1

3 0 0
                                    

#TagaAhaKaDong?


"Clyde!" napapikit ako sa lakas ng boses ni Dustin mula sa cellphone ko. "San ka na ba? Tagal mo, dude. Nandito na kami lahat eh!"

"I'm on my way. Chill, bro. Hindi ako maiiwan ng eroplano." tinawanan ko na lang siya at binaba na ang tawag.

Kinuha ko na luggage ko, put my wayfarers on, and wore my snapback. Pag labas ko, handa na ang sasakyan at dumiretso na kami sa airport.

"Hey, Dad. Alis na ko. Naayos ko na lahat ang dapat ayusin." sabi ko kay Dad.

"Okay, enjoy your vacation, son. Mabuti na rin yan at nang makapagrelax ka. Call you some other time, I have a meeting in fifteen minutes, ok? You take care."

"Aryt, Dad. Ikaw din." binaba ko na ang tawag.
After almost half an hour ay narating na rin namin ang airport.

"Thanks, Manong Cris. See you a week after next week." nakipag high five muna ako sa kanya bago dumiretso sa departure area at nag check-in.

"'Zup dudes!" nakangisi kong bati sa kanila at nakipag high five.

"Dude, what took you so long? Mabuti na lang at nakaabot ka pa. Tara na guys." nakasimangot na sambit ni Dustin.

"What's with Dustin? May dalaw ba?" tinanong ko si Kurt at tumawa lang siya.

"Baka brokenhearted, dude. Tara na nga't may makakita pa sayong fan dito. Ayokong maging body guard ano." sagot naman ni Stephen na nagpipigil ng tawa at lumilingon sa paligid.

Pagpasok namin sa eroplano ay halatang nagulat ang ibang mga pasahero. Hindi ko naman sila masisisi. Eh ang hot ko at gwapo pa. Tsk. Ang hirap maging gwapo, madali kang napapansin.

"Oh my effin god! Si Clyde yan diba?" bulong ng isang babaeng nadaanan ko.

"Oo! Ang swerte natin at nakasabay natin siya!"

Sht. Please lang.

Please huwag niyong hilinging magpapicture sakin ngayon at ayokong dumugin ng maraming tao sa ngayon lalo na't wala ang mga body guards ko.

"Magkakasama pa talaga sila nina Dustin, Kurt, at Stephen!" sabi naman nung isa bago pa kami makaupo sa seat namin.

God, please. Sana hindi nila kami dumugin ngayon. Kasi naman 'tong si Stephen eh, gustong magcommute at nang masubukan raw ang normal na pamumuhay. Sana pala hindi na ko nakinig sa kanya. May private plane naman kami. Tss.

"Uhm..ano..pwedeng makiselfie kuya Dustin?" ayan na. Mabuti na lang at sa may bintana ako nakaupo at mahirap makipagselfie sakin.

"S-sure." no choice na sagot ni Dustin at nakipagaelfie na nga sa dalaga kahit wala sa mood.

"Thank you! Idol po namin kayo." kinikilig na sambit ng fan.

Nagsitayuan ang ibang tao at lumapit samin. Yung iba humuhiling na makipagselfie at yung iba naman ay nagpapa-autograph. Hindi namin alam kung papano pa sila tatanggihan dahil alam rin naming magagalit sila at maaaring gawan na naman kami ng kwento.

"May we request all the passengers to take your seat for the plane will be taking off in five minutes."

Nang marinig ng mga pasahero ang announcement ay nagsibalikan na sila sa kani- kanilang seat

"May show kaya sila doon sa Cagayan De Oro?" narinig kong bulong nung nasa unahan namin.

"Ewan ko. Wala naman akong nakitang ads. Baka gagala lang?" sagot naman nung isa.

Nilagay ko na lamang sa tenga ko ang bluetooth headset ko at nakinig ng mga kanta.

You're a falling star, you're the get away car
You're the line in the sand when I go too far
You're the swimming pool on an August day
And you're the perfect thing to see

And you play you're coy, but it's kinda cute
Oh, when you smile at me you know exactly what you do
Baby, don't pretend that you don't know it's true
Cause you can see it when I look at you

And in this crazy life, and through these crazy times..
It's you, it's you; you make me sing
You're every line, you're every word, you're everything..

Naisip ko si Dad. Noong buhay pa si Mom, palagi niyang sinusurprise ng kahit na ano si Mommy. Pinaparamdam niya palagi how much he love her. Kaya naniniwala ako sa forever eh dahil kahit na wala na si Mommy, alam kong mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa kahit LDR sila ngayon.

This is gay sht but yes, I do believe in forever.

Tuwing kinakanta ko 'to sa stage, naiisip ko tuloy ang babaeng mamahalin ko. Kailan kaya siya darating? Bakit ba ang tagal niyang dumating sa buhay ko? San ba kasi nagtatago yun at nang mahanap na. Baka tumanda na lang ako, hindi ko pa siya mahanap. Naku! Sayang ang lahi ko. Tsk.

Pag ako na in love, she'll be my one and only and my everything. At sisiguraduhin kong I'll be her everything too.

Ano ba 'to? Ang corny ko na! Damn.

"Dude, seriously, wake up." nagising ako nang may maramdamang tumatapik sa gwapo kong mukha.

"Iwan na natin yan bro. Tingnan lang natin kung hindi pa yan magising pag may humalay diyan!" humagalpak ng tawa silang tatlo.

Gago 'tong mga 'to, iiwan pa ko. Minulat ko na ang mga mata ko at nakita silang papaalis na.

"Yeah! Magsilayas na kayo mga ulol!" sigaw ko sa kanila at lumabas na rin. Wala ng mga tao sa loob ng eroplano. Nagsitawanan lang ang mga gago.

Sumakay kami ng bus patungong Cagayan De Oro. Lahat kami'y naka wayfarers at naka cap para oang disguise kahit na alam naman naming may makakakilala rin samin.

Yung ibang tao sa bus ay tinititigan kami mula pa nung pumasok kami. Yung iba naman ay wala lang. Nacucurious marahil yung iba kung kami ba yung nakikita nila sa tv o kamukha lang namin.

"Excuse me po. Si Clyde po ba kayo?" tanong nung babaeng nasa kabilang lane ng upuan na katabi ko. Kakaiba yung accent niya sa pagtatagalog.

Anong bang isasagot ko?

"Huh? Sino po? Clyde?" kunwari'y tanong ko sa kanya. Siyempre hindi ko aamining ako nga.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Kurt sa tabi ko.

Kumunot ang noo nung ale at itinuro ang tv ng bus.

Fvck. Ngayon lang yata ako hindi masisiyahan na pinapalabas sa tv ang movie ko. Pakshet talaga at bakit ngayon pa? Pinagpapawisan na ako ng malagkit dito.

Umiling ako ng umiling. Nahihilo na nga ako sa kakailing.

"Naku, hindi po. Hindi po ako yan. Kamukha ko lang s-siguro po. Ma-marami na pong nakapagsabi sakin niyan." panay ang iling ko sa kanya pero parang nagdududa pa rin siya.

Maya-maya ay nawala na ang pagdududa sa mukha niya.

"Abi nako'g ikaw to. Taga aha diay ka dong?" (Akala ko ikaw 'yon. Taga san ka ba iho?)

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nosebleed. Bisaya yata ang mga tao dito. Oo, tama! Mindanao nga pala 'to at nasa CDO ako. Amputcha naman oh!

"Pasensiya na po, pero hindi po ako nagbibisaya. Hindi ko po naintindihan yung sinabi niyo kanina." lagot, baka mabuko pa ako nito.

Nanliit ang mga mata niya sa sinabi ko.

Lumingon ako kay Kurt at umiling lang siya sakin na parang sinasabing hindi niya rin alam pano magsalita ng bisaya.

"Talaga bang hindi ikaw 'yon?" itinuro niya ulit ang tv.

Napapalingon na rin sa amin ang ibang mga pasahero. Sina Dustin naman na nakaupo sa harapan namin ni Kurt ay nakayuko lang at kunwari'y nagtitext.

Mabubuko na ba ako nito?

Stars in GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon