Laurize's POV
"Lar gising, hoy! Gising na sabi"
Nagising ako ng may isang palakang nag-aalburuto na sa aking harapan. Si ate Fai lang pala. Inilinga-linga ko ang aking paningin upang makasiguro. Panaginip lang naman yun diba? Ayokong maniwala pero para kasing totoo.
"Hoy!"
"Ay tipaklong! Ano ba? Ughh sakit ng ulo ko"
Napadaing ako sa sakit. Parang unti-unti itong pinipiga.
"Hapon na at natutulog ka parin? Aba matindi na yan ah"
Ano? Hapon na ba parang hindi naman ako nakatulog ah. Napasimangot na lang ako. Kailangan ko ng bumangon at kumain. Nagugutom narin ako.
~~~
Nagpahangin ako sa isang malawak na dalampasigan na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Sunset na kaya magandang pagmasdan. Nag-iisa lang akong anak, malungkot kong nilalabanan ang buhay dahil wala sa piling ko ang aking mga magulang. Sila lang ang nagiging lakas ko. Mga katulong lang namin at driver ang lagi kong nakakasama pero kahit ganun maganda naman ang turing nila sakin. Anak-anakan na nga nila ako pero kahit ganun masaya parin ako dahil may mga tao paring laging andiyan upang tulungan at alagaan ako. Namimimiss ko na mga magulang ko. Kumusta na kaya sila?
Matapos kong mag lakad-lakad na padpad ako sa dulo ng dalampasigan. May isang alitaptap akong nakita. Kakaiba ang kulay nito. Paiba-iba ng kulay, nakakaakit tingnan. Sinundan ko ito papasok sa kagubatan. Biglang tumigil ang alitaptap sa may batong may nakaukit na larawan ko. Larawan ko? I was been shock and mismerize. I blink and blink my eyes. Di ako makapaniwala. Is this real? Paano naman naukit ang larawan ko sa isang bato? Ngayon lang ako nakapunta dito. Not knowing na malayo na ako sa bahay. Madilim ang paligid at walang kailaw-ilaw. Ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Bigla akong natakot, takot dahil nagiisa lang ako sa kagubatang ito. Di ko alam kung saan ang lagusan. Paano na ako dito? Pano kung may mga masasamang hayop na nakapaligid at handa akong tunggabin? Mabubuhay pa ba ako? Makakalabas pa ba ako sa kadilimang ito?
Hindi ko inakala na dadating ako sa puntong mag-isa na lang talaga ako. Naiiyak ako. Gusto ko ng maglumpasay sa sakit at lungkot. Bakit ko ba laging nararamdaman ang mag-isa? Nakatakda ba talaga ako na maging forever alone? Napakasakit! Sobrang sakit. Biglang bumuhos ang malakas na ulan sinamahan pa ito ng kulog at kidlat. Napapatakip na lang ako saking tenga sa tuwing naririnig ko ang malalakas na kulog. Basang-basa na ako. Ang bestida kong puti na kaninang hanggang tuhod ay ngayo'y punit-punit na gawa ng mga naglalakihang mga ugat ng puno sa dinaraanan ko kanina, basa na rin ito gawa ng luha ko't ulan. Para akong bata. Napaka immature.
"Laurize"
Isang malumanay na boses ang tumatawag sa pangalan ko. Masarap pakinggan.
"Laurize"
Narinig ko ang pagtawag sa ngalan ko ulit. Pilit kong hinahanap ang pinagmulan nito ngunit di ko makita. Ni isang tao siguro sa gubat na ito ay wala. Malamang sinong shunga ba naman ang papasok sa gubat na katulad neto e ako lang naman ata. Tskk napabuntong hininga na lang ako.
"Laurize halika, samahan mo ako"
Sino ba ang babaeng tumatawag sakin? Napakapamilyar naman ng tinig niya. Narinig ko na minsan ang mala anghel nitong boses. Di ko lang mawari kung saan.
![](https://img.wattpad.com/cover/30237114-288-k22173.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever is Just a Word (On-going)
FanficAng story pong ito ay 55.9% na kathang isip lamang at 44.1% na #whogoat xD hahaha. Sana'y magustuhan niyo po ito.ツ First story po kaya VOTE & COMMENT. Thanks Labyah ♥♡ mwahh GOD SPEED x x x This is a story of a simple girl who believe her life as pl...