4

4 0 0
                                    

#IfIWereYou

"O pano? Okay na ba kayo dito sa resort? Alis na kami ni Agnes." pagpapaalam ni Tito Mon.

Sa wakas ay nakarating na kami sa Camiguin after a few hours of travel. Nandito na kami sa resort kung saan ako nakapagpareserve ng rooms. Coincidentally, dito rin pala nagpareserve ng room ang apat na celebrities na kasama ko mula pa kanina.

"Thank you, Tito, sa paghatud sa ako." (Thank you, Tito, sa paghatid sakin.) niyakap ko silang dalawa ni Tita Agnes.

Parang mga magulang ko na ang dalawa simula ng dito ako lumipat ng pag-aaral sa Mindanao. Dito ako pinag-aral ni Daddy sa Mindanao dahil masyado siyang busy sa negosyo niya. Isa lang rin naman ang anak nina Tito Mon na si Jared, kaya ok lang sa kanila. At least daw ay para na rin silang may anak na babae.

"Thanks po, Tito Mon. Ingat po kayo." singit naman ng mga lalaki. Nakiki-tito na rin ah? Nakangiti pa ang mga mokong.

"Just call me kung kelan kayo pupunta ng Bukidnon, okay? Pakibantayanna rin yang pamangkin ko. Kahit wag niyo na siyang isama-sama, basta't paki check na lang." bilin naman ni Tito.

Tiningnan ko ng masama si Tito Mon. Anong pakicheck? Hindi na ko bata noh!

"Sure, Tito! Wala pong problema diyan." nakangising sagot ni Dustin.


Umalis na sina Tito at Tita kaya naglakad na ako patungo sa reception. Iniwan ko na ang apat, malalaki na yun. Napansin ko namang sinundan lang ako ng tingin ni Clyde. Kanina ka pa ha?


"Miss, I have a reservation, Starrina Nicolaine Virtudez." sabi ko sa receptionist sabay pakita ng ID ko.

"Here's the room key, Ms. Virtudez. Enjoy your stay!" nakangiting sagot ng receptionist. Ayos, GV.

Paalis na ko papunta sa room ko ng may tumawag sakin mula sa likuran.

"Star! Hintay naman diyan." sabi ni Dustin na may bitbit na ring susi. Nakasunod sa kanya ang tatlo niyang kaibigan.

Hindi ko siya pinansin pero mabilis yata ang lakad niya kaya nasabayan niya na ako sa paglakad.

"Saang room ka? Hatid na kita." offer niya.

"No thanks. Kaya ko na rin naman."

"I insist. Akin na yang luggage mo." bigla niyang kinuha ang luggage ko kaya hindi na ako nakapag react.

Ilang sandali pa'y nakarating na ako sa room ko at hinatid talaga ako nilang apat.

"204. Great! Magkatabi lang pala rooms natin. 205 kami ni Clyde at 203 sina Kurt at Stephen." nakangiti siya habang nagsasabi kung saang room sila. In all fairness, gwapo talaga siya lalo na pag nakangiti.

"Ganun ba? Sige, pasok na ako." yun na lang ang sinabi ko dahil wala rin naman akong masabi. Nakakainis kasi, magkakatabi pa talaga kami ng rooms. Ayokong mapalapit sa kanila lalo na't celebrity sila.

Pumasok na ako sa room ko. Malaki naman ang room dahil suite din ang kinuha ko. May terrace na kitang kita ang malawak at asul na dagat. Humiga ako sa kama kahit hindi pa nagbibihis. Nakakapagod ang byahe lalo na't may pang two weeks na bagahe akong dala. Plano ko kasing mag bakasyon ng two weeks, one week dito sa Camiguin, one week din sa Dahilayan.


I felt really tired so I easily dozed off to sleep.
Hapon na nang magising ako. Feeling recharged, nagbihis ako ng shorts at blue crop top shirt na black bikini ang panloob. Maghahanap ako ng makakain sa resto ng resort. Nagugutom na rin ako dahil hindi na ako nakapaglunch kanina.


Pagdating ko sa resto ay nakita ko ang apat na kumakain at nagkikwentuhan. Alam kaya nilang maraming nakatingin sa kanila?

"Miss, one strawberry cake and a medium cookies and cream frappe, please." order ko at tumango naman ang babae.

Pagkatapos kong mag-order ng pagkain ay kinawayan nila ako at inayang sa table nila maupo. Nginitian ko na lang sila at sinenyasan na sa ibang table ako uupo.

"Hey. Bakit hindi ka sa table namin umupo?" hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Dustin. Halos mahulog ko ang kutsara ko dahil sa biglaang pagsulpot niya.

Wag ka ngang ganyan, Dustin! Nakakagulat yang kagwapuhan mo eh!

Oo, celebrity crush ko siya mula pa nung teenager ako at hindi ako makapaniwalang pinapansin niya ako mula pa kaninang umaga. Hindi ko sila pinapansin dahil baka mahalata nilang patay na patay ako sa mokong 'to.

"Nakakahiya at baka madistorbo ko pa kayo. Tsaka.. Ang daming nakatingin sa inyo oh." sabi ko habang lumilingon sa paligid and I'm right, marami ngang nakatingin sa aming dalawa.

"It's alright. Natural naman siguro yan dahil tv personalities kami. Anyway, kung saan ka comfortable, ok, balik na ko ha.. Enjoy your meal, Star." nginitian niya ako bago bumalik sa table nila.

Hindi ko na halos malunok ang kinakain ko dahil sa pagngiti niya. Juskolord! Sana hindi ako nagbablush ngayon.

Sinikap kong matapos agad ang kinakain ko para makaalis na sa lugar. Kahit na sa malayo kasi ako nakaupo, nakikita ko pa rin ang mga pagsulyap ni Dustin sa banda ko. Talagang kinacareer niya ang pagchicheck sakin ha? Ayoko na talaga.

Naglakad-lakad ako sa resort. Maganda talaga ang view dahil maayos ang pagkakalandscape ng lugar, siyempre, pinsan ko yata ang landscape engineer nito.

Papalubog na ang araw at naeengganyo akong maligo sa dagat. Hinubad ko ang crop top shirt ko. Buti na lang talaga't nagbikini ako at shorts na panligo. Lumusong ako sa tubig at lumangoy nang lumangoy. Ang sarap sa pakiramdam at ang ganda ng kulay ng sky. Nakakarelax, nakakawala ng lungkot.

Nakatihaya ako nang may maramdaman akong papalapit sa akin. Naalarma ako kaya umayos ako ng tayo.

"Oh, what's the problem?" tanong sakin ng isang foreigner.

Nginitian ko na lang siya ng pilit at naglakad palayo. Ngunit pinigilan niya ako sa braso.

"Come on, don't you wanna enjoy the scene with me?" nakangisi niyang tanong sakin. Halos pangilabutan ako sa malagkit niyang tingin mula sa labi ko hanggang sa dibdib ko. Kinabahan ako bigla.

"No thanks. I really have to go." pilit kong hinawi ko ang kamay niya at naglakad ng mabilis pabalik sa shore ngunit nakasunod pa rin siya sakin. Juskolord, somebody help me.

Pupulutin ko na sana ang crop top shirt ko at ibang gamit nang bigla niyang ipulupot sa beywang ko ang braso niya at pilit akong pinahaharap sa kanya. Sinampal ko siya dahil sa ginawa niya at nakakatakot na expression ang nakita ko sa mukha niya.

"Playin' hard to get huh?" sinubukan niya akong halikan pero nakaiwas ako. Tinulak ko siya pero ang lakas niya para matinag sa mga tulak at hampas ko.

Sasabog na yata ang puso ko sa kaba at takot. Wala pa naman masyadong tao sa parteng to.

"Hey dude. If I were you, I'd let her go."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Clyde. Madilim ang expression niya pero mukhang cool pa rin ang dating at nakalagay pa ang mga kamay sa bulsa ng shorts niya.

Despite of this situation, napansin ko pa rin kung gaano siya ka good looking. He has a good pair of brown eyes, well-shaped red lips, dark brown brows that pairs his dark brown messy hair, and a well-toned built. He's wearing a plain white shirt, tattered shorts, a pair of slippers, and he really looks good on his aviators.


Oh God! What am I thinking?

Stars in GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon