9

672 10 1
                                    

9

"Kilala mo ba si Effina Dobrey?"

= = = = =

Punto ni Berry

I'm weak. Para akong pinapatay ng pisikal sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko. Ilang araw na rin ng huli akong pumasok ng klase. Tinapos ko kasi 'yung parte ko sa draft ng thesis. Pinagpuyatan ko para lang masiguro na tama ang content kahit na alam ko namang may makikita pa rin na mali ang teacher namin kapag ipinasa na ito.

The past few days were sleepless nights. Ang resulta? Puyat. Epekto ng puyat? Sakit. Nagka-flu ako na naging resulta ng pagpapahinga ko na lamang muna sa dorm. Sina Janna at Reean naman ay busy din sa kanya kanyang gawain ngunit pumapasok din kaya ako lang ang naiiwan sa dorm.

Ayoko talaga sa lahat ang nagkakasakit. Sino ba ang may gusto ng ganon 'di ba? It makes your day unproductive. Mabuti na lang at nandito si Reean at Janna para ma-update ako sa mga schoolworks at lessons.

Pero ng sumunod na linggo, Lunes, napagdesisyunan ko ng pumasok.

"Sigurado ka bang okay ka na?" May pagdadalawang isip na tanong ni Reean matapos kong isuot ang facial mask matapos kong mag ayos ng uniporme.

Tumango lang ako. Sabay na kaming tatlo na nagtungo ng classroom dahil nakapag almusal na kami sa kwarto namin. Si Janna na kasi ang bumili ng pagkain sa cafeteria at nagdala ng pagkain sa itaas. Napaka-thoughtful ng dalawa, ni hindi ko halos mapagtanto kung ano ang mabuting nagawa o ipinakita ko sa kanila para maging ganon ang turing sa akin.

"Ano first subject?" Pagbaling ng atensyon ni Janna kay Reean nang makapasok kami ng silid-aralan.

Halos lahat ng kaklase namin ay abala sa kanya kanyang gawain. Ang aga-aga pa lang pero halos lahat sila ay hindi magkandaugaga sa mga pinaggagawa nila. May mga papel sa armchair, may mga printed papers, may folders at iba pa.

"Filipino." Tipid na sagot ni Reean.

Filipino...

"Seryoso ka ba?!" Mukhang nabuhayan si Janna sa narinig. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Pilosopong tanong nito habang tinuturo pa ang sarili.

"Ready na ako! Kay gandang bungad naman ng araw o!" Nakangisi nang umupo si Janna sa kanyang upuan at naghintay.

Napailing na lamang si Reean nang mapabaling kami sa isa't isa. May kutob na ako pero idinaan ko na lang sa pagngiti.

Hindi nga ako nagkamali. Pagpasok pa lang ng isang lalakeng guro na pormadong pormado at kahit halatang may edad na ay hindi maipagkakaila na gwapo ito.

"Magandang umaga sa inyong lahat," malalim ang boses na bati nito habang nakangiti. Nang ibaling ko ang atensyon ko kay Janna ay hindi halos magkandamayaw ang dalaga sa titig at ngiti nito sa taong nasa harapan na naging dahilan ng pigil kong pagtawa sa inaakto niya. Siya nga, pero seryoso ba si Janna para rito?

"Magandang umaga, sir Ricky!" Masigla ang bati ng lahat ngunit ako ay napatigil sa narinig kong pangalan. Pangalan na matagal ko ng hinihintay na marinig.

Pangalan na matagal ko ng kinasusuklaman. Pagtingin kong muli sa harapan ay halos hindi ko na maatim na ngumiti pa ulit sa lalakeng ito.

Nang mahagip niya ang mga mata ko ay pumirme ako sa pagkakatayo na walang halong kahit ano na emosyon.

Ricky Domingo. Hindi ako pwedeng magkamali. Nang nakatingin na siya sa ibang direksyon ay mataman ko sayang tinutukan gamit ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan na hindi mapakuyom ng kamay.

GRETA 2: LIHIM [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon