2

4K 100 4
                                    

2

"Asawa mo ba talaga siya? Bakit hindi mo alam ang lihim niya?!"
= = = = =


Punto ni Greta


"Sam, siya ang ina mo."


Malapad ang ngiti ng bata na akala mo ay matagal na kaming magka-kilala. Masayahin siyang bata at parang isang anghel ang kanyang mukha. Pero who knows.


"Hello po, nanay Greta. Ako po si Sam, ang iyong anak. Masaya po akong sa wakas ay nakilala na kita. Tanging siya lang po kasi ang nag-k-kwento sa akin tungkol sa iyo. Marami akong tanong na hindi ko masagot dahil hindi ko kilala ang totoong ina ko. Kaya masaya akong makilala ka, nanay Greta." Masayang sabi niya naman. Hindi ko ba alam kung mahahawa ako o mabwibwisit dahil sa mga ngiti niya.


At dahil katabi ko lang ang tumulong sa akin, nag-tanong ako. "Ganyan ba talaga ang ugali ng batang 'yan? Parang magka-ibang magka-iba kami ah." Pabulong kong sabi habang naka-tayo yung anak kong si Sam sa harap namin. Naka-ngiti parin, as usual. Parang tanga.


"Mabuti nalang at hindi nag-mana sa katangahan mo ang anak mo sa iyo." Naka-ngiting sabi niya. Gusto ko sana siya batukan kaso may malaking papel siya sa mga plano ko. Baka mag-bago ang isip kung saktan ko. Ang kakampi, dapat hindi sinasaktan, dapat tinutulungan. "Ikaw naman. Mag-salita ka naman. Parang tanga yang anak mong naka-tayo sa tapat natin oh." Dagdag niya pa.


"Ako si Greta. At obviously, ako ang ina mo. Kahit ngayon ko lang nalaman." Sagot ko pero bigla akong siniko ng katabi ko at ng tignan ko si Sam, naka-yuko ito. "Patawarin mo rin pala ako dahil nabigla lang naman talaga ako kanina dahil sa sinabi niya. Hindi ko intensyon na saktan ka, nabigla lang talaga ako. Sana ma-patawad mo ang nanay." Hindi ko alam kung bakit yun na lamang ang nasabi ko. Pero tama din namang mag-sorry ako dahil ako naman din talaga ang may kasalanan.


Mula sa naka-yukong si Sam ay napa-tingin kaagad siya sa akin ng naka-ngiti at niyakap niya kaagad ako. Napa-ngiti nalang din ako. Mapagmahal siyang bata, nararamdaman ko.


"Tara sa Library. Doon natin pag-usapan lahat. Mahirap na baka may makarinig dito. Yaya! Paki-bantayan dito. Kung may mga bisita sabihin mo umalis. Nag-out of town!" Sabi niya at tumayo na kaagad kami at nag-kalakad paakyat sa ikalawang palapag ng bahay kasama si Sam.


= = = = =


"Alam mo bang papasok ang asawa mo sa isang unibersidad at magtuturo?" Napa-tigil ako sa pagtingin ko sa paligid ng silid-aklatan ng bahay nila dahil sa sinabi niya.


"Ano?! Paanong magtuturo 'yun eh hindi naman 'yun nakapag-tapos ng pag-aaral?" Sagot ko. Pagsasaka nga ang trabaho 'nun kasi hindi nakapag-aral ng kolehiyo, magtuturo pa kaya sa isang unibersidad.


"Asawa mo ba talaga siya? Bakit hindi mo alam ang lihim niya?!" Nagtatakang tanong niya. Pati ako, nagtataka na rin sa mga sinasabi niya. Anong gusto niyang sabihin?!


"A-anong pinapalabas mo?" Gusto ko malaman ang sagot sa mga sinasabi niya. May dinukot siya sa kanyang bulsa. Ang kanyang telepono, at may pinindot saglit at ilang sandali ay binigay kaagad sa akin.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon