★ 1

847 19 8
                                    

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]

FAN FICTION, TEEN FICTION, ROMANCE, SHORT STORY, HUMOR [G]

© May 2013 MissHaYoung ALL RIGHTS RESERVED

=====

"LUKE PORCIUNCULA!!! Bakit ba sobrang gwapo mo?! Ang galing pa ng pagkaka-acting mo kanina bilang Christian! Neseye ne eng lehet!"

Kulang na lang yapusin ko ‘yung TV namin para mayakap si Luke kahit sa TV man lang. Sa bahay lang ako ganito kasi kapag nakikita ko na siya sa personal, tahimik lang ako.

"HUWAG KA NGANG MAINGAY IRENE! Tsk. Obsessed fan? Yuck" pang-aasar sa akin ng pinsan ko.

"Huwag mo na akong badtripin Jowen! Nakikisagap ka na nga lang ng wifi eh. Maglaptop ka na lang diyan at manahimik" humarap ulit ako sa TV. Ang gwapo niya talaga grabe~ bagay kami. Joke lang~ alam ko naman ang limitations ko bilang isang fangirl. Mantika siya, tubig ako. North siya, South ako at Langit siya, lupa naman ako. Kumbaga hindi talaga mapagsasama.

Ito ang ayaw ko sa pagiging fan lang. Hanggang titig at pagtili lang magagawa ko. Ang drama ko pero totoo naman kasi.

Bukas, freshman na ako. Nakakaexcite na nakakatuwa. Ang mas masaya kasi...Freshman na rin si Luke my loves at MAGKATABI LANG ANG SCHOOL NAMIN.Pwede pa akong pumasok sa school nila kasi close ko ang guard doon.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang matulog anng maaga para magbukas na kaagad. Sana lang makatulog ako nito sa sobrang kaexcite-an. 

=====

Kinabukasan, sa sobrang kasabikan ko, hindi ko na namalayan kung saan ako nadadaan habang naglilibot sa school.

Saan na ba kasi ‘yung college of engineering?

Buti na lang may nakasalubong ako na kastreet namin at sa kanya ko tinanong kung saan ‘yung building ko. Nakakahiya lang kasi hindi ko naman siya kilala. Di bale, kapag nagkita kami mamayang uwian magpapasalamat ako dahil hindi ako na late sa first day.

Mabilis lang ang naging kaganapan sa school. Pakilala lang sunod hayahay na ang buhay kasi hindi naman naglesson.

Habang naglalakad sa hallway, nakita ko ‘yung ate na nagturo sa akin kung saan ang daan papuntang college of engineering. Nilapitan ko siya saka nagpasalamat at nagpakilala. Zandra Evangelista ang pangalan niya, 2nd year college. Ate pala siya ng high school classmate at kaibigan kong si Zhara. Hindi ko siya nakilala kasi sobra ‘yung pinayat niya. 

Inaya niya akong sumabay na sa kanya pauwi kaso tinanggihan ko. Pupunta pa nga kasi ako sa school nila Luke. It’s a fangirl thing, you know.

"Ate Zandra! Till next time po! Ingat ka po!" pamamaalam ko sa kanya.

Pagkapasok ko ng school nila Luke ay naglibot-libot muna ako. P A T A Y. Naligaw pa ako. Sobrang laki naman kasi ng school nila. Triple pa ata ng school namin. Matandain naman ako sa daan pero hindi ko alam kung bakit ako naligaw.

Naengkanto ata ako. Hala~

Biglang nagtindigan ang balahibo ko sa mga pinag-iiisip ko. Nasaan na ba kasi akong parte ng school nila? Ako na lang ang nandito. Isolated place itong narating ko kaya walang mga estudyante.

Napataas ako ng balikat nang may mabunggo ako pag-atras ko.

Hindi naman siguro ‘to maligno, ‘no?

Dahan-dahan ako lumingon habang sa sahig nakatingin. Nung nasigurado ko na tao naman siya, saka lang ako nagsalita at tumingin sa kanya.

"Sorry po." 

"Sorry din. Hindi rin naman kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko." Ang bait naman nitong lalaki sa harap ko.

Teka. Parang pamilyar siya? Ay hindi. Namamalik-mata lang siguro ako.

Hindi siya si Luke kasi brown na may highlights ang buhok nu’n. Itong lalaki naman na nasa harap ko black ang kulay ng hair saka nakasalamin at may retainer. Pero kung tatanggalin ang salamin at bakal sa ngipin nito, walang anu-anong mapagkakamalan talaga siyang si Luke.

"Kuya alam mo po ba ‘yung daan papuntang exit? Naliligaw po kasi ako eh."

Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Hala? Nagjoke ba ako?

"Sorry kung hindi ko matuturo. Naliligaw din kasi ako eh." Ngumiti siya pagkasabi nun.

"Ah ganun ba? Diba dapat alam mo kasi dito ka nag-aaral?" 

"Freshman po kasi ako kaya hindi ko pa alam pasikut-sikot dito. Diba dapat alam mo rin kasi dito ka nag-aaral?"

"Ay sorry kuya~ Outsider ako."

Nadulas ako. Wala na. There’s no turning back. Hindi naman siguro ako isusumbong nito. Mukha naman siyang mabait.

"Outsider ka? Paano ka nakapasok dito?"

"Sshhh ka lang kuya ah! Close ko kasi ‘yung guard niyo. Kapit-bahay kasi namin siya."

"Bakit ka nagtetrespass?" Pag-uusisa niya pa.

"May gusto lang kasi akong makita. Hanapin na kaya natin ang daan palabas kaysa magdaldalan dito? Diba?"

Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Wala naman akong sinabing joke. Sobrang masiyahin lang siguro siya o sadyang nakasinghot siya. Alin kaya sa dalawa? Masayahin o nakasinghot?

"Bakit ka tumatawa? May nasabi ba akong joke? Wala naman eh. Nakasinghot ka ba? Anong natira mo? Katol ba?"

Mas lumakas pa ‘yung tawa niya. Natatakot na ako sa kanya. Mamaya bigla na lang akong isako nito at itapon sa Ilog Pasig. Huwag naman po sana. Naglakad na ako palayo kaso hinabol niya ako. Nangangatog na ‘tong dalawang tuhod ko.

"Wait lang miss! Sabay na nating hanapin ‘yung exit" 

Pumantay siya sa lakad ko. Siguro hindi naman siya ‘yung tipo ng tao na gagawa ng masama, diba? Mukha naman siyang matino.

"Ano nga palang pangalan mo miss?"

Hindi ako sumagot. Diretso lang ang tingin ko. Desidido pa akong mabuhay kaysa mapatay ng lalaking ‘to.

"Hello miss~ anong ngang pangalan mo?" Paulit-ulit na tanong niya.

Umiiral naman ‘tong pagiging malambot ng puso ko. Kawawa naman kung hindi ko sasagutin kaya sinabi ko na lang pangalan ko.

“Irene.” Napangiti siya nang mapatingin ako sa kanya.

"Ah... Nice to meet you Rabbit~"

Napahinto ako sa sinabi niya. Nang-aasar ba ‘to? Nainsulto ako doon ah. Rabbit daw? Hindi naman sa malaki ang maxillary central incisor ko na parang katulad sa rabbit. Sapat lang naman para makakagat.

"Sabi ko Irene, hindi Rabbit." Tumawa siya sa sinabi ko. Ano na naman ba ‘yung joke na nasabi ko?

"Rabbit na lang itatawag ko sa 'yo ah! You’re cute, as well as your incisors kasi. Tawagin mo na lang akong Turtle."

Cute daw? Pambawi niya lang siguro ‘yun sa insultong sinabi niya sa akin kanina.

"Okay~ ahm, pwede ba akong magtanong?"

"Nagtatanong ka na po kaya Rabbit. Hahaha. Sige, ano ba yun?" Medyo napahiya ako doon ah.

"Nakita mo na ba dito si Luke? I mean si Luke Porciuncula. ‘Yung artista? Freshman din kasi siya katulad mo"

"Luke Porsadgsfdcla? Sino ‘yun?"

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon