★ 3

259 12 1
                                    

Naglakad na ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako.

"Wait lang Rabbit! Bakit ka uuwi kaagad? Hindi ka pa nga nakakapaglabas ng ballpen at papel para ipagpatuloy ‘yung tulang gagawin mo tapos uuwi ka na? Balik na tayo doon para makapagsimula ka na!" Hinila niya ako pabalik sa puno pero pinigilan ko siya.

"Tinamad na akong gumawa. Hindi na ako sasali"

Bigla siyang tumigil sa paghila sa akin kaya nakapagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Ewan ko ba pero parang ayaw ko nang sumali.

"HAAA?! BAKIT?!" Nagulat na ako sa naging reaksyon niya.

"OA ka naman makareact. Wala lang. Tinamad na ako"

"Tinawag ka pang fan kung susuko ka kaagad sa simpleng paggawa lang ng poem. Gumawa ka na dali! Sasamahan kita kahit anong oras ka pa umuwi"

Tama nga naman siya. Buwis buhay ako palagi kapag fanmeeting at event niya tapos pagsulat lang hindi ko pa magawa. Teka--- bakit ba mapilit ‘tong lalaki na ito?

"Bakit ba gustung-gusto mong gumawa ako?"

"Diba nga crush mo ‘yung Luke na ‘yon? Malay mo manalo ka, edi makakadate mo siya. Dream come true yun Rabbit! Ano ka ba?!"

"Sa Friday na ‘yung pasahan, sa tingin mo makakagawa pa ako ng maganda? Maiichapwera lang ang gawa ko sa libu-libong magpapadala ng entry para sa date na yun."

Nakasimangot na ako pagkasabi ko nun. Makakagawa ako pero hindi ‘yun magiging maganda. Nakakapagod lang gumawa ng bagay na wala namang patutunguhan. Bakit kasi late ko pang nalaman ‘yung contest na ‘yon?

"Kung galing talaga sa puso mo ang mga letra na masusulat mo sa tulang ‘yan, sigurado akong mas maganda pa ang kalalabasan niyan kaysa sa ibang matagal ang preparation sa paggawa."

Nakatitig lang siya sa akin. Bet na bet niya ba si Luke para sa akin at pinipilit niya akong gumawa?

"K-ung m-akikita mo ba si L-uke bukas, g-agawa ka na ba ng tula?"

Posible ba ‘yun eh mukhang tinataguan nga ata ako nu’n eh. 

"Pumunta ka sa gym bukas ng 4pm. May assembly kasi lahat ng freshmen dun."

Umiling na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. 

“Bakit ayaw mo? Hindi mo ba siya gustong makita?"

"Hindi naman sa ganoon… Ayoko lang kasi nakakahiya."

"Bakit ka nahihiya? Ano... ahm, m-aganda ka naman eh~ m-alay mo m-agustuhan ka niya"

Nararamdaman ko naman ‘yung pagakyat ng mga dugo ko papunta sa pisngi. Namumula na naman ako. Wala na akong ibang ginawa kundi magblush. Kasi naman, makacompliment ‘tong lalaking kamukha ni Luke. Iniisip ko tuloy na si Luke talaga ang nagsabi nun. 

"ASA. Alam ko limitations ko turtle. Hanggang titig at tili lang ako sa kanya." Ang sakit lang sabihin. ‘Yun naman kasi talaga ang totoo. Habang maaga pa lang, kailangan ko nang gisingin ang sarili ko sa realidad ng buhay.

"AIM HIGH Rabbit! Huwag mong ikulong lang ang sarili mo sa typical na ginagawa ng mga fangirl. Hindi mo ba naiisip na sa simpleng tili mo lang at pagpunta sa lahat ng mall shows niya eh napapansin ka na pala niya. Basta pumunta ka na lang bukas!"

"Pupunta ako pero samahan mo ako! Sige na! Please!"

"H-indi pwede Rabbit! Assembly nga ng mga freshmen diba? Isa ako doon kaya hindi kita masasamahan. Siguro makikita lang kita doon na palakad lakad habang hinahanap ‘yung Luke MO. HAHA"

"Ganun? Sige, hindi na lang ako pupunta"

Naglakad na lang ako palayo. Ayokong makita si Luke nang walang kasama. Baka himatayin ako. Maganda na ang sigurado na may makakapitan ako kapag nanlambot ang tuhod ko. Hindi naman pwedeng magsama ng outsider kasi OUTSIDER din ako. Hay nako~ 

"Wait lang Rabbit!"

Huminto ako at saka lumingon sa kanya.

"Pumunta ka na kasi! Basta kita na lang tayo bukas sa gym. Hintayin mo na lang ako sa labas ah! Sasamahan kita kapag nagkachance akong makatakas sa assembly"

"Sure ka?" tumango na lang siya. "Yehey! Salamat turtle! Lalalalove you."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang saya lang kasi makakasama ko siya. May makakapitan na ako kung sakaling manghina ang tuhod ko. 

"Salamat talaga Turt--- eh?"

Wala siya sa tabi ko? Akala ko magkasabay kami sa paglalakad. Pagkalingon ko nakita ko siya na natayo lang. Anong meron sa kanya? Bumalik ako para hilahin na siya papunta sa gate.

"Bakit nandiyan ka pa? Nagsasalita ako doon tapos wala naman pala akong kausap. Tara uwi na tayo para makatulog at magbukas na agad~"

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon