Chapter 26
(THIRD PERSON)
“Wag na lang kaya Acel. Uuwi na lang ako..” Tatalikod na sana si Alexa ng pigilan siya ni Acel.
“You have to face them Alexa. Walang mangyayari kung tataguan mo sila. At saka andito naman ako sa tabi mo. Di ba sabi ko hindi kita iiwan..” Napabuntong hininga si Alexa at saka tumango.
Matapos kasi ang pangyayari nung isang araw ngayon lang ulit siya magpapakita sa mga estudyante ng Royal Academy. Dahil alam niya kung anong klaseng kahihiyan iyon sa kanya at sa apelyidong Ramos.
“Here we go..” Tapos binuksan na ni Acel ang pintuan kung saan natitipon ang mga estudyante. Agad napalingon sa dalawa ang mga elites.At nagsimula na ang bulong-bulungan sa paligid..
“Ang lakas ng loob niya na magpakita pa dito..”
“Tama! Ibang klase pati si Young Master Acel, dinamay pa niya.. Kakahiya!”
“Wala na talaga siyang natitirang dignidad sa sarili niya..”
“Kakaawa!”
Rinig na rinig ni Alexa ang mga bulungan ng mga tao. Napayuko na lang si Alexa sa hiya. Sa unang pagkakataon, hindi niya nagawang lumaban.
“It's been a while since I saw you my dear Alexandria and the same with you Acel..” Napatingin siya sa boses na yun..
“Sophia..” Pakiramdam niya parang biglang nabalot ng ibang aura ang paligid ng biglang dumating si Sophia. Nakakapanginig.
“I am with her, my empress..” Napataas ang kilay ni Sophia.
“Is that so? How much?” Nagtaka naman si Alexa sa tanong ni Sophia.
“What do you mean?” Tanong ni Alexa. Sophia smirked.
“Come on, Alexa don't play like innocent one. Magkano ang binayad sayo ni Acel for that days with him?” Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Alexa. Nanginginig ang kamay niya hindi sa galit kundi sa takot. Inaamin niya sa sarili niya na ang taong kinatatakutan niya ay walang iba kundi si Sophia.
“But make sure that the money you get is enough for you to live..” Nagtaka naman siya sa sinabi ni Sophia.
“What are saying Sophia?” Tanong ni Julia.
“Remember what I said, Alexandria? Hindi pa ako tapos, nasa climax palang tayo ng palabas.” Hindi niya sinagot ang tanong ni Julia. And Sophia smiled, a devilish smile and then she left.Iniwan niyang may tanong sa isip ang lahat.
BINABASA MO ANG
An Angel Turned Into Devil (Published Under LiB)
Teen FictionSa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa mga mayayaman sa buong mundo.. Hindi niya iniinda ang kahit anong pang-aaping ginawa sa kanya... Pe...