CHAPTER 8

15 2 0
                                    

KEISHA'S POV

Nandito ako ngayon sa library naghahanap ng libro para sa Physics namin.

Hawak ko na yung libro nang may biglang humawak din sa libro.

"Excuse me nauna ako dito" sabi ko sa lalakeng nakasabay kong dumampot sa libro.

"Mas nauna ako miss tignan mo kung sino ang unang nakahawak sa libro" pagkatingin ko sa kamay ko hawak ko na pala yung kamay nung lalake.

Sa gulat ko hinablot ko agad ang libro dahil nakaramdam ako ng hiya... bigla akong napahinto sa paglalakad at bumalik sa lugar kung saan kami nakatayo kanina... wait teka!

"Diba ikaw yung pinsan ni bhessy Ryza? Si ano ka nga si... whale?"

At bigla siya napatawa.

"Whale? Hahaha shark ang pangalan ko" natatawang sabi niya.

"Pating! Ikaw pala yan" bigla siyang bumusangot.

"It's not whale or shark my name is Wayne remember that name... Wayne" mayabang niyang sabi.

"Ah... edi wow! okay una na ko"

"Wait teka! Akin na yang libro ako nauna dyan eh" hinablot niya sa braso ko ang libro.

"Hoy wag kang ano ako nauna maghanap dyan kay physics book kaya akin na yan at kailangan ko na yan malapit na class namin wala pa kong sagot sa activity ko" At hinablot ko sakanya ang libro.

"Hindi sabi eh akin na toh ako nauna dito!" - siya

"Hindi ako!" - ako

"Hindi" - siya

"Hindi rin!" - ako

"Akin na sabi eh" - siya

"Hey Miss and Mr! Nakakalimutan niyo ata kung nasaan kayong dalawa?"

Patay! Oo nga pala nasa library kami >_<

Nagkatinginan kami ni pating.

"Is it too late now to say sorry?" sabay naming sabi sa isat-isa dahilan para matawa ako ng malakas at ganun rin siya.

"Get out both of you! detention kayo for community service nang isang linggo"

Biglang nawala yung tawa ko napalitan ng gulat.

"No!!!!!" sigaw ko.

"Okay" maangas na sabi niya sabay labas.

Kasalanan mo tong bakla ka!

* * *

WAYNE'S POV

"It's your fault! Kung nagpaubaya kana lang sa libro hindi sana tayo madedetention"

"Nakakagigil ka urgggh!"

"Bakit pa kasi sa lahat ng tao na makakasabay ko sa libro na yun ikaw pa!?"

"Nakakaasar talaga Grrrr!"

"Sarap mong pagbabarilin tapos ang bala ng baril mga tumbtacks at pako"

Grabe! Ang ingay nang isang toh sarap staplerin yung bibig kanina pa toh nagbubunganga sakin eh siya tong iskandalosang babae.

"Pwede magwalis magwalis kana lang? Kahit magdamag ka dyan magfliptop wala kang mapapala dahil detention na tayo sa ayaw at sa gusto mo" mahinahon kong sabi sakanya habang nakatalikod at nagwawalis ng mga kalat dito sa field.

FINDING PERFECT LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon