Chapter 14

197K 3K 80
                                    

Chapter 14

 (YVES)

Kanina pa umalis si Sophia, pero hindi pa din siya bumabalik. May parang nagsasabi sa akin na may hindi magandang mangyayari. Kaya pinahanap ko na siyang, pati sila Lia tumulong na din.

 “Did you find her?”  Tanong ko sa isang Class S guard. 

Not yet, Head Master..” Tapos yumuko ito.

Find her, please..” Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Ganito din yung pakiramdam ko ng araw na ‘yon.

 “Yves, you should relax. They’ll find her.” Tapos inabutan ako ng tubig ni Clarissa.

 “Hindi ko alam pero nararamdaman ko may mangyayaring hindi maganda.. I can feel it..” Tapos kinuha ko yung baso at uminom.  

Sige.. Susubukan ko siyang hanapin sa labas baka nagpapahangin lang. I know that she likes doing that.” Sabi ni Clarissa..

Thank you..”  Tapos hinalikan ko siya at saka niyakap. I really love this girl. Siya ang nakakapagparelax sa akin. Makita ko lang siyang ngumiti parang wala na lahat ng mga iniisip ko.

No problem.. I love you..” I smile.

 “I love you too. Baka lamigin ka sa labas..” Sinuot ko sa kanya yung coat ko.

"So sweet.." Sabi niya, tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mamaya paki-check yung bulsa niyan. May importante kasing laman yan." Tapos tinitigan ko siya.

"Ano ba laman nito?" Takang tanong ni Clarissa.

"Mamaya mo na buksan kapag nasa labas ka na.. Tapos hihintayin ko yung sagot mo." Mukhang naguluhan siya.. Ang cute niya.

"Eh?" Tapos pinisil ko yung ilong niya.. 

"Sige na. " Tumango na lang siya at lumabas na..


Pinanuod ko siya habang naglalakad palabas. Hindi na ako makapaghintay para mamaya. Alam niyo kasi, announced palang na engaged kami pero ang totoo niyan. Hindi pa ako nakakapag-propose sa kanya. I want it to be official.

Nang nawala siya sa paningin ko bumalik na naman ang pag-aalala ko.  Kaya nagsimula na akong hanapin si Sophia.. Hinalughog ko na ang buong bahay, pero hindi ko pa din siya makita. 

Then after 20 mins.. 

SUNOG!” Tapos nagpanic na yung lahat ng Elites. Lumapit sa akin yung Head ng Class S Guards.. 

Young Master, lumabas na po kayo dito.. Hindi po safe.” No, hindi pwede si Sophia.

 “No, start to evacuate all of the Elites... And make sure they are all safe.. Tell Clarissa, to wait for me.. And i want to hear her answer..” Tapos dali-dali akong tumakbo at hinanap siya.. I know this feeling.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na namang masama sa kanya.. 

Pakapal ng pakapal yung usok sa loob.. Kaya ang hirap ng huminga pero hindi ako pwedeng sumuko.. Kailangan ko siyang mahanap. I promised her that i won’t leaver her.

Binuksan ko yung mga pintong madaanan ko. Hanggang, may marinig akong boses sa isang kwarto.. 

Tulong! Tulong!” Kilala ko ang boses na yun..

Sophia!”

*BOOOM!* 

(THIRD PERSON)

Lahat ng Elites ay ligtas na, agad isinugod sa ospital para ma-check up yung mga nasugatan.... Yung iba andun pa din, sila Lia, Julia, Clarissa, Daniel, Tim, Acel, Justine at Alexa at yung mga fire officers at ang mga Class S Guards..

*BOOM* 

Umalingaw-ngaw sa tahimik na gabi ang malakas na pagsabog na nangyari sa loob ng bahay. At ikinabahala ito ng ibang elites.

Clarissa!” Tumakbo papalapit si Clarissa sa nasusunog na bahay.. At pilit na pumapasok..

Let me in!” Pero ayaw siyang palagpasin ng isang Class S Guard.

Sorry, Young Mistress pero hindi po pwede..” Nagpupumiglas pa din siya.. 

NO! I said let me in! Hindi mo ba ako kilala, I can easily make your life miserable! Kaya papasukin mo ako!” Agad naman lumapit sa kanya sila Lia..

Sorry, Young Mistress Clarissa pero mas mahalaga po ang kaligtasan niyo. Mahigpit po ang bilin ng Head Master na maging ligtas kayong lahat. ” Napaupo na lang ito at umiiyak dahil alam niyang wala siyang magagawa.

Naiintindihan nila si Clarissa, she loves Yves so much. Ngayon lang nila nakitang naging ganyan si Clarissa. Kaya hindi na din nila napigilan ang hindi umiyak. Hindi nila alam kung ano ng nangyari sa loob. Lalo na sa nangyaring malakas pagsabog sa loob.

Lumipas ang 2 oras bago maapula ang sunog. It was 2 in the morning, pero wala pa ding anino ni Sophia at Yves.

Ma'am, sumunod po kayo sa akin..”  Nakapatingin sila sa Class S Guard. Agad naman silang sumunod, pagdating nila sa destinasyon nila. Hindi sila makapaniwala sa tumambad sa kanila. Hindi sila makagalaw sa pwesto nila.

Sophia..”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon