★ 2

261 16 1
                                    

Napahinto ako sa sinabi ng lalaki sa gilid ko.

“My gosh kuya! Wala ba kayong TV? Hindi mo siya kilala? Taga-bundok ka ba o ano? It's Luke PORCIUNCULA not Porsadgsfdcla"

Tumawa siya sa sinabi ko. Nakadrugs kaya siya? Parang sobrang high niya ngayon. Tumingin ako sa mata niya pero mukhang hindi naman kasi hindi namumula.

"B-akit ka tumitingin sa m-ata ko?"

"Chinecheck ko lang kung nakadrugs ka ba o ano."

Bigla siyang tumawa ng sobrang lakas. Naku naman. Sa lahat ng pwedeng makasama, itong nakatira pa. Nakasinghot talaga 'to. Napahawak pa siya sa tiyan niya.

"Hindi po ako nakadrugs Rabbit." Sabi niya at sabay na tumawa. 

"Bakit ka tawa ng tawa? Hindi naman ako nagjojoke para bumungisngis ka diyan."

"Nakakatuwa ka kasi."

"Ganun? Hindi mo ba talaga kilala si Luke?" Umiling siya bilang pagsagot.

"I-describe mo na lang sa akin ‘yung Luke na sinasabi mo."

Tumingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya.  "Ahm, brown na may highlights ang buhok niya, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mata, kissable ang lips, maganda ang hubog ng katawan. All in all, Gwapo siya!" Masyado bang OA ang pagkakadescribe ko? Ganoon naman kasi talaga siya. He’s the right definition of perfect. 

"Bakit ka nangingiti habang dinescribe siya?”

Napansin niya rin siguro na parang kinikilig pa ako nung sinabi ko ‘yun. Naiimagine ko kasi si Luke na naghihintay sa akin sa gate. Nakakakilig lang. 

"Bakit nga ba? kasi... kasi..."

"Kasi... ano?"

Moment of silence. Hinga munang malalim. Ito na. Sasabihin ko na.

"Kasi SUPER CRUSH KO SIYA! Fan niya ako!"

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Mahilig lang siguro siyang ngumiti. Bagay naman sa kanya eh.

Habang nagkekwentuhan kami, hindi na namin namalayan na nakita na pala namin ‘yung palabas ng school nila.

"Nandito na tayo sa exit! Sa wakas makakauwi na rin tayo!" nakangiti na naman siya sa sinabi ko.

"Buti na lang kasama kita kaya hindi naging boring ang pagkaligaw ko. Salamat Rabbit."

Kamukha niya talaga si Luke my loves. Naku naman~

"Salamat din. Sige bye! Ingat sa pag-uwi" 

=====

"Gusto mo bang makadate si Luke Porciuncula? Ano pang hinihintay mo? Gumawa na ng tula tungkol sa kaniya at sa pagiging fan mo at i-email lang sa iheartluke@yahoo.com. Malay mo ikaw na ang lucky fan na makasama niya sa isang romantic dinner date."

"Waaaahh!" hindi ko na natapos ang pinapanood at napatili na lang ako sa nakita ko sa TV. May magandang madudulot din pala ang hindi ko muna pagpunta sa school nila Luke kasi napanood ko 'tong commercial niya sa myx bago kami tuluyang maputulan pansamantala ng cable at internet.

"Ang ingay mo naman Irene. Pwede namang manood ka na lang nang mapayapa. Kailangan talagang sumigaw?" pagsasaway sa akin ni Jowen. 

"Jowen naman! Alam mo ‘yung once in a lifetime chance na makadate ko si Luke? Ito na ‘yun pinsan. Baka may chance akong mapili sa dinner date na ‘yun! Remember, magaling akong gumawa ng poem!"

"Sige lang. Suportado kita sa pagpapantasya mo basta't huwag ka lang maingay."

"Okay! Tinatawag na ako ng papel at ballpen ko sa study table."

My Colorful Life as a Fangirl [ Short Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon