CHAPTER 9

13 2 0
                                    

SECRET CHARACTER POV

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na tinulungan niya kong kumuha ng mga nalaglag kong gamit sa corridor at hindi lang yun binitbit niya pa lahat ng gamit na nalaglag ko then hinatid niya pa ko sa room ko.

Siya pa lang ang bukod tanging lalakeng gumawa sakin ng effort na katulad nun.

And that day I considered him as my special someone.

Kaya lahat gagawin ko maging akin lang siya dahil ang mga katulad niya dapat hindi na pinapalagpas pa.

Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba.

You will be mine soon... WAYNE PRIETO ALCANTARA.

* * *

RENZO'S POV

Nasa klase ako ngayon naglelecture ang prof namin sa harap nang biglang nag ring yung phone ko.

Pagtingin ko si Grayson.

Ano na naman kaya ang pakay nito baka mangungulet na naman na tulungan ko siya kay Ryza.

Haynako.

"Sir excuse me may I go out to answer this call?"

"Sure" sagot ng prof ko.

"Thank you sir" at lumabas na ko.

"Oh Grayson napatawag ka? nasa kalagitnaan ako ng klase siguraduhin mo lang na importante yang tinawag mo kung hindi malilintikan ka sakin"

"Relax Renzo! Napatawag ako kasi may hatid akong magandang balita sayo"

"Ano naman yun?"

"Na-set ko na ang plano para makapagusap kayo ni Keisha"

"What!? How come? Bakit biglaan? At saka bakit ikaw lang nagplano?" sunod-sunod kong tanong sakanya dahil nabigla ako sa sinabi niya.

"Ayaw mo ata eh sige wag na lang bye"

"O-oi! Teka lang! wag mong ibababa kundi patay ka sakin"

"Hahahaha" tawa niya sa kabilang linya.

Naku Grayson! Kundi lang about kay Keisha toh mabubugbog kita mamaya kapag nagkita tayo.

"Paano kasing nangyaring nakaplano na agad? At saka anong pinlano mo?"

"Ganito kasi yun kinukulit ko si Ryza sa paglalaro ng cellphone niya eh naisipan kong makitext sakanya kunwari para itext si mommy ayaw pa nga eh baka daw kasi malaman ko pa yung new number niya nirason ko na lang na emergency at wala akong load pero ang totoo meron at saka wala naman talagang emergency kapalit nga lang wag ko na raw siyang ligawan pumayag ako pero as if naman na susundin ko siya noh hahaha gusto ko lang kasi sanang i-bluetooth mga picture niya sa cp ko nang makita ko picture nila ni Keisha umandar ang pagiging genius ko kaya naisipan kong itext si Keisha gamit ang phone ni Ryza at ang sabi ko sa txt na magkita sila ni Ryza sa rooftop ng 3pm at buti nagreply agad si Keisha sabi lang niya okay di na siya nagtanong kung bakit and after nun binura ko na yung conversation naming dalawa kaya ayun naka-set na ang plano para masolo mo si Keisha brad pagkakataon mo na"

"Wow!" yan na lang ang nasabi ko.

"Ang galing ko diba?"

"Oo bro ang galing mo grabe the best ka talaga sana after ng plano na toh maging okay na lahat samin ni Keisha"

"I hope so"

"Advance thank you bro"

"Thank you ka dyan! Remember? May kapalit toh at yun ay tutulungan mo ko manligaw kay Ryza hahahaha" napakamot na lang ako ng ulo.

FINDING PERFECT LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon