3

2 0 0
                                    

#Aloof

"Pasensya na kayo. Natakot lang siya. May trauma kasi ang batang yun kaya ganun ang naging reaction niya." bungad no mang Mon nang buksan niya ulit ang pintuan ng van upang magpaliwanag.

"Ok lang po yun. Pasensya na rin po. May trauma pala siya, di namin alam. Kaya pala hysterical siya." sagot naman ni Dustin.

"Oo eh. Simula nung nangyari sa kanila ng ex niya, naging aloof na siya sa mga lalaki." malungkot na sabi ni Mang Mon.

"Eh, ano po ba kasing-" magtatanong na sana ako tungkol sa nangyari sa kanila ng ex niya noon pero dumating na siya. Natahimik kaming lahat ng pumasok na siya at umupo sa pwesto niya kanina. Ni hindi man lang siya ngumiti o tumingin samin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nacurious sa katauhan niya. Bakit? Ano ba kasing nangyari noon? Takot siya sa mga lalaki o naiinis ba? Sinaktan ba siya nung ex niya? Ang gago! Nakakagago!

Nang umalis na kami ay tahimik ang mga tao sa loob ng van. Dustin's sleeping while Kurt and Stephen are doing something with their phones. Ako naman ay nakinig na lang sa playlist ko. Si Star, nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig rin ng music.

"What the fvck, dude? Akin na nga yang phone ko!" nagising ako sa sigawan at tawanan ng tatlo sa likuran ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi ko pa masyadong mamulat ang mata ko kaya pinikit ko nalang muna.

Habang nagigising na talaga ang diwa ko ay unti-unti ko ring nararamdaman na medyo mabigat ang balikat ko.

Napamulat ako sa realisasyon.

"Sht! Ayan na. Nagising na tuloy. Kayo kasi, ang iingay." narinig kong sambit ni Kurt.

Nilingon ko ang kaliwang balikat ko and there, I saw her sleeping soundly.

Hinawi ko ang buhok na tumakip sa mukha niya gamit ang kanang kamay ko. Mas maganda pala siya pag ganito kalapit. There are no traces of make-up on her face. Just pure beauty.

"Whooo! Ano yan Clyde ha? Whooo!" mga langhiya, nanukso kasi kaya biglang nagising si Star. Nagulat siya sa posisyon niya at tinignan ako. Kinabahan ako nang magtagpo ang mga mata namin. Sht. Ito na ba yun?

Lumayo siya sakin at humarap sa bintana. Inayos niya ang tshirt niya at ang buhok niyang nagulo. Ni hindi man lang siya nagsorry sakin. Pagkatapos mangalay ng balikat ko, ni hindi man lang siya nagsorry. She's one of a kind.

"Baba muna kayo mga iho. Breakfast muna. Pasensya na, hindi pa kasi kami nagbibreakfast eh." sabi ni Mang Mon habang pinapark ang van sa harap ng isang fast food.

Nagkatinginan kaming apat. Baba ba kami? Maaga pa naman eh. Wala naman sigurong makakapansin samin.

Bumaba kaming lahat sa van at pumasok na sa fastfood chain. Pagpasok pa lang namin ay marami na agad mga mata na nakasunod samin. Mabuti na lang at konti pa lamang ang tao.

Umupo kami sa malayo sa mga tao. Sina mang Mon at ang kanyang asawang si Tita Agnes na ang nag-order para samin.

While waiting for our food, kinausap ni Dustin si Star.

"Star. Totoo mo ba yang pangalan?" tanong niya kay Star ng nakangiti.

"Nickname ko yan." blangko pa rin ang expression niya.

"Ganun ba? Ano ba full name mo?" singit naman bigla ni Kurt. Magkatabi sila ng upuan.

"Starrina Nicolaine Virtudez" nakatingin lang siya ng diretso kay Kurt.

"Whew. That's a cool name you have there." singit ko naman. Mahirap na, mapag-iwanan pa ako.

Tinignan niya lang ako saglit at umiwas na agad. Tumawa ng bahagya sina Kurt at Stephen. Ano ba kasing nakakatawa?

"Excuse me, cr lang ako." yun lang sinabi ni Star at umalis agad.

"Seriously, what's funny guys?" nagtataka kong tanong sa kanila. Si Dustin rin kasi nakangisi na rin.

"You..obviously..like her..Don't you?" sambit ni Kurt habang tumatawa.

"What? No! Not what you think it is." napailing na lamang ako.

"Pfft! What the fvck dude! Don't blush in front of us!" napalakas na talaga ang tawa nila.

"Blush? Blush niyo mukha niyo! Hindi ako nagbablush! Medyo mainit lang talaga!" Sht. Mainit nga ang mukha ko.

"O kain na tayo. Upo ka na Star." bigla akong napalingon sa gilid ko. Sht. Narinig kaya niya ang tungkol sa blush? So gay. Tsk. So gay.

Umupo na nga siya sa kaharap kong upuan at hindi na naman niya ako tinitignan. Nakatungo lang siya sa pagkain niya.

"Oo nga pala, hindi tayo nagkakilala ng maayos. Ako nga pala si Ramon Gothico at siya naman ang misis kong si Agnes. And her name's Starrina Nicolaine Virtudez, Star for short." pakilala ni Mang Mon.

"My name's Dustin Gutierrez po."
"Ako po, Kurt Hanson."
"I'm Stephen Chua po."
"Clyde Collins po." sabay salute.

"Mga celebrity kayo diba? Bakit kayo umaalis na kayo lang. Wala ba kayong mga PA?" tanong ni Aling Agnes.

"Meron naman po pero pinagbakasyon po namin sila. Gusto rin po kasi naming magrelax at magbakasyon na kami lang magbabarkada." sagot ni Dustin habang nakatingin kay Star na busy sa pagkain.

"Ah ganun ba. Kaya nga ako pumayag na ipagdrive kayo eh dahil alam kong mahihirapan kayong makakita ng car for rent nowadays nang hindi nadidiskubre ng mga fans niyo dito na nandito kayo. " kaya naman pala.

"Oo nga. Eh sa totoo lang, hindi naman public vehicle tong van namin eh. Naguluhan nga ako nang sinabi niyang may mga pasahero kaming gwapo." nakangiting sambit ni Aling Agnes habang sinasapak sa balikat si Mang Mon.

"Okay lang yan. Mabuti nga't may kasama itong pamangkin natin nang hindi naman mabagot." sabi naman ni Mang Mon na nakasulyap kay Star. Hindi naman siya pinansin ni Star. Ang suplada talaga. Tss.

"Kung ganun po, salamat po sa pagmamagandang-loob niyo na ihatid kami." nakangiting sabi ni Stephen.

Bigla namang tumayo si Star.

"Una nako." yun lang at umalis na siya.

Napailing na lang ang mag-asawa sa inasal niya.

"Don't worry guys, bad trip lang 'yon. Pero mabait naman talaga 'yon eh. Sweet 'yon, di lang halata." natatawang sabi ni Mang Mon at nakitawa na rin ang asawa niya .

Cool talaga 'tong si Mang Mon pero 'yong pamangkin niya? Magkano ba ang sweet side niya at bibilhin ko?

Stars in GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon