Chapter 38

154K 2.4K 142
                                    

Chapter 38

(THIRD PERSON)

Tahimik na naghihintay si Sebastian sa ilalim ng puno kung saan sila magkikita.. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay tanaw na tanaw ang napakalaking gate ng RoyalAcademy. As usual 10 mins before the exact time siya dumating. Dahil na din ito lang ang oras na wala si Sophia at makakaalis siya.

“Sebastian.” Napatayo siya ng marinig niya ang pagtawag ng pangalan niya.

“Young Masters, Young Mistresses…” Nagbow siya sa kanila..

“Pinaghintay ka ba namin ng matagal?” Tanong ni Justine. Umiling siya.

”Ayos lang po.” Tinignan niya muna sila isa-isa. Kita niya ang kaba sa mga ito. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung papasok ka sa teritoryo ng pinakamakapangyarihang tao sa mundo.

”Sumunod po kayo sa akin...” At nagsimula na silang maglakad. Nakarating sila sa isang landing zone ng mga air crafts. At nakaabang ang isang itim na chopper.  Na may simbolo ng itim na korona.

”Ahm.. Bakit dito tayo sasakay?” Tanong ni Alexa.

“Mas mabilis ang biyahe kung dito po tayo sasakay..” Sagot ni Sebastian.Sumakay na sila at nagsimula ng lumipad ang helicopter.Nagtataka sila kung bakit mula sa itaas ang tangi nilang nakikita ay puro gubat.20 mins. Ang nakalipas, pero walang umiimik sa kanila.

”Kamusta naman si Lia?: Tanong ni Daniel kay Sebastian.

”Wag po kayong mag-alala sa kanya.. Inaalagaan siyang mabuti ng Empress..” Tapos ngumiti si Sebastian. Takang nagtinginan sila. Magtatanong pa sana sila ng magsalita si Sebastian..

”Andito na po tayo..” Sumilip sila sa bintana at gulat ang reaksyon nilang lahat. Napanganga sila sa natatanaw nila.

”S-sigurado ka bang ito ang bahay ni Sophia?” Tanong ni Timothy. Tumango si Sebastian..

”Welcome to the Montereal Palace..” Mula sa itaas tanaw na tanaw ang kalahati ng  kabuuan ng palasyong sobrang laki na nakatayo sa gitna ng isang bundok. Hindi sila makapaniwala sa laki at ganda ng palasyong iyon.

”Grabe dinaig pa nito ang royal palace ng royal families sa buong mundo..” Sabi ni Daniel.

Ng makalanding na ang sinasakyan nilang helicopter, agad sumalubong ang daan-daang butlers and maids para magbigay galang sa kanila..

”Kaloka naman ang bahay na ’to. Parang maliligaw yata ako dito sa sobrang laki..” Sabi ni Alexa. At tinitignan ang buong paligid.

”Walang duda kung bakit ang pamilya nila ang pinakamakapangyarihan sa lahat. A Palace for a house. Just wow..” Sabi naman ni Natalie.Tapos sumakay na sila sa limousine para ihatid sa pinakaloob ng Montereal Palace. Pero bawat dinadaanan nila, hindi nila mapigilang hindi mamangha. 10 times ang laki ang sakop ng Montereal Palace kaysa Royal Academy. Pero napansin nila ang isang napakataas na building..

"Sebastian ano yung building na yun?" Tanong ni Justine. Tumingin naman si Sebastian sa labas.

"Ang main Head Quarters ng Montereal Empire..." Sabi ni Sebastian. Napanganga ulit sila.

Hanggang sa puro mga puno ulit ang nakikita nila. Hanggang sa matanaw na nila ang isang higanteng gate.. Ilang minuto pa at huminto na ang sasakyan sa pinaka entrance ng bahay ni Sophia.. Bumaba sila at sinalubong muli ng daan-daang butlers and maids.. Gayundin sa pagpasok nila sa loob.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon