Three (1)

80 2 0
                                    

THREE (part 1)

“Sigurado ka bang wala kang alam sa pagkamatay ni Ivory?” tanong ko sa lalaking kaharap ko. Siya ang taong malapit sa biktima bukod sa kanyang mga kapamilya. Siya rin ang huling nakasama niya.

          “Inuulit ko, wala,” mahinahon na sabi niya.

          “Wala? O ayaw mo lang sabihin?” dugtong ko. Tinitingnan ko ang bawat reaksyon niya, dahil kung meron man itong tinatago, baka ipagkanulo siya ng mga iyon.

          “Kung meron man akong alam, sasabihin ko agad sa inyo. Dahil ako, gustong-gusto ko malaman kung sino ang gumawa niyon sa nobya ko.”

          “At bakit ko paniniwalaan na wala kang kinalaman sa nangyari? Ikaw ang huling nakasama ng biktima. Ikaw ang naghatid sa kanya sa bahay niya. Sa kwarto na pinangyarihan ng krimen, walang forced entry na  nangyari. Maaring dumaan ang suspek sa bintana na hinayaan lang ng biktima. At ang posibleng rason ay dahil kilala niya ang suspek.”

          “Sir, mahal na mahal ko ang girlfriend ko at hinding-hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo,” madiin na sabi niya.

          Sandali ko siyang pinag-aralan. Matiim ang mata nitong tumitig sa akin na parang nagsusumamong paniwalaan mo siya. “Okay. That’s it, you can go,” sabi ko saka lumigid sa mesa ko pabalik sa upuan sa likod ng mesa ko.

          Tumayo na ang binata pero hindi muna ito umalis. “Sir, gusto kong tumulong na malutas ang kasong ‘to. Sabihin niyo kung ano ang pwede kong gawin?”

          Nabasa ko ang determinasyon sa mga mata niya. Mga mata na nakaranas ng sakit at kabiguan.

          “Tell the truth. ‘Yun ang malaking tulong na maibibigay mo.”

 ****************************************************************

“Nadaanan ko ang lalaking ‘yan nang minsan akong romonda malapit sa pinangyarihan ng krimen. Ang sabi niya, may alam daw siya na makakatulong ng malaki sa kaso ni Ivory,” mahabang paliwanag ni Merto.

          Sinulyapan ko ang lalaki sa pamamagitan ng one-way mirror. Nasa loob ito ng interregotaion room at sumasagot sa mga tanong ni Guzman. Malaking lalaki ito, mahaba ang buhok, may tattoo sa mga braso at bigotilyo.

          Marami akong gustong itanong dito at umaasa ako na masasagot niyang lahat. At sana ang lalaki na ito na ang susi sa kaso nila kay Ivory.

          Pumasok na ako sa loob kasunod ko si Merto. Napaunat ng tayo si Guzman at sumaludo sa akin. Pagkasagot ko ng saludo kay Guzman ay naupo na rin ako kaharap ng witness nila.

          “Sir, nagawa na yung profile ng ating witness.” Inabot sa akin ni Guzman ang 3-page na papel na f-in-ill up-an ng kaharap niya. Sandali kong pinaraanan yun ng mata.

          “Lester Pangsol,” basa ko.

          “Tama ho.”

          “Umaasa ako na makakatulong ng malaki ang iyong magiging testimonya.”

          “Sana nga ho. Sasabihin ko lahat ng aking nalalaman at nakita ng gabing iyon.”

          Tumango-tango ako.

          “Sige. Pwede mo na bang i-kwento sa amin kung ano ang nakita mo nang gabing nangyari ang krimen?” sandali kong ibinababa ang hawak kong papel at sumandal sa sandalan ng silya na naka-abre-syete.

          “Naglalakad ako noon sa kalye ng Orosa. Madilim sa bahagi na malapit sa bahay ng mga Briones kasi sira yung poste ng ilaw. Nakita kung dumating yung babae kasama ng boyfriend niya ‘ata. Di kalayuan namataan ko yung isang lalaki na parang nagmamanman. Pasulyap-sulyap siya sa bahay.”

          “Namumukhaan mo ba ‘yung lalaki?” putol ko sa kanya.

          “Hindi gaano. Hindi ko masyado pinagtuunan yung mukha niya. Pasensya na.”

          Tumago ako saka sinenyasan siya na ipagpatuloy ang kanyang pagsasalaysay.

          “Nang dumaan ako uli pabalik, nakita yung isang lalaki na tumalon palabas ng gate ng bahay ng mga Briones. Mabilis na tumakbo ito palayo. Pero nakita ko na parang may sugat ‘ata ito. Kasi may mga patak ng dugo akong nakita. Sinundan ko yung patak, pero nawala na yun pagliko sa kanto.”

          Naglabas siya ng kwentas at inilapag niya iyon sa mesa. “Tapos, nakita ko ito  doon. Walang duda na sa kanya ang kwentas na yan.”

          Inabot ko ang kwentas. Silver iyon na may elepante na pendant. Sinuri ko yung pendant kung may initial na pwedeng malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari na iyon. Isang picture holder pala ‘yon na nabubuksan.

          Nang buksan ko, napakunot ang noo ko. Dalawang larawan ang nandoon: isang babae at lalaki. Dalawang tao na kilalang-kilala ko.

**********************************************************

          Itutuloy…

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon