17

345 8 2
                                    

17

"Kabit pa, Sir Ricky Domingo."

= = = = =

WARNING
Explicit content. Read at your own risk.

Punto ni Berry

Sumapit ang linggo at tinanghali na naman ako ng gising. Akala ko ako lang pero pati na rin pala ang dalawa kong kasama sa kwarto. This is why people love weekends, nakakabawi sa pagtulog. Gigisingin ko sana ang dalawa kaso mukhang ang sama ko naman kung sisirain ko tulog nila e ako nga hindi nila iniistorbo sa pagtulog.

Instead, I went out of the room just to check what's going on outside. Tirik na tirik na ang araw. May mga babaeng dumaraan sa hallway at pareho naman iyon sa dorm ng mga lalake. I wonder, gising na rin kaya 'yung Cylier na 'yon?

Just when I thought about him, na realize ko na suot ko pa nga pala 'yung pinahiram niya sa akin! I immediately go inside our room to change my clothes. Buti na lang at tulog pa rin sila dahil alam na alam kong magtatanong na naman 'yung dalawa.

Napagdesisyonan ko na lang 'din maligo at saktong paglabas ko ay tska naman ang pagbangon ni Reean.

"May kikitain nga pala ako ngayong hapon. Ikaw ba Berry?" panimula nito. Tunog bagong gising pa rin talaga.

"Wala naman. Dito lang muna siguro ako. Babawi sa pagpapahinga."

Tumango lamang siya at ginising na rin si Janna. Kasama niya raw kasi ito mamaya. Naligo na silang dalawa kaya habang naghihintay si Janna na matapos si Reean sa pagligo ay nag-alok na lamang ako na ako na bibili ng pananghalian. Mukhang matatagalan kasi kami kung maghihintayan pa kaya kakain na lang kami rito sa dorm.

Bumaba na ako matapos malaman kung ano ang gusto nila. As I was heading towards the counter, nakita ko ang dami ng nagkukumpulang tao. Akala ko kung ano na naman ang nangyari, away lang pala ng dalawa estudyante yata na hindi ko alam kung anong batch dahil hindi pamilyar sa akin.

"Ayan! Bagay lang 'yan sa 'yo! Ang landi-landi mo kasi!" Sigaw ng isa sa mga naroon. Naghiyawan naman ang mga nakikitingin na tila isa lamang itong sabong o pelikula.

"Sige! Sabunutan mo pa!" pag-eengganyo pa ng isa. Hindi ko na makita kung ano na ang nangyayari sa away dahil habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang kumpulan ng tao.

Sinamantala ko na lamang ang pagkakataong mag-order habang abala ang atensyon ng lahat sa nangyayaring pag-aaway ng dalawang babae.

Habang nag-se-serve ang employee ng canteen ay halata namang nandoon din sa nagaganap na away ang atensiyon nila. Timing din dahil matapos kong makuha ang order at makapagbayad ay biglang tumahimik. Ibang iba sa ingay kanina lamang.

Paglingon ko para makalabas na ay nakita kong may lumabas din galing sa kumpulan ng mga tao. Ito yata iyong babae na grabeng pinagtulungan kanina? Pero...kasama niya si Ricky Domingo! Ang gurong iyon pa nga ang humila sa kanya palabas ng cafeteria.

Wala sa plano kong sinundan sila ng palihim. Nakaabot sila sa high school building na kung saan walang tao dahil nga linggo. Wala ring halos dumaraan sa estudyente sa parteng ito. Buti na lang at may locker sa dapit ko kaya roon ako nagtago habang sinisilip sila.

Gusto kong malaman kung ano ang gagawing aksiyon ng isang Domingo sa insidenteng iyon. Pero naglaki ang mga mata ko dahil sa iba ang aking nasakhinan.

Hinawakan ni Ricky Domingo ang pisngi ng babae! Habang ang kamay naman nung babae ay nakahawak sa kamay ng guro!

May sinasabi ang guro ngunit hindi ko na iyon marinig dahil sa sobrang layo. Basta ang nakikita ko lang ay ang mukha at ang ekspresyon sa babaeng umiiyak habang tumatango. Bago umalis, ang huli ko na lamang nakita ay ang paghalik ng lalake sa noo ng babaeng kasig edad ko lang yata o mas bata pa sa akin.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon