CHAPTER 4

14 4 1
                                    

A/N: Sinipag akong mag-update here's the new chapter! Enjoy reading.

* * *

RENZO'S POV

1 week na kong nagaaral sa Solis University at sa 1 week na yun hindi ko pa siya nakikita at nahahanap.

Wala akong pinagsisisihan na sinuway ko ang gusto ni Daddy for the first time nakakasakal na kasi eh in my whole life wala akong ginawa kundi ang sundin siya hindi ko kayang magpanggap na gusto ko ang babaeng nirereto sakin ni Mommy at ang samahan siya mag-aral sa ibang bansa para lang mas makilala namin ang isat-isa nang sa ganun kapag tama na ang panahon at graduate na kami pareho sa college ipapakasal na kami for their company sake napaka makasarili nila diba? Hindi manlang nila ako tinatanong kung payag ba ko sa gusto nilang mangyari? oo yung babaeng gusto nila para sakin ay hindi ko naman malayong hindi magustuhan kasi maganda siya, matalino, galing sa maayos na pamilya, matino, masarap kasama at mabait wala nang hahanapin sa kanya pero wala eh! kahit na nasa sakanya pa ang lahat ng hinahanap nang isang lalake hindi ko magagawang gustuhin siya dahil may nagugustuhan na kong iba at hindi ko lang siya basta gusto mahal ko siya... noon pa.

Siguradong sigurado ako na hanggang ngayon malaki parin ang galit niya sakin na halos di na niya ko mapapatawad at naiintindihan ko yun dahil wala akong nagawa para ipagtanggol siya na ipagtanggol ang sarili ko sakanya hindi ko naman gustong mangyari yun eh hindi ko intensyong mapahiya siya sadyang hindi lang ako nakapagsalita at nakapagpaliwanag sakanya dahil sa bilis ng pangyayari.

Sa sobrang layo na nang nilipad ng isip ko hindi ko na namalayan na may tao na palang kumakaway sa harap ko...

"Renzo okay ka lang ba? bakit parang wala ka dito sa earth yung pagkatao mo nasa pluto"

"Ate Stephanie" walang gana kong sabi sakanya.

"Problema mo?"

"Wala Ate may iniisip lang ako"

"At ano naman yun?"

"Kung paano mag donate ng kagwapuhan masyado na kasi akong gwapo"

"Tara dito" lumapit ako kay Ate.

Pero dapat pala hindi na ko lumapit sakanya dahil inikot niya ang braso ko papunta sa likod ko dahilan para masaktan ako.

"Aray ate masakit! tama na"

"Aayos ka ng sagot o hindi?"

"Aayos na po ate kong pretty please tama na masakit na talaga"

Inalis na niya ang pagkakapulupot sa braso ko.

"Good dog!"

"Ang pogi ko namang aso ate"

"Haha tama na nga iniiba mo lang usapan eh anu nga problema mo?" she know me as always especially if I'm not okay.

"I'm just thinking about her"

"Who's that lucky girl handsome brother?"

"This is not the right time for you to know her Ate"

"Napakamisteryoso mo naman siguraduhin mo lang na mas maganda siya sakin"

Magsasalita pa sana ako ng may biglang nagsalitang babae sa harap namin kaya napatingin kami...

"Excuse me... nakaharang kayo sa dadaanan ko"

Totoo ba toh?

Siya ba talaga ang nakikita ko?

FINDING PERFECT LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon