CHAPTER 10

15 2 0
                                    

KEISHA'S POV

Thank you Lord sabado ngayon at wala akong pasok sa school kaya tahimik ang buhay ko dito sa bahay namin walang Renzo at walang Wayne sa paligid ko.

Sobra na kong stress sa dalawang lalake na yun naku! Parehas silang nakakasira sa ganda ko tsk.

Paulit-ulit kong iniisip kung bakit si Renzo ang nakipagkita sakin sa rooftop kahapon at hindi si Ryza anung nangyari kay bhessy? bakit inindian niya ko?

Nakalimutan ko na kasi si Ryza after nung paguusap namin kahapon ni Renzo deretso uwi na ko agad at nagpahinga dahil naubusan ako ng energy kakaiyak.

Mateks nga ang babae na yun! humanda siya sakin.

To: Bhessy Ryza

"Hoy babae! Magreply ka!"

Wala pang 5 minuto nagreply na siya agad sa text ko.

From: Bhessy Ryza

"Hoy ka rin babae! Di mo ko hinintay kahapon sabi ko sayo sabay tayo uuwi diba? Tinubuan na ko ng ugat sa may gate kakahintay sayo tinatawagan kita nakapatay ang cellphone mo tapos malalaman ko umuwi kana pala at ang sarap na ng tulog mo kung di ko pa tinext Kuya Kervin mo di ko pa malalaman grabe ka talaga bhessy I hate you!"

Aba! siraulo toh ha! Siya pa may ganang mang Hate?

Tawagan ko na nga para ramdam niya ang galit ko sakanya.

Pagkasagot niya inunahan ko na agad siya magsalita sa phone.

"Mas Hate kita! How dare you Bhessy! Tineks mo ko na magkita tayo sa rooftop tapos di ka pumunta? kaya ayun iba ang pumunta ako naman kasi si gaga umoo agad na makipagkita sayo sa rooftop na hindi nagtanong kung bakit gusto mo makipagkita dala ng pagkabusy ko rin sa pagkain sa canteen nagtataka nga ako sayo eh bakit gusto mo makipagkita sakin samantalang nagpaalam ako sayong kakain lang ako sa canteen tapos pagkabalik ko sa room bigla kana lang nawala kaya dumeretso na ko sa rooftop baka nandun kana"

"Anong pinagsasasabi mo Keisha? Hindi kita tinetext kahapon ha! kaya paano ako makikipagkita sayo sa rooftop aber? Naglalaro lang ako sa cellphone ko tapos kaya naman nawala ako sa room eh dahil sa naiihi ako kaya dumeretso ako sa comfort room then nakita ko si Mam Ramona sa hallway na maraming dalahin naawa ako kaya nagvolunteer akong magbuhat pagkadating naman namin sa office niya nilubos-lubos niya kabaitan ko kaya humingi siya ng favor na check-an ko ang mga quiz paper na natira kasi dami pa daw niyang tatapusin ayun pumayag ako pagkatapos nun tinignan ko yung relo ko 3:30pm na at sakto natapos na ko kaya nagpaalam na rin ako kay Mam Romana then tinext kita kung nasaan ka dahil uuwi na tayo na pumunta kana lang sa gate hinihintay kita dun tapos di na send kasi expired na pala unli ko kaya hinintay na lang kita kasi nga alam mo naman na sabay tayo uuwi hanggang sa nag alas kwarto imedya na wala ka parin nagpaload na ko tinatawagan kita kaso off cellphone mo kaya tinext ko na lang Kuya Kervin mo kung nakita ka ba ayun! Nasa bahay na pala siya at ikaw rin nakauwi na kayo kanina pa sumabay kana raw sakanya tulog kana nga raw eh! di mo manlang ako tinext dyan babaliktarin mo pa ko"

"Wag ka ngang magjoke dyan Ryza Prieto! Ang sabihin mo pinagtripan mo ko umamin kana lang kasi na sinet up mo kami ni Renzo na magkita sa Rooftop eh wag kana magsinungaling dahil may proweba ako nandito pa sa inbox ko tinext mo sakin di ko binura"

"Anung sinet up ang pinagsasasabi mo dyan bhessy? At saka bakit nasali sa usapan natin si Renzo?"

Wala talaga siyang alam mukhang di lang ako ang naset up pati rin siya.

Pero paano naman nangyari yun eh hawak niya nga cellphone niya diba? Or else...

"May iba pa bang humawak ng cellphone mo maliban sayo?" Tanong ko sakanya.

FINDING PERFECT LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon