06

28 1 0
                                    

Marco's Point of View

"Oh? Bakit ka pumayag?" 

[Eh humingi kasi ng favor eh. Alin namang humindi ako?] sagot sa akin ni Nica. Kausap ko ngayon si Nica sa telephone. Kasi ito ang nakasanayan naming gawin pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Tanga ka ba? Hindi. Tanga ka talaga She. Ano ba."

[Ako nanaman! Eto naman e.]

"Nasaktan ka ba sa ginawa nya dati sayo ha?"

[Oo. Sino ba namang hinayupak at pakialamerang di masasaktan sa sinabi nya?]

"Wag kang magsalita ng ganyan. She naman kasi eh. Di ba kinausap na kita?"

[Oo nga. Sabi mo, wag kong kausapin yun. Wag akong tanga na porket kinausap lang eh kakausapin na lang ulit sya na para bang di nya ako nasaktan. Alam ko yun Marco.]

"Ang tanong, naintindihan mo ba? She kasi, pag hinayaan mo sya, sasaktan ka lang nyan ulit. Wag tanga ha? Sakit mo sa ulo e."

[Sus. Mabait kasi ako kaya ako pumayag. Kailangan nung tao ng tulong kaya ayon. Tutulungan ko sya at saka simple lang naman yun eh. Di masyadong heavy na gawain so, okay lang ako doon.]

"Mabait ka? Mabait ka, oo. Kaya ka inaabuso e."

[Hay nako Marco. Quit it. Kahit ngayon lang]

"Bestfriend kita She kaya kahit anong sabi mong 'quit it' na yan, wala akong pake. Kahit gaano ka-harsh ang mga salita ko, ayos lang sa akin. Bakit? Kung dyan ka naman matututo e, bakit hindi?"

[Napaka mo Marco.]

"Nasaan ka ba ngayon?"

[Coffee shop sa may park.]

"Ah. Anong ginagawa mo dyan?"

[UMIINOM NG ALAK. Nahiya ako kasi COFFEE SHOP to diba? Bobo nito.]

"Harsh mo naman."

[Eh kung dyan ka matututo eh. Ano na Marco. PUPUNTA KA BA DITO O HINDI?]

"Pupunta. Wait for me. I'll be there in 30 minutes. WAG KANG AALIS DYAN."

[Yeah yeah, sure Mr. Know-It-All]

"Leche, sige na bye. Punta ako dyan."

//-----------------------------------------------------//

Marco's Point of View

Coffee Shop

"Oh ano na?" tanong ko kay Nica.

"Anong ano na? Nag-design na nga ako ng gown mo eh."

"Tone down your voice She. Ano ba. Baka pagkamalan ako dito bading na sasali sa gay pageant."

"Bakit? Sasali ka naman talaga sa pageant ah?"

"Pero hindi gay pageant!"

"Whatever. Pili ka dyan." sabi ni She tapos inilatag sa table yung mga designs nya.\

"Si Cedric?" tanong ko kay She.

"Aba malay ko sa kumag na yun."

"Pinapapili mo ko dyan. Pano si Ced?"

"Sus. Sabi mo, wag masyadong mabait at baka abusuhin ka. Yung totoo Marco, naguguluhan na ako ha."

"Baka mamaya ako upakan nun pag mas maganda ako sa kanya!"

"Hahahaha ano ba Marco. Wag kang magsalita ng ganyan! Natatawa ako eh. nakakapangilabot at the same time."

"Aisshhh. Sabihin mo nga sa akin. Nakasinghot ka ba?"

"Duh. No. Anong sisinghutin ko? Sipon lang kaya ko ano!"

"Corny mo."

"Maganda naman."

"Sige na nga. Sabi mo eh."

"OH ANO?! PIPILI KA BA O ANO?"

"May sarili akong partner She. Hayaan mo sya."

"Sino ba partner mo?"

"Si Char."

"Charlotte? Oh. ok."

"Wala lang. Hayaan mo syang mahirapan. Yun din naman ginawa nya sayo diba?"

"Psh. Hayaan na lang natin yun! Hahaha. Get over it Mister."

"Bakit ba sobrang bait mo? Mabait nga, tanga naman. Mabait nga, inaabuso naman. Bakit ba kung ngumiti ka, parang walang nangyari?"

"I smile and act like nothing is wrong, it's called putting shit aside and being strong." 

"Dami mong alam."

"NAMAN!"

"Gala tayo? Tulad ng dati?"

"Saan naman? Tulad ng dati?"

"Hahaha oo. Tulad ng dati."

"Ayos. Fave word lang?"

"Basta. Na-miss ko rin yata ang makasama ka."

____________________________________________________________________

Ced: Ano ba pwedeng isunod dito? Wala na akong maisip. Nabo-bore ako masyado. Itong story ko ay hindi humor a? Wag umasang nakakatawa to. Drama forte ko e. Sorry naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ced-erella: Pageant ng mga pogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon