6

1.1K 32 5
                                    

6

"Watch your own actions, because your actions might lead you to danger."

= = = = =

Punto ni Berry

"Seryoso kayo?" Hindi ko maatim na hindi magtanong habang panay ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ignorant? Lacking of knowledge?

"Oo. Bakit? Ano bang meron sa ignorant at bigla ka nalang nabigla?" tanong naman ni Janna na parang binabalik lang din yung tinatanong ko.

"Eh kasi..." napayuko ako. Nakakapagtaka naman siguro kung sa ilang taon nilang nag-aaral dito ay hindi nila alam kung anong ibig sabihin ng ignorant? Or baka hinihintay lang din nilang ako ang magsabi ng gusto kong sabihin. "Wala lang, interesting lang kasi 'yung meaning ng IUni. Na-curious ako bigla kung bakit yung I pala ay ignorant." At pilit akong ngumiti para naman mawala ang sobrang seryoso naming usapan dahil lang sa meaning ng IUni. Yung mga mukha kasi nila seryosong seryoso at kahit na ngumiti na ako, walang bakas sa mukha nila na ngingiti rin sila sa halip at nagkatinginan pa.

"Alam namin ang iniisip mo, Berry." napatingin ako bigla kay Reena. Anong ibig niyang sabihin? "Ganyan din ang naging reaksiyon namin nang pumasok kami sa eskwelahang ito. Baguhan, walang alam, inosente. Alam din namin ang ibig sabihin ng ignorant dahil kaya nga nag-aaral kami para matuto. Ignorant means lacking in knowledge, in short, walang kaalam alam, baguhan, at kung ano pa. Alam namin na alam mo rin ang meaning kaya nag-iba kaagad ang pananaw ng pag-iisip mo. Okay lang 'yang ganyan, mas nagiging curious ka sa mga bagay-bagay." At sabay silang dalawa na ngumiti habang nakatingin sa akin.

Medyo tumaas ang balahibo ko sa mga pinagsasabi nila. Sabi nga nila, curiosity kills.

"Okay, too much for that. Masyado ng seryoso ang mga bagay-bagay na dapat ay hindi naman sineseryoso. Matulog na tayo, may pasok pa bukas." sabi ni Janna. "Berry, ikaw na maunang mag-shower." nakangiting pag-alok niya. Tumango na lamang ako bilang sagot at tska kumuha ng tuwalya at damit pangtulog bago pumasok sa banyo.

Hindi naman ako dapat ma-curious sa pangalan ng school 'di ba? Kasi pangalan lang naman ito at hindi big deal. Pero bakit hindi ko maalis sa isipan ko ang salitang iyon? O baka pinaglalaruan lang ako ng dalawang ka dormmate ko? Well, kung tutuusin unang araw ko pa lang dito na kasama sila kaya marami pa akong madidiskubrehan. Lack of knowledge? Mukhang nagre-reflect siya sa akin kasi wala pa akong alam tungkol sa eskwelahang ito pati na rin ang nasa paligid ko rito. Well, nakakamatay nga naman ang pagiging curious sa mga bagay pero sanay na ako sa mga ganito, ang maghanap ng sagot sa mga katanungan.

"Kung kailangan patayin ang mga sagabal, papatayin mo ha?" Hindi mawala sa aking isipan ang mga bilin na ibinagay sa akin bago ako pumasok sa paaralan na ito.

Pero sa ngayon, sobra pa lang siguro 'yun para gawin ko ng maaga. But I'll make sure, lahat ng sagabal, aalisin ko, para lang masunod ang plano namin.

Ngumiti ako ng mapagtanto kong grabe na ang narating ng pag-iisip ko. Lumabas na rin ako ng banyo ng matapos na akong maligo at makapagbihis. Nakangiti silang dalawa kaya ngumiti na rin ako tska humiga kaagad sa kama ko.

Mukhang may kakaiba sa mga ngiti nila. May pinag-uusapan ba silang hindi ko alam tungkol sa akin?

Well, who cares. They don't know me either in the first place.

Good luck for tomorrow, Berry. There are still more anonymous to come.

= = = = =

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay na nanggagaling sa loob ng kwarto namin. Nang imulat ko naman ang aking mga mata, nasilawan ako sa ilaw na nagmumula sa bumbilya ng aming kwarto.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon