CHAPTER 12

15 0 0
                                    

WAYNE'S POV

"Kuya Pogi!"

"Yes princess?"

"Can I ask you something?"

"About what?"

"Hindi lang what pati na rin who"

"Okay I will repeat my question, about what and who?"

"Si kuya pinipilosopo ako" nag pout pa siya.

Ginulo ko buhok niya.

"Hahahaha gusto lang kita pangitiin masyado kang seryoso dyan eh"

Umupo ako sa kabilang upuan nasa garden kasi kami ngayon.

"Ano ba itatanong mo?"

"Yung kahapon anong nangyari kahapon sa field"

Sabi na eh makakarating toh sakanya.

"Anung nangyari sa field? Bakit ako mapupunta dun sa field eh may practice kami ng basketball"

Pero ang totoo wala naman talaga.

"Kuya Wayne wag mo na subukang magsinungaling or magpakainosente dahil nakita ko kayo mismo actually napanood ko nga kayo sa field eh"

Patay!

"Ah-eh wala yun Kate nagpapractice lang kami ng play sa subject namin sa English"

"Ay ganun eh bakit di ko alam? Kaklase ko si Renzo remember?"

"Wag mo na intindihin yun Kate walang kwenta yun" mahinahon kong sabi sana makumbinse ko siya.

"No kuya Wayne! sabihin mo na sakin yung totoo kasi naguguluhan na ko bakit niyakap ni Renzo yung babae kahapon? umiiyak pa sila tapos ano sabi mo kahapon sakanya? Girlfriend? Anu yun! Bakit di ko alam na may Girlfriend kana pala kuya at saka bakit parang may something si Renzo pati yung babae? Krisha ba pangalan nun?" Napatayo na siya at sunod-sunod na tanong niya.

"Kate wag na maraming tanong okay baka mastress ka niyan eh"

"Ayoko! Hindi kita titigilan hanggat di mo sinasabi yung totoong nangyari kahapon sa field!"

"Calm down Kate yung puso mo anu ba! Oo na sige na aaminin ko na sayo yung babae kahapon sa field eh di ko talaga Girlfriend nagpapanggap lang kami dahil ginugulo siya ni Renzo"

"What!? Bakit? Sa anung dahilan?"

"Because that girl, Keisha. Siya ang matagal nang mahal ni Renzo"

Kinuyom ni Kate ang mga palad niya.

"So, kaya pala di ako magawang mahalin ni Renzo dahil sa babae na yun?"

"Kate..."

"Aakyat na ko sa kwarto ko kuya sumama pakiramdam ko"

"Okay"

ito na nga ang sinasabi ko eh.

* * *

KEISHA'S POV

Sa eksenang nangyari kahapon parang ayoko nang pumasok tuloy instant sikat ako sa school namin dahil kay Renzo at lalong lalo na kay Wayne.

Pati sa Social Media nababash ako kaya nag deactived ako ng Facebook account ko.

Akalain mo yun! Sikat pala talaga si Wayne sa school hindi ko halata ha kasali pala siya sa Basketball team sa Solis Academy at maraming umiidolo sakanyang linta at sawa hays! -_- pake ko naman sa Wayne na yun diba?

"Anong nangyari at bakit parang panget ang pagkakapinta ng mukha mo ngayon? Ay mali araw-araw pala hahahaha"

Pagkatingin ko sa nagsalita hays isa pa tong tao na toh!

FINDING PERFECT LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon