Sabi nila totoo daw ang Destiny yun bang may tamang taong nakalaan para sayo in perfect time, in perfect place, in perfect day, in God's plan kahit hindi mo siya hanapin magkakatagpo kayo kung talagang kayo ang meant to be para sa isat-isa? pero bakit ganun naman parang wala naman ako? sa dinami-rami pa ata ng kalalakihan sa mundo ako pa ang nawalan ng kapartner paano yung iba dala-dalawa mga letche sugapa!
By the way highway ako nga pala si Keisha Frias 17 years of age but you can call me 'Kei' for short.
Hindi pa ko ginagawa ni mommy at daddy single na ko oo! N.B.S.B ako hindi ko pa naranasan magkaroon ng boyfriend pero di ibig-sabihin walang nagkakagusto sakin pwede ba yun eh maganda ako? Hahaha :D
Ewan ko ba sa tuwing may manliligaw sakin nauudlot kung hindi kasi torpe, di ko naman gusto.
Mapili kasi ako gusto ko kasi yung siguradong hindi ako papaiyakin, hindi ako sasaktan, hindi ako lolokohin, hindi ako papaasahin, mamahalin ako nang higit pa sa pagmamahal na ibibigay ko pero ang tanong may ganyan pa ba sa panahon ngayon? Ang gusto ko sana yung magiging first boyfriend ko, ako din ang first girlfriend niya but the big question is may mahahanap pa ba akong lalakeng di pa nagkakaroon ng girlfriend? demanding ko noh? pero malay naman natin may natira pang isa na nakareserve para sakin hahaha :D
Pinangako ko na rin kasi sa sarili ko na once we finally met hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa I will make sure siya na ang una at huling lalakeng mamahalin ko sa buong buhay ko, papakasalan, katulong sa pagbuo ng masayang sariling pamilya at makakasama ko habang-buhay hanggang sa pagtanda namin (swerte mo kung sino ka man).
* * * * *
Bakit kaya ang lalake kapag di pa nagkakaroon ng girlfriend bakla na agad? di ba pwedeng nagpapapogi pa at naghahanda sa pagdating ng magiging first girlfriend niya? Sa gwapo kong toh naku! Wala akong balak sayangin ang lahi ko.
Hi girls ;) Wayne Alcantara nga pala 18 years old pangalan pa lang pamatay na paano pa kaya kapag minahal kita? hahaha xD
Akala niyo playboy ako noh dahil sa pananalita ko? No, akala niyo lang yun hindi po ako hayuk-hayukin sa babae kahit na loko-loko ako may respeto parin ako sa pagkalalaki ko hindi naman kasi basehan ang pagkakaroon ng isang batalyong babae para masabing gwapo kang lalake am I right? dapat kasi kung magmamahal ka sigurado kana sakanya kontento kana kung sino o ano pa siya at wala kanang balak tumingin pa sa iba pero syempre hindi ko pa naranasang manligaw sa babae di ko pa nasusubukan yan natatakot kasi akong mareject eh natatakot akong masaktan kasi kahit gwapo nasasaktan rin *wink* (^_~)v
Sa madaling salita N.G.S.B ako yup! wala pa kong nagiging girlfriend hindi ko pa nararanasang makipagdate, makipag holding hands, makipag Iloveyouhan, makipaglambingan, makipagyakapan, mahalikan everything na ginagawa kapag may karelasyon lahat ng mga ginagawa para masabing boyfriend/girlfriend ka ng isang tao lahat nang yun ni isa wala pa kong nagagawa siguro wala pa ko sa mood pero darating naman tayo dyan wait lang kayo at mag-abang ng update ni Miss Author :)
Nabalitaan ko wala daw Forever? hindi daw totoo ang Destiny? paano niyo kasi malalaman eh hindi pa nga ako nagge-girlfriend? hahaha :D oo naniniwala akong totoo yan akalain niyo yun kalalake kong tao naniniwala sa ganyan? hindi lang naman babae ang may ganyang side kami ring mga lalake.
*TAKE NOTE* Hindi lang lalake ang nanloloko at hindi lang babae ang nasasaktan kung magmamahal ka asahan mo kasama rin ang posibilidad na masaktan ka ang pakikipagrelasyon hindi yan suntukan na kailangan ready ka all you need to do is to take all the risk expect the unexpected because love is all about sacrifices.
Kaya sa magiging girlfriend ko? don't you worry my future baby I will love you more than you will love me, I will do everthing just to make you happy, I will prove to you that I am the one who deserves all of you, I will protect you, I will be there whenever you need me or not in short, kahit anong mangyari ako'y sayo at ika'y akin lamang hindi ko lang papatunayan na may forever at totoo ang destiny ipaparamdam ko pa sayo kung ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pag-ibig at papatunayan ko sayo na kahit maraming Wayne sa mundo nagiisa lang ako.

BINABASA MO ANG
FINDING PERFECT LOVE (On-Going)
Dla nastolatkówKeisha Frias, No Boyfriend Since Birth. Wayne Alcantara, No Girlfriend Since Birth. What if sila ang pagtagpuin ni tadhana para magkagustusan sa isat-isa? magwowork kaya ang samahan nila gayon ay parehas silang walang karanasan sa paghandle ng isang...