8

750 13 1
                                    

8

"May sikreto ka bang tinatago, Berry?"

= = = = =

Punto ni Berry

Usap-usapan pa rin ang nangyari kay Mang Epyo kinabukasan. Halos lahat yata ay na-trauma sa nangyari kaya ganoon na lamang ang epekto ngayon.

"Uy Berry, kanina ka pa yata tulala d'yan? May problema ka ba?" tanong ni Janna nang mapansin niya yata na wala sa sariling pinag-iikot ikot ko lang ang tinidor sa spaghetti na in-order ko.

Napabuntong hininga muna ako bago makasagot. "Wala. Napapaisip lang naman ako kung ano ang magiging takbo ng school year ko rito."

"Nako, nako. Hulaan ko, dahil 'yan sa nangyari kay Mang Epyo, ano? Maging ako nga rin ay nangangamba. Sino ba namang hindi maaalarma e 'yung inaalaka mong aksidente ay may salarin pala. Ang creepy!" May pangingilabot sa mukha ang ipinakita ni Reean habang nagsasalita. Kitang-kita na pati sila ay 'yun din ang laman ng isipan.

Napangiti ako sa kanilang dalawa na siyang nagpatigil sa kanila sa pagkain ng almusal. "Ano ba kayo, hindi 'no. Eh kasi kahapon, halos wala akong makitang interaction between the students and teachers in our section. Halata na ang lahat ay problemado," pagtatama ko ng nais kong ipahatid sa kanila. Marami talagang namamatay sa maling akala. "I was really hoping yesterday that I would be able to know them better, as well as our subject teachers. Kaso mukhang wrong timing yata yung pagpasok ko."

"Ayy..'yun naman pala. Ganun talaga. I guess natural reaction lang 'yon especially na lumala yung investigation dahil doon sa pictures," ani Reean.

"Tska wala rin sa ayos ang discussions dahil panay ang pagpapatawag sa teachers, causing the subject teachers to not be able to enter our class. Pero siguro today mag-re-resume na sa naturang ayos ang schedule. Nakaka-excite nga kasi may pogi tayong teacher!" Halata pa sa pagmumukha ni Janna na kinikilig ito habang nagsasalita. "Pero oppss, huwag ka na dumagdag pa sa fansclub ha? Crush ko na si Sir. 'Wag na wag mo aagawin." At sumeryoso pa ito na mukhang nagbabantay nga.

"Tumigil ka nga Janna, ang harot-harot mo. Alam mo namang bawal ang student-teacher flings," sabat ni Reean. Mukhan pati siya ay naiinis sa sinabi nito.

"Joke lang! Ito naman, aga-aga nakabusangot agad. Alam ko naman 'yon, tska ni isang babae walang pag-asa doon kay Sir 'no! Ewan ko ba, oldie but hottie e. Hihi" Maharot na namang paghihisterya ni Janna dahilan para itulak na siya ng bahagya ni Reean dahil magkatabi silang dalawa. "Aray naman! Biro nga lang kasi! Hindi ka pa nasanay."

"Sino ba kasi 'yang sir na 'yan at bakit patay na patay ka?" Pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang halos gumanda ang mood niya nang magkwento siya tungkol doon.

"Hhhmmm...mamaya! Makikilala at makikita mo rin siya," pakindat na sabi ni Janna. "Tara na girls, malapit na mag-time. Ayoko pa naman ma-late sa time ni Ms. Syla. Baka ma-grand entrance tayo," pabiro na namang sabi nito sabay tayo at kuha ng bag.

Hindi ko na naubos ang pagkain ko sapagkat hindi ko na rin ito kayang ubusin pa. Sumunod na kami ni Reean palabas ng canteen para makapunta na ng classroom.

Sana ngayong araw mas better.

= = = = =

"I need to go class. You're subject teacher is already waiting outside," sabi ni Miss Syla matapos niyang magbigay ng mga anunsyo ukol sa mga bagay-bagay. Kinuha niya na ang mga gamit niya mula sa lamesa at tska naglakad palabas. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan ay lumingon siyang muli sa amin. "Before I forgot, Class Officers, I want you to conduct a class meeting right after your last period this day. I already gave the agenda to your President. That's all. Have a nice day," at tuluyan na ngang lumabas si Miss Syla na siya namang pagpasok ng isang na lalake na may katangkaran at sakto lang ang pangangatawan.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon