One (2)

176 3 2
                                    

One (part 2)

Impit na ungol ang aking pinakawalan nang tumama ang bulak sa sariwang sugat sa tagiliran ko. “Fuck you!” Napamura ako nang maalala kung paano nanlaban ang walang hiyang babae na iyon. Sapat lang ang sinapit niya. That was all for making him look like a loser!

          Nasa loob ako ng banyo at pinagmamasdan ang malaking hiwa niya sa tagiliran sa salamin. Nakakuha ito ng ice pick at iyon ang ginamit sa kanya. Marami pa siyang gustong gawin dito pero pinagdiliman na siya ng paningin ang masugatan at hindi na niya nakontrol pa ang kanyang sarili.

          “Hindi mo dapat ginawa iyon,” sabi ng kasama niya.

          “She deserves that!” galit kong bwelta.

          “Bakit, ano ba ang ginawa niya sa’yo? She just turned you down. Hindi niya kasalanan kung bakit hindi ka niya magustuhan.”

          “Will you shut up, you asshole! Huwag kang makikialam sa akin. Hindi kita pinakikialaman sa mga pinaggagagawa mo.”

          “May pakialam ako dahil iisang dugo lang tayo dito. Ngayon kung ayaw mong may masama pang nangyari, itigil mo na yan. Ewan ko lang kapag nalaman ni Paul ang ginagawa mo…”

          “Oh, that weakling. Isinama mo pa siya sa usapan. You think he can stop me? I’m superior over you two.”

          “’Wag ka magpaka-kampante. Alalahanin mong binalaan kita. Another wrong move, ako ang makakalaban mo.”

          “Huwag na huwag mo akong didiktahan!” sigaw niya. Sinuntok niya ng ubod ng lakas ang salamin sa harap. Nagkandadurog-durog iyon. Kumibot-kibot din ang nasaktang kamao niya pero hindi niya pinansin iyon. “I own this body kaya ako lang magsasabi kung ano ang gagawin ko!

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Accounting ang subject nila ng oras na iyon. Saktong kakarating pa lang ni ma’am ng dumating ako. Second year na ako sa kursong Advertising sa isang state university. Naupo ako agad sa bakanteng upuan.

          “Okay, nag-iwan ako ng assignment di ba? Exercises 2-2 saka 2-3, right?”

          “Yes, ma’am,” sagot ng klase.

          “Let’s exchange papers. Ipasa niyo sa kanan yung papel niyo, tapos kukunin naman ninyo yung papel sa kaliwa niya. Paikot yan. Okay, one, two, three…”

          “Ma’am wala po akong nakuha…”

          “May hindi nagpasa siguro. Sino sa inyo walang assignment?”

          Napataas ako ng kamay. Nakalimutan ko na may sasagutan pala kaming homework. Nakatulog ata siya buong maghapon.

          “Bakit wala kang assignment, Paul? Anong ginawa mo noong weekends?”

          “Ma’am, nag…” kinalikot ko yung utak ko kung ano nga ba ang ginawa ko noong dalawang araw na walang pasok. Sumakit na ang ulo ko sa kaiisip pero wala akong matandaan. Blangko ang memorya ko. “Hindi ko po alam.”

          “Hindi mo alam? Bakit hindi mo alam? Okay take your seat. But next time, kapag may pinapagawa ako sa inyo, gawin niyo. Dagdag din iyan sa grades niyo.”

          Tumango ako saka naupo. Habang nag-che-check sila ng papel, pilit ko pa ring inaalala kong nasaan ba nga ako noong dalawang araw. Basta nagising na lang ako na masakit ang katawan ko. May mga sugat pa ko. Baka nakuha ko iyon sa pagbagsak ko noong nag-black out ako.

          Pagkatapos ng black out, di ko na alam kung ano nang nangyari. Ang natandaan ko na lang, gumising na ako para maghanda sa pagpasok. Nagiging makakalimutin na ako nitong mga huling araw.

     Minsan, nakakabili din ako ng mga damit na hindi ko matandaan na binili ko. Nagugulat na lang ako sa mga laman sa aparador. May mga tumatawag pa na tao na kilala daw nila ako na hindi ko naman matandaan at napakaimposible dahil hindi ako naglalabas.

          At kanina lang, may pumuntang babae. Na-mi-miss na daw niya ako. Ilang araw na daw akong hindi nakakadalaw sa kanya. Ang gulo.  Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko hindi ko na hawak ang buhay ko.

          (Itutuloy...)

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon