FIJAW - Chapter 6

7 2 0
                                    


Jesther's POV

Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataong maging akin ang babeng matagal ko ng minamahal. Si Anna ito ang babaeng iibigin ko hangang sa huling hininga ko. Siya ang una at huling babaeng nagpatibok ng puso ko ng ganito. Now, I'm here standing infront of the lady I love. She havn't change. She still got that baby face, but now she's better, she have got that sexy body like a model, precious face like a beauty queen and she's all perfect to be my one and only queen.

Madami na akong napagdaanan ng mahiwalay sa kanya. Tiniis ko ang bawat segundo na wala siya. Kaya ngayong nasa harap ko na siya hinding-hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa kami ulit. I love that girl. I love her so much.

"Anna"

Natauhan siya sa pagtawag ko. Nakarehisto sa kanyang mukha ang pagkagulat at pananabik. Ang kanyang mga mata ay parang nagtatanong kung bakit. May problema ba sa pagdating ko? Nahuli na ba ako? May mahal na ba siyang iba?

" Je-Jefer--son? "

Nilapitan ko siya at yinakap. Tulala parin siya. Matagal ko na siyang hindi nahawakan. Ang presensya niya nakakamiss. Ang mahawakan siya ng aking mga bisig ay lagi kong hinahangad.

"Anna bumalik ako para sayo, para sa pangako at pangarap nating dalawa."

Laurize's POV

"Lar gising, hoy! Gising na sabi"

Nagising ako ng may isang palakang nag-aalburuto na sa aking harapan. Si ate Fai lang pala. Inilinga-linga ko ang aking paningin upang makasiguro. Panaginip lang naman yun diba? Ayokong maniwala pero para kasing totoo.

"Hoy!"

"Ay tipaklong! Ano ba? Ughh sakit ng ulo ko"

Napadaing ako sa sakit. Parang unti-unti itong pinipiga.

"Hapon na at natutulog ka parin? Aba matindi na yan ah"

Ano? Hapon na ba parang hindi naman ako nakatulog ah. Napasimangot na lang ako. Kailangan ko ng bumangon at kumain. Nagugutom narin ako.

~~~

Nagpahangin ako sa isang malawak na dalampasigan na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Sunset na kaya magandang pagmasdan. Nag-iisa lang akong anak, malungkot kong nilalabanan ang buhay dahil wala sa piling ko ang aking mga magulang. Sila lang ang nagiging lakas ko. Mga katulong lang namin at driver ang lagi kong nakakasama pero kahit ganun maganda naman ang turing nila sakin. Anak-anakan na nga nila ako pero kahit ganun masaya parin ako dahil may mga tao paring laging andiyan upang tulungan at alagaan ako. Namimimiss ko na mga magulang ko. Kumusta na kaya sila?

Matapos kong mag lakad-lakad na padpad ako sa dulo ng dalampasigan. May isang alitaptap akong nakita. Kakaiba ang kulay nito. Paiba-iba ng kulay, nakakaakit tingnan. Sinundan ko ito papasok sa kagubatan. Biglang tumigil ang alitaptap sa may batong may nakaukit na larawan ko. Larawan ko? I was been shock and mismerize. I blink and blink my eyes. Di ako makapaniwala. Is this real? Paano naman naukit ang larawan ko sa isang bato? Ngayon lang ako nakapunta dito. Not knowing na malayo na ako sa bahay. Madilim ang paligid at walang kailaw-ilaw. Ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Bigla akong natakot, takot dahil nagiisa lang ako sa kagubatang ito. Di ko alam kung saan ang lagusan. Paano na ako dito? Pano kung may mga masasamang hayop na nakapaligid at handa akong tunggabin? Mabubuhay pa ba ako? Makakalabas pa ba ako sa kadilimang ito?

x x x
[A/N: Hello readers :) paumanhin ngayon lang ulit ako makakapagsulat. Naging busy kasi ako these past months at matagal-tagal din kasi ang dami ko pang dapat unahin but still bear with me guys. Iniba ko rin ang plot ng story para mas maging maayos at may sense na. Susubukan ko ring habaan ang mga chapters ko at idetails talaga lahat. Sensya na po sa typo's and grammar ko.]

Forever is Just a Word (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon