Chapter 3

10 0 0
                                        

Author's Note:

Naantala masyado ang chapter 3. Pangatlong beses ko na tong uulitin. kasi UNA, Naexit ko bigla yung wattpad, PANGALAWA, namatay yung laptop kaya aun. Pangtatlo ko na tong ulit.

Pero guys, i'll do mu best para lang matapos ang story ko na to. Sana nga lang po, may magbasa. Salamat, free to vote and comment.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 3

Eric's POV

Katatapos lang ng class namin, nandito ko ngayon sa library. Kapag talaga may mga homeworks at examinations kami, dito ko ginagawa ito at dito rin ako nagrereview. Maya maya, biglang namatay ang mga ilaw sa library, tumingin ako sa wrist watch ko, 10PM na pala sarado na ang school. Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay ibinalik ko na ang mga librong hiniram ko, inayos ko na ang mga upuan, niligpit ko ang mga gamit ko at umalis na. Paglabas ko sa eskwelahan, nakita ko si Ernie, inaabangan ako. Nung makita nya ko, inoffer nya ko na sumakay sa pedicab nya.

Maya Maya ...

"Eric! Ric! Andito na tayo," Si Ernie, habang tinatapik tapik ang braso ko na nakapatong sa bag ko.

Agad naman akong naalimpungatan kaya bumaba na ko ng pedicab pati na rin si Ernie. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at inabot kay Ernie pero hindi nya ito tinanggap.

"Ayy! Wag na Eric! Uhmmmm, yun nga palang love letter na pinapagawa ko? Hehehe! Baka yari na?" Natawa nalang ako, kinuha ko yung love letter mula sa bulsa ng bag ko at inabot sakanya.

"Salamat, Pare!" Ernie. Kinuha nya ito, binuksan at binasa. "Pare, ang ganda! Kaso parang hindi ko maintindahan, English eh."

"Pare, amerikana ang ka Penpal mo! Alanganaman tagalugin ko yan!" Ako. Ernie talaga.

"Oo nga no! POSITIVE! Sige na Eric, pahinga ka na mukhang pagod na pagod  ka na." Ernie. Nangiti nalang ako at umapir sakanya saka umalis.

Umakyat na ko sa hagdanan papunta sa maliit na kwartong inuupahan namin ni lola. Naabutan ko syang natutulog sa tumba tumba, hinalikan ko ang noo nya at agad naman syang naalimpungatan.

"Lola, bakit naman po dito kayo natulog?" Ako. 

"Iniintay kasi kita, Apo." Si lola. Pagkasabi nya ay hinawakan ko ang kamay nya.

"Pasensya po, la. Nagreview pa po kasi ko para sa exams namin, saka gumawa pa po ako ng homework." Ako.

"Kawawa ka naman. Kung buhay lamang ang iyong mga magulang hindi mo na kailangang magtrabaho para makapag aral." Sabi ni lola habang hinihimas himas ang kamay ko.

"Ok lang po, la. Kaya ko naman eh." Ako. Kahit nalungkot ako sa sinabi ni lola pero hindi ko nalang ipinahalata pa.

"Ayy oo nga pala, bago ko makalimutan."  Sabi ni lola, tumayo sya at pumunta sa mesang malapit sa kinauupuan nya. "Eto oh, para sayo." Sabay abot sakin ng tupperware.

"Mukang masarap to lola." Wow! Favorite ko pa naman to, Chicken adobo. Kinuha ko ito, binuksan at inamoy amoy. Ang bango, mukhang masarap! 

"Lola, kanino naman po galing to?" Ako.

"Dun sa kapatid nang kaibigan mong si Justine, si Jenny? Hindi ba't crush na crush ka nun?"Lola.

Tss. Bigla kong nawalan ng gana. Sa totoo lang ayoko nang may nagaadmire sakin eh, hindi naman sa nagmamalaki ako pero basta ayoko kasi iisa lang talaga ang mahal ko kundi si Patricia Castillo.

"Ah. Sa inyo nalang po, la." Ako.

"Bakit? Ayaw mo ba kay Jenny? Maganda naman yun, at mabait." Si lola.

"Hindi naman po, pero ayoko po muna la sa mga ganyan. Ang priority ko lang po muna ngayon ay puro pagaaral, saka na yung love love na yan." Pagdadahilan ko.

"Alam mo apo, may tiwala akong magtatagumpay ka, napakabait mong bata." Si lola

"Salamat po, Lola." Ako.

"High five." Si lola, sabay abot nya sakin ng kamay na pang apir. Cool grandma ^________^

"I love you, Lola." Ako, sabay yakap sakanya.

"I Love you too, Apo." SI lola.

"Sige po, Lola. Pahinga na po tayo." Yaya ko. Inalalayan ko sya para makapunta sa higaan namin. 

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasensya medyo maikli lang to, ang dami kasing nangyari eh. Pasensya na.

Fell with my saviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon