#HindiNiyaTayoKilala
"That was close, dude! Now I can say that you really are an award-winning actor. " natatawang sambit ni Dustin nang makalabas kami ng buhay sa bus.
"Oo naman. That was a piece of cake." nakangisi kong sabi kahit na ang totoo ay ilang santo na ang natawag ko kanina sa isipan ko.
Biglang humagalpak si Kurt sa sinabi kong "piece of cake".
"Really, dude? Piece of cake huh? Eh ang lalaki nga ng butil ng pawis mo kanina." tumawa ang mga kolokoy sa sinabi niya.
"Shut it dude. Wala ka ngang ginawa eh kaya huwag ka na lang umangal." nakangisi kong sabi sa kanya.
"I think it's better if we just rent a van. That way we can travel in comfort. Ano sa tingin niyo?" suggestion ni Dustin at lumingon-lingon sa paligid.
Napansin ko ring marami nang mga mata ang nakatingin sa amin kahit na nasa gilid lang kami at nakatayo dala ang mga bags namin.
"San naman tayo hahanap ng van for rent dito? Tsaka, that would take so much time dahil maghahanap pa tayo. " sabi ni Kurt.
"Yeah Dust. Wala rin tayong kakilala rito sa CDO. And, malaki rin ang tendency na maraming makakaalam kung nasan tayo." sabi naman ni Stephen.
"So, ano? Gusto niyo ba talagang makipaghabulan at taguan sa mga fans? Dudes, we love them but some fans love us in a different way and you know what I mean by that."
Napatango naman ako sa sinabi ni Dustin. Mahirap nga magcommute lalo na't wala kaming mga kasamang PA's o kahit na sino na matutulungan kami sa oras na dumugin kami.
"Hey, may vans dito sa terminal diba? Why don't we just rent that and the driver too?" suggestion naman ni Stephen.
"Okay, we'll find a van. I think may nakita akong mga van kanina sa likod nitong building." sabi ko at nagpatiuna na patungo sa nakita ko kaninang mga van na naka park.
Nang marating namin ang likod ng building ay nakakita nga kami ng tatlong van na nakapark doon kaya nilapitan agad namin.
"Excuse me po. Nasan po yung driver nitong van? May itatanong po sana kami." sabi ko sabay turo sa puting van na bagong model dahil namumukod-tangi sa tatlo.
"Ako po ang driver niyan. Bakit po sir?" sagot naman ni manong driver.
"Ah, we just wanna ask if we could rent the van?" tanong agad ni Dustin.
"Eh, san po ba kayo patungo?" tanong ni manong.
"Sa Camiguin po and Bukidnon po after sa Camiguin." sagot ko naman.
"Naku sir, kung ok lang sa inyo, ihahatid ko na lang po kayo. Hindi ko po kasi paparentahan 'tong van tsaka ok lang bang may isabay ako sa byahe? Pupunta rin siyang Camiguin, pamangkin ko." nakangiti niyang sabi.
"Ah o sige ba. Pero wala po ba kayong maisasuggest na parentahan ng van?"
"Naku, wala na pong magpaparenta ngayon dito dahil maraming nagseminar na mga teachers at nagbakasyon kaya maraming van ang wala dito." napalingon siya sa van.
"Kung ganun po, sige, pakihatid po kami sa distenasyon namin. Isabay na rin po natin yung pamangkin mo. " pagsang-ayon ni Stephen.
"Eh ano po, tanong ko lang, mga artista po kayo?" tanong ni manong sakin.
"Ah eh.. Opo." sagot ko naman sa kanya na may alanganing ngiti.
Ngumiti siya ng malapad sa amin at tumungo na sa van at binuksan upang makapasok kami.
"Pasok po kayo. Hintayin ko lang po muna yung asawa ko. Kasama ko yun palagi eh."
Napangiti ako sa sinabi ni Manong. Romantic din pala 'tong si Manong. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa second seat, sa likod ng driver seat.
Babae pala? Akala ko lalaki ang pamangkin niya.
Napatingin ako sa legs niyang maputi at firm na bagay na bagay sa maong niyang shorts. Ang kinis ng balat niya at halatang genuine ang kaputian at kinis. Nakaharap siya sa bintana at tutok sa cellphone at nakasuot ng bluetooth headphones. Ang buhok niyang brown ay naka ponytail na medyo magulo.
Pumasok na kami sa van. Umupo ako sa tabi niya at narinig kong bumungisngis sina Kurt.
"Da moves agad Clyde? Bilis mo talaga!" sabi ni Stephen at nakipag high five pa kay Dustin at Kurt.
Napailing ako sa tatlo at lumingon sa babae. Nakita kong naglalaro pala siya ng boxing sa iphone niya. Napangiti ako sa nakita ko. Kababaeng tao, nahuhumaling sa boxing game.
Dahil sa ingay at likot ng tatlong itlog, napalingon ang babae sa akin at kitang kita sa mukha niya ang gulat. Tumingin siya sakin, sunod kay Kurt, sunod naman kay Dustin, tapos kay Stephen, pabalik naman sakin. Gulat na gulat siya na napa-awang pa ang bibig niya.
Matatawa na ako sa reaksiyon niya ng bigla siyang sumigaw.
"Tito Mon! Tito! Tito!" sa lakas ng sigaw niya, talagang maririnig ang boses niya at makakaagaw kami ng maraming atensiyon kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"Miss! Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ko sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya.
Nanlaki ang mga mata niya at hinawi niya ang kamay ko.
"Kinsa mo? Nganong naa mo diri sa van?" (Sino kayo? Bakit kayo nandito sa van?) hindi ko man naintindihan ang sinabi niya pero sa tingin ko'y tanong 'yon.
"Look miss, wala kaming masamang balak sa iyo." singit ni Dustin.
"Seriously, dude, hindi niya tayo kilala?" natatawa namang tanong ni Kurt.
"What's so funny?" napalunok siya. "Bakit kayo nandito? This is a private van!" hysterical pa rin niyang sabi.
Namumula ang tenga niya at maluha-luha ang mga mata niya. Srsly? Anong problema nito?
"Star?! Okay ra ka?" (Star?! Okay ka lang?) tanong ni manong na tinawag niyang Tito Mon kanina. Bakas sa mukha ni mang Mon ang pag-aalala.
"Tito Mon! Nganong naay mga laki diri sa van? Kaila ka nila?"(Tito Mon! Bakit may mga lalaki dito sa van? Kilala mo sila?) nakakunot-noong tanong niya kay mang Mon.
"Come here, Star. Let's talk." bigla namang sumulpot ang isang magandang ginang na hula ko'y asawa ni mang Mon.
Tumagilid ako upang makalabas ng van si Star. Nang dumaan siya sa harap ko, hindi ko maiwasang maamoy siya. Hindi ako nagkamali, ang bango niya, amoy candy, sobrang sweet.
"Tito, you better explain this." narinig kong sabi niya bago maisara ang pintuan ng van.
Nagkatinginan na lamang kaming apat dahil sa mga nangyari. Anong problema?
BINABASA MO ANG
Stars in Gamble
RomanceCan Clyde Collins do everything in the name of love and Starrina Nicolaine Virtudez? Will Starrina Nicolaine Virtudez take the risk to love again after the tragic happenings in her past? Will they dare to gamble their hearts even if it means risking...