★ 5

205 13 0
                                    

Mukha agad ni Turtle ang naisip ko pagkagising ko. Iniimagine ko kasi ang magiging itsura niya kapag sinabi ko sa kanyang hindi na ako nakapagpasa ng entry para sa 'Dinner Date with Luke'.

Ang bilis nang takbo ng oras. Monday na ngayon. Pinanindigan ko talaga na hindi ako pupunta sa school nila. Nakakamiss naman ‘yung ngiti at tawa ni Turtle.

Namimiss ko na agad siya? Eh? 

Dumiretso agad ako sa school nila pagkagaling ko sa school namin, hindi para kay Luke, mas lalong hindi naman kay manong guard.

Pumunta ako para kay Turtle.

Wala lang. Sasabihin ko lang sa kanya na hindi na ako nakapagpasa ng entry sa contest na iyon.

"RABBIT!" pagtatawag ng isang pamilyar na boses sa akin. Nakatadhana na sigurong palagi kaming magkita sa sobrang laki ng school nila.

"Hi!!" sabay kaway ko sa kanya.

"Bakit ang tagal mo atang nawala? Bakit hindi ka pumunta rito nung friday?"

Anong sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko na ba na hindi ako nagpasa ng entry sa contest? Mamaya na lang siguro kapag napatatag ko na ang pag-uusap namin.

"Ah- w-ala lang. Nakakamiss ba ako?” sasabihin ko na sanang ‘biro lang’ nang tumango siya sa sinabi ko sabay ngumiti. Ang cute niya pa rin tingnan kahit nakaretainer siya. Nagiging ka-level niya na si Luke. Emeghed. Pagkasabi ko nu’n bigla siyang tumingin sa binti ko. Nagkapasa kasi nung tumama sa bench.

"Does it still hurt? Bakit ka kasi tumakbo? Nagkapasa ka pa tuloy."

"Paano mo nalaman na---" nagsalita siya kaya napahinto ako sa sasabihin ko.

"N-akita ko k-asi kayo nung L-uke ata ‘yun nung hinanap kita. Siya nga ba ‘yung Luke? Basta nakita ko bigla ka na lang tumakbo nung makita mo siya.” Napalunok siya bigla sabay na nagsalita ulit. “Masakit pa ba ‘yung pasa mo? Sorry."

"Oo, siya si Luke. ‘Wag ka ngang mag-sorry! Ikaw talaga. Wala ka namang kasalanan eh."

"Diba ako ‘tong nagpilit sa 'yo na pumunta sa gym para makita siya? Sorry talaga."

"Okay lang ‘yun. Ako rin pala magsosorry sa iyo."

"Bakit naman?"

 Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Kaya ko ‘to. Ito na.

"Kasi---“ tila nag-aabang siya sa bawat katagang sasabihin ko. “…hindi na ako nakapagpasa ng poem para sa 'Dinner Date with Luke'. Okay lang naman ‘yun diba? Date lang yun. Sows."

"Ano ka ba! Bakit hindi ka na sumali? Nagpakita na nga siya sa iyo para may mapanghugutan ka ng idea tapos mawawalan din pala yun ng kwenta. Tsk."

"Bakit ba masyadong big deal sa 'yo ‘yung date na 'yun? Ako naman ang makikipagdate kapag nagpasa ako at nanalo ‘yung entry hindi ikaw!"

Bigla siyang bumulong pero hindi ko na narinig. Kausap niya ‘yung hangin na siyang nakaka-intindi lang sa kanya. Nakakabadtrip. Makaalis na nga rito.

"Teka Rabbit! Saan ka pupunta?"

"Sa bahay. Uuwi na ako." Hinawakan niya ako sa balikat para iharap ako sa kanya.

“Wait. Look, sorry sa mga nasabi ko. Galit ka ba?”

Hindi ba obvious? Gusto kong sabihin sa kanya in his face pero pinigilan ko ang sarili ko. Naiinis ako na iniisip kong siya si Luke… na siya na lang sana ‘yung lalaking matagal ko nang hinahangaan pero hindi. Nakikita ko sa kanya ‘yung lalaking nakaretainer na nakabunggo ko days ago. I see him as turtle alone, ang lalaking habang tumatagal--- nagugustuhan ko na.

Umling ako bilang pagsagot sa tanong niya at nagsimula na ulit maglakad.

"Can we talk?" pagtatanong niya habang naglalakad kami. “Saglit lang naman ‘to, Rabbit. Doon sa hide-out natin.”

"Anong hide-out natin? ‘Yung sa may mababang puno? Ayoko. Uuwi na talaga ako."

"Samahan mo naman ako please~ ikaw lang naman kaibigan ko eh. Gusto ko lang maka-usap ka muna."

Kung naririnig lang ang heartbeat, siguro nakatakip na ng tenga ngayon si Turtle. Ang lakas kasi ng kabog ng puso ko. Aatakihin ata ako. Huwag naman po sana.

=====

"Bakit pala hindi ka na sumali sa contest na yun?" tanong niya.

"Nakita mo naman itsura ko nung nakita ko siya diba? What more pa kung makasama ko siya sa date. Hindi naman sa nag-eexpect ako na mananalo doon kung sakaling nagpasa ako ng entry, nag-iisip lang talaga ako ng mga posibleng mangyari. Iniimagine ko kasi na baka masuka ako sa harap niya o kaya baka mahimatay ako... ganoon."

Tumawa siya nang malakas. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tumawa.  What’s new? Sanay na rin naman ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na rin siya. Baka naubusan na ng hininga.

"Okay lang sa 'yo na makipagdate siya sa iba?"

"Siyempre naman! Fan lang ako, hindi niya ako girlfriend para magalit. Pero maiisip ko rin siguro na sana ako na lang ‘yung kadate niya kaso ayoko talagang mapahiya sa harap niya kaya hindi ko na sinubukan pang sumali."

"Kakaiba ka talaga”

"Ha? Anong kakaiba? Special? Uy hindi ako special child ah. Joke lang. Bakit mo naman nasabi?"

"Hindi ka katulad ng ibang mga fan na kulang na lang eh makipagpatayan para mameet ang idol nila nang malapitan. Pero ikaw kakaiba ka. Ikaw ‘yung tipo ng tagahanga na masaya nang makita lang kahit sa malayuan ‘yung hinahangaan nila. Alam mo ba na gusto ng ibang idols ang ganoon?"

Sana nga. Sana isa siya sa idols na ganoon ang gustong fans.

Napatingin na lang ako sa taas. Sana totoo ‘yung sinabi ni Turtle na pwedeng mahulog sa lupa ang isang bituin mula sa langit. Pero hindi ‘yung literal na star na mahuhulog at tatama sa Earth ah. Susme. 

"Napaka off-topic nitong itatanong ko pero... paano ka kiligin?"

 Bigla na bumulas sa bibig niya. Napaka out of the blue nga naman talaga ng tanong na ‘yon.

“Ano ba 'yang tanong mo. Paano nga ba? Siguro nangingiti lang ako." Hindi ako ‘yung tipo ng babaeng nambubugbog ng katabi kapag kinilig na. I usually hide that ‘kilig’ feeling through smiling.

"Ah... okay~ so ano na palang plano mo ngayon?"

"Plano? Titigil na ako sa pagiging fan ni Luke." Pero siyempre joke lang yung sinabi ko. Ito namang lalaki sa tabi ko, sobra kung makareact.

"HA!?"

"Joke lang! OA ka naman."

"Nakakagulat lang. Lagi kang nasa mall shows at fanmeeting niya tapos bigla ka na lang titigil sa pagiging fan? Ang sakit naman nu’n para kay Luke"

"Sus~ Hindi naman niya ako napapansin eh. Hindi naman niya malalaman kung sakaling mabawasan siya ng isang fan. Paano mo naman nalaman na palagi akong nasa mga event niya?"

"Feel ko lang na palagi kang umaattend, fan ka nga diba? Saka anong hindi napapansin? I mean, diba sabi ko mas gusto ng ibang idols ‘yung hindi masyadong nagpapapansin na fan? Malay mo ganoon ang gusto ni Luke. Saka anong hindi malalaman ni Luke? Sasabihin ko sa kanya. Akala mo ah." Natatawa niya pang sabi.

"Parang close kayo ah! Hindi mo nga siya kilala tapos susumbong mo ako? Uwi na nga tayo! Gutom lang ‘yan."

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon