#Orders
"I said let her go." malinaw niyang pagkasabi in a cool manner.
"Come on, man. I'm sure she isn't your girl so mind your own business." matigas na sabi naman ng manyak.
"She isn't my girl yet but she is my business that's why I do mind." nakangisi niyang sabi sa lalaki. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa black aviators niya kaya hindi ako sigurado kung sa akin ba siya nakatingin o sa manyak na foreigner.
I'm his business huh? Napangiti ako saglit sa sinabi niya.
Hindi pa rin nagpatinag ang lalaki kaya lumapit na si Clyde at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya ang kamay ko and I felt really secured by his gesture.
"Oh come on, man. I'm just gonna talk to her." nakangisi lang ang manyak at hinihila pa ako.
"Back off, will you?" galit na yata si Clyde. Napataas na ang tono niya at may banta na.
"Clyde, let's just g-go." sinikap ko paring kumalma. Ayokong makipag-away siya dahil sakin.
"Aryt! Keep it cool, man. She's all yours." nakataas ang kamay niya na nagpapahiwatig na suko na siya.
"That's right. Don't lemme see your fvckin' face again here." pagkatapos niyang sabihin sa manyak yun ay binalingan niya ako. "And you, why are you swimming in this area with those bikinis? You were almost harassed." nakakunot-noo niyang sambit. Ewan ko lang ha. Nag-aalala ba siya o nagagalit?
Biglang kumirot ang dibdib ko. Mabuti na lang, mabuti na lang at hindi siya napaaway. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Napaiyak na ako sa takot. Naalala ko ang nangyari noon. Lahat ng bangungot, naalala ko. Lahat ng sinikap kong kalimutan, naalala ko.Niyakap niya ako bigla nang makitang umiiyak nako. Nanginginig ang katawan ko. Hindi ko mapigilan ang takot na bumalot sakin. Paano kung nangyari ulit yung nangyari noon? Kaya pa ba ng konsensya ko?
"Sshh. I'm sorry. Sorry." hinahaplos niya ang likod ko. Nagiguilty ba siya sa sinabi niya? Hindi naman yun ang rason kung bakit ako napaiyak eh.
"N-napadaan lang naman a-ako and then suddenly I wanted to s-swim." nanginginig ako sa lamig at sa takot dahil sa nangyari kanina. Akala ko marirape na ako at akala ko'y mag-aaway ang dalawa. Whew.
Dahil sa paghaplos niya ay napatahan ako. Yakap niya pa rin ako. Ewan ko, pero parang ilegal itong nararamdaman ko. I felt so secured in his arms and in his touch. Ngayon ko lang siya nakilala pero parang matagal ko na siyang kaibigan.
Kumalas ako sa yakap niya dahil nahihiya na ako. Dinampot ni Clyde ang mga gamit ko at isinuot sa akin ang crop top shirt ko. Yung wallet at cellphone ko, hawak pa rin niya.
"It's getting cold, balik na tayo doon." sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko. Tinanggal niya ang aviators niya sa mata at nilagay ito sa shirt niya. Napatingin naman ako sa kamay niya at parang wala lang naman sa kanya. Hinayaan ko na lang muna, giniginaw na kasi ako, perfect ang mainit niyang palad sa panahong tulad ngayon.
I should thank him for saving me. For saving me from shedding more tears. Naabala ko pa tuloy siya.
"Uhm..a-ano..t-thanks.." ano ka ba naman Star? Thank you lang di pa masabi ng maayos?
Lumingon siya sakin at tinitigan ako. Yung titig na tagos to the bones?
"Anong thank you? May bayad yun." yun lang ang sinabi niya ng nakangiti.
Yay! Pambihira. Ano namang kabayaran? Kinakabahan ako diyan eh.
Naglakad kami pabalik sa hotel ng resort. Nakita naman agad namin sina Kurt sa lobby. Malalapad ang ngiti ng dalawa nang makita kami ni Clyde habang si Dustin naman ay nakatingin lang kay Clyde.
"Where have you been guys? We've been wonderin'." nakangising tanong ni Stephen habang nakatingin sa kamay ni Clyde na hanggang ngayon ay nasa balikat ko pa rin.
Napansin naman ni Clyde ang mga nanunukso nilang tingin kaya agad na ibinaba ni Clyde ang kamay niya.
"Muntik na siyang maharass ng isang foreigner dun sa tabing dagat. Nagswimming pa kasi doon sa malayo. Mabuti na lang at napadaan ako."
Nanlaki naman ang mga mata ng tatlo. Bakas sa mukha nila ang gulat at concern.
"Nasan na yung gagong yun?" galit na sabi ni Dustin na nakatingin kay Clyde.
"Pinauwi ko na. Gago talaga. Namimilit ng babae." inis na sambit ni Clyde.
"Napano yung lalaki? Naku! Kawawa naman." nag-aalalang tanong ni Kurt.
Sinapak naman siya ni Dustin. Natawa na lamang kami sa tanonh niya.
"Sa kanya ka pa talaga concern huh?" natatawang tanong ni Stephen.
"Concern din naman ako kay Star pero alam ko namang walang masamang mangyayari dahil nandiyan naman si Clyde. Concern ako dun sa manyak dahil baka nilumpo na ni Clyde." defensive ka masyado Kurt eh.
Natawa na lang kami sa sinabi niya.
"See? Napatawa ko si Star. Sa buong araw, ngayon ko lang yata nakita ang tawa niya." puna ni Kurt.
Nailang naman ako sa sinabi niya dahil napatingin sila lahat sakin. Four freakin' hot celebrities of the country are here in front of me, appreciating my first laugh of the day.
"Yan, mas maganda ka pag tumatawa o nakangiti." sabi naman ni Dustin na nakatitig sakin. Mas uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Dustin Gutierrez says I'm beautiful!
Bigla naman akong hinawakan sa braso ni Clyde at hinila papunta sa resto ng hotel.
"Uh-oh..possessive na agad?"narinig kong sabi ni Stephen na natatawa.
"'Akala ko ba hindi niya type?" narinig ko namang sagot ni Kurt habang tumatawa at nakasunod sa amin.
Pinaupo ako ni Clyde at tumabi siya sakin. Sa harap ko naman ay si Dustin at katabi niya naman ang dalawa pa.
"Anong gusto mong kainin, Star?" tanong ni Dustin habang nakatingin sa menu.
Nalito naman ako sa kung anong kakainin.
"Uhm. Ano..kahit ano na lang. Kumakain naman ako kahit ano eh." sagot ko sa kanya.
"Two grilled chicken and a kilawin for us ni Star."
Sabi naman agad ni Clyde sa waitress na nagtitake ng order namin."Aherm..kami Dust, hindi mo ba tatanungin?" nakangiting tanong ni Kurt kay Dustin. Tiningnan siya ng masama ni Dustin at ibinigay sa kanya ang menu. Napatawa naman si Stephen.
"Miss, dalawang liempo at grilled bangus...For us Star." nakatingin siya sakin habang sinasabi sa waitress ang order niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Pati si Clyde na umiinom ng tubig ay napaubo.
Nag-order si Clyde ng dalawang grilled chicken at kilawin, para saming dalawa raw. Nag-order rin naman ng dalawang liempo at grilled bangus si Dustin, para sa aming dalawa rin daw.
Ang dami ko naman yatang ulam? Ano bang gusto nilang mangyari? Hindi naman ako payat para patabain.
"Aryt. Kurt, cheat day natin ngayon. Mukhang ang dami nating uubusing pagkain eh." natatawang sabi ni Stephen kay Kurt. Natawa si Kurt at nakipag high five. Sinamaan naman siya ng tingin nina Clyde at Dustin.
Author's Note:
Hello! First project ko po ito. Hindi ko alam kung okay lang ba, kung magugustuhan niyo ba o ano. Basta't gusto ko lang pong magwrite. I hope you guys could help me improve. And I hope may makakabasa nito. LOL.Lovelots.
BINABASA MO ANG
Stars in Gamble
RomanceCan Clyde Collins do everything in the name of love and Starrina Nicolaine Virtudez? Will Starrina Nicolaine Virtudez take the risk to love again after the tragic happenings in her past? Will they dare to gamble their hearts even if it means risking...