19

358 4 2
                                    

19

I'll be meeting Nica tonight.

= = = = =

Punto ni Berry

Lumabas si Radson matapos niyang magsalita. Simula 'non ay hindi na siya pumasok pang muli sa klase. Samantalang hindi pa rin namin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi rin pumapasok si Ms. Syla.

Nanatiling tahimik ang buong silid sa mga pagkakataon na walang guro na pumapasok. No one dares to talk. It's like everything's strange after Radson left. Wala nga ring gana ang lahat ng mag-le-lecture na subject teachers. It's like we are all here but our minds were thinking of other things— at isa na nga siguro sa rason ang mga lahat ng mga nangyayari.

"Ang tahimik sa klase kanina! Parang ghost town," ani Reean nang makalabas kami ng classroom patungo sa Speech Laboratory.

"Gusto ko nga sana magsalita ng kroo kroo kanina e. Kaloka, hindi ako sanay!" bwelta naman ni Janna na mukhang na-stress nga kanina.

"Baliw ka talaga! Ewan ko na lang kung pati rito sa subject na 'to hindi pa magsalita ang lahat." si Reean habang patuloy kamo sa paglalakad.

Nang makapasok na kaming lahat sa loob ay sinimulan na ang diskusyon. As usual, bagot ang lahat sa pakikinig. 'Yung iba nga sa unahan ay ang lalakas ng loob matulog sa harapan ng teacher. Tipong walang pakialam basta makatulog lang. Napapailing na lang tuloy ang guro namin sa harapan.

"Okay class!" Malakas nitong ibinagsak ang libro sa harapan ng kanyang lamesa. Naging dahilan ito ng biglaang pag-angat ng mga ulo ng kaklase kong nakatulog ng buong period. "Since we are done discussing the lessons covered for today, of course I will not let our subject end without an activity." Nakangiti na siya ngayon habang itinataas-baba pa ang dalawang kilay. Mukhang ito na ang pambawi niya sa kawalang-hiya ng mga estudyante niya.

Nagkamot ng ulo ang iilan habang 'yung iba ay napabuntong-hininga na lamang sa narinig.

"Turn 'your books to page 90."

The Truth Will Set You Free
An Essay

That was the first thing I saw when I look at the 90th page of the book. There's a two paragraph essay. I rapidly read its content and I've figured out that it was plainly talking about the reality with different variations just like in politics, family, friends, and yourself.

I've heard several reactions from my classmates this time. Siguro naging interesado sila sa nakikita nila. Who wouldn't?

"Since it's been a long time since we had our speaking and intonation activity, I want you to recite the essay individually. You'll have to put your headphones and I'll turn on the microphone of that specific student. The order will be alphabetical."

"Miss, that's so unfair!" kaklase kong lalake na mukhang nagsisimula sa A ang apelyido dahil nasa pinakaunahan siya.

"What do you want then, class?"

"Volunteer system!" Most of our population insisted.

"Okay, much better. Who wants to go first?" Nang sabihin 'yon ng aming Language teacher ay biglang tumahimik muli ang loob ng laboratory. Lahat nagtitinginan sa isa't isa na mukhang walang balak na mauna.

Natatawa ang aming guro habang naghihintay. Mukha kasing wala talagang balak mag-participate ang lahat na nagiging rason kung bakit kami natatagalan. And we are actually wasting our time.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon