG TAONG MINSAN KO NANG NASAKTAN.

Ito na lang ang tanging paraan ko para muli naming maibalik ang dating KAMI.

____________________________________________________

Ced: OHA! DRAMA. Grabe mga tropapips, INTENSE. Hahaha.

Ced-erella: Pageant ng mga pogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon