"Ang aga mo yata umuwi Ced?" salubong sa akin ng mama ko.
"Ayaw nyo pa yun Ma?"
"Siguro kasi may girlfriend kang hinatid ngayon ano? Ikaw ha." sabi ni daddy.
"Oh dad! Mama, baka kay dad mo dapat yan tanungin. Bakit yata ang aga mo ngayon dad? Undertime?"
"Date date din pag may time." si dad talaga oh.
"Nagdate kayo ni Mama? Ayos ha. Early dinner?"
"Lunch. Double date." sabi naman ni Mama.
"MA SERYOSO KAYO? Double date? naks tumi-teen lang."
"Kasama sina Tita Andrea at Tito Fernando mo." sabi naman ni dad.
"Sina tita? Anong meron? Bakit?"
"Wala naman. Masama bang maka-lunch sila?" sabi naman ni dad.
"Okay. May napag-usapan po ba kayo?" tanong ko.
"Hmm. Kwentuhan lang naman. Yun lang. Kain na tayo at wag na tanong ng tanong." sabi naman ni Mama.
//-------------------------------------------//
October
Monday
"Tol naman. Ano na namang meron ngayon? Kahapon, si Alecsandra. Wag mong sabihing Alecsandra na naman ngayon ha?" -Marco
"Tol, it's been almost 3 months mula nung break-up nyo." -Kenee
"Kelan ba yun? June 27? Tol, OCTOBER na." -Gino
"Gising gising ka rin sa katotohanan Ced." -Terrence
"Dre, di porket gwapo ka, babalikan ka n'on." -Chino
"MOVE ON MOVE ON DIN PAG MAY TIME!" sigaw nilang lahat sa akin tapos tumakbo na papalayo.
Akmang tatakbo na ako para sundan sila kaso may isang taong nagpatigil sa akin.
"Cedric."
Boses pa lang kilala ko na.
Nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko at di na ako nakagalaw.
"Alecsandra." bulong ko sa sarili ko.
______________________________________________________
Ced: AYAN NA! Naipasok ko na si Alecsadra! Sa wakas. Hirap na hirap na akong magpasok ng mga character dito sa story na ito. One page lang itong part na ito. Hahaha kahit kailan di ko kayang gawing 4 pages ang isang chapter. Hahaha sorry naman. Salamat!