★ 6

194 13 0
                                    

Kinuha ko kaagad ‘yung dyaryo sa table pagkagising ko. Wala kaming net kaya ito na lang ‘yung medium para updated pa rin ako sa latest news tungkol kay Luke. Binuklat ko kaagad sa entertainment page at ‘yun nga! May chismis na naman tungkol kay Luke my loves. Ganun talaga kapag sikat, maraming balitang kumakalat pero kadalasan hindi naman totoo. 

Wednesday na ngayon at bukas na nga pala ang date ni Luke kasama ang lucky fan na nanalo sa contest. Nakakapanggalaiti lang at nakakapanghinayang na hindi ako sumali. Nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi.

Ang sakit naman masyado nitong nabasa ko. Si Luke daw kasi nababalitang dinedate ‘yung co-star niya sa short movie na “Bisikleta”--- ‘yung leading lady niya ang nakadate niya raw. Pinaiyak pa naman ako ng palabas na ‘yun tapos ganito mababalitaan ko? Buti na lang talaga namatay sila doon para wala ng sequel. BWAHAHA. Joke. Ang sama ko lang. Siguro sa mata ng mga malisyoso, romantic date ‘yun pero para sa kanila isa lang iyong friendly date.

May isa pa, aba hindi siya nauubusan ng balita ah. Naakusahan pa siyang playboy dahil sa mga tinitweet niya tungkol sa isang girl na non-showbiz naman daw. Blind item 'tong nabasa ko pero alam kong siya ang tinutukoy dito.

Ano na naman ba pinasok niyang gulo?

Gusto kong pumunta sa internet shop kaso may pasok pa ako. Mamayang uwian na lang.

=====

Nagmadali akong lumabas ng room namin. Masyado akong excited na malaman kung ano ‘yung mga tinitweet ni Luke. Hindi muna ako dumaan sa school nila kaya hindi ko makakausap si Turtle.

"PSST!"

Medyo malayo ang room namin sa gate kaya matagal na lakaran pa ang gagawin ko.

"RABBIT!"

Eh? Masyado ko lang ba iniisip si Turtle at naririnig ko ‘yung boses niya na tumatawag sa akin?

Napailing lang ako. Namamali lang siguro ako ng rinig

"RABBIT!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may biglang humablot ng kamay ko.

"Hi Rabbit~" bigla niyang binaba ang ulo niya para mapantayan ang mukha ko. 

"A-nong ginagawa mo r-ito? P-aano mo nalaman s-chool ko?" nauutal ko pang sabi. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Inaatras ko pa ito para mapalayo sa kanya.

"Nakita ko sa ID mo” 

"ID ko?"

"Oo."

Isang beses ko lang naman nakalimutan tanggalin ang ID ko ah. Nung assembly ng freshmen sa school nila. Baka nga hindi ko lang namalayan na nakasuot pa rin pala ‘yun sa akin kapag nagkikita kami nung mga nakaraang araw.

"L-l-lumayo ka nga sa akin. Masyadong malapit ‘yang mukha mo."

Bigla siyang tumayo ng tuwid saka nagsalita nang hindi nakatingin sa akin.

"Ayaw mo bang makita nang malapitan itong mukha na kahawig ni Luke?" Tumawa siya pagkasabi niya nu’n. 

"Yabang talaga! Teka, bakit ka nga pala nandito?"

"Dinadalaw lang kita.” ngumiti siya pagkasabi nun.

Emeghed. Dinalaw niya raw ako? Nakakilig naman. Erase erase. Grabe na talaga ‘tong isip ko. Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya.

“Ganoon? Nagmamadali akong umuwi, Turtle.” mabilis akong naglakad pero sinusundan niya pa rin ako.

“Saan ka pala papunta? Hindi ka na dadaan sa school para makita ‘yung Luke MO?" Pakiramdam ko nag-echo nang paulit-ulit ‘yung ‘MO’ na sinabi niya. Kapag sinasabi niya ‘yung Luke pinaglalakasan niya pa ‘yung MO. Kasi naman, nadulas pa ako nang nasabi ko ‘yung Luke KO. Inaasar niya na tuloy ako.

"Pupunta ako sa computer shop para mabasa ‘yung tweet ng Luke KO. Nasa diyaryo kasi na nagtitweet daw siya tungkol sa isang girl."

"Ah... yun? Nabasa ko na nga pero ‘wag mo muna basahin. Wala lang naman ‘yun."

"Ganun? Okay~ ang playboy kasi ni Luke kaya nachichismis tuloy. Tsk."

"Hindi naman siya playboy. Sadyang lapitin lang talaga siya ng mga babae pero hindi naman niya siguro binibigyan ng meaning yun. ‘Yung mga babae lang talaga ang nag-iisip ng iba"

"Nakikipagdate daw siya sa co-star niya eh. Tcch. Playboy talaga."

"Hindi ‘yun date, dinner lang na kasama ang manager nila. B-bakit? N-agseselos ka? Dapat kasi sumali ka sa contest!"

"Ganoon? Kawawa naman si Luke ko~ naakusahan ng mga bagay na hindi naman totoo. Teka, h-indi ako nagseselos 'no!” Nagseselos daw? Tsk. ASA. ASAsakalin ko ‘yung babaeng nagf-flirt sa kanya. MWAHAHAHA. Joke. “ Bakit ba ang dami mong alam tungkol sa kanya?"

Parang mas fan pa ata itong si Turtle kaysa sa akin. Edi sila na may internet sa bahay. Kami na ang naputulan.

"May pakpak ang balita, Rabbit. Tara na! Punta tayo sa hide-out!"

"Eh? Uuwi na ako. Bakit ba gusto mong kasama akong pumupunta doon? Ikaw na lang tutal malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo."

"Gusto ko lang ng kausap saka hindi tayo magkikita bukas eh, wala ako."

"I will not go there tomorrow. Diba bukas na ‘yung dinner date ni Luke? Magluluksa ako~ Joke! Ay oo nga pala, bakit wala ka bukas?"

"May kailangan lang akong pupuntahan."

"Ganoon? Sayang naman, yayain pa naman sana kita sa isang friendly date " Natigilan siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Ah-- ? d-ate?"

"Oo kaso mukhang mas mahalaga ata gagawin mo. ‘Wag na lang pala. Uwi na tayo!"

Tinapik ko na lang siya sa braso saka inunahan na siyang maglakad. Binalikan ko siya ng tingin nung medyo nakakalayo na ako. Nabato na ata siya doon.

"Uwi na tayo!"

Bigla na lang siyang tumakbo palapit sa akin sabay hablot sa kamay ko.

"Ngayon na lang tayo magdate."

Hindi ko alam kung dulot lang ba ng pagtakbo namin ‘yung mabilis na pagtibok ng puso ko o dahil nakahawak siya sa akin? Ewan ko. Basta alam kong irregular ngayon ang heartbeat ko. It’s quite unusual.

Hinila niya lang ako papunta sa isang mini grocery. Pinagtitinginan lang kami ng mga tao. Siguro akala rin nila si Luke itong kasama ko.

Teka, dito kami magdedate? Hindi pala. Bumili lang siya ng kakainin namin sa hide-out.

"Sa mall na lang tayo!" Pag-aaya ko sa kanya habang naglalakad papunta sa school nila.

"Ayoko doon. Masyadong maraming tao."

"Huwaw ah! Artista ka? Allergic sa mga tao?" 

Ngumiti siya sa sinabi ko. 

"Basta ayoko dun. Sa hide-out na lang para tayong dalawa lang."

Kung si turtle walang ibang ginawa kundi ang tumawa. Ako ata wala na rin ibang ginawa kundi ang magblush. Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa sinabi niya.

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon