Three (2)

81 0 2
                                    

Three (part 2)

Isang meeting ang pinatawag ko sa buong unit ko. Pag-uusapan namin ang kasalukuyang estado ng kaso na hinahawakan namin.  At pag-uusapan din namin ang magiging dereksyon ng pagresolba ng kaso.

          “Walong suspek ang nasa listahan natin. Two has been ruled out already. Makikita niyo sa screen ang larawan ng natitirang anim sa listahan. At ang dalawa na nasa itaas na screen ay mas malakas ang position para maging suspek, gayunpaman, hindi pa natin pwedeng alisin ang iba hanggang hindi pa tayo nakakahanap ng karagdagang impormasyon.”

          Itinukod ko ang dalawa kong braso sa mesa at inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahannakapalibot sa akin bago ako nagpatuloy.

          “Hahatiin ko kayo sa iba’t-ibang grupo at bawat grupo ay may tutukang suspek. Aalamin niyo ang anumang bagay patungkol sa kanya, susundan ang bawat galaw at hahalungkatin ang anumang itinatago niya. Kailangan nating gawin ‘to para mas mabilis ang pag-usad ng kaso.

          “Merto at Guzman, kayo sa prime suspect A and B.”

          “Copy, sir.”

          “Lacson at Pecson, kayo sa suspect C and D.”

          “Alright, sir.”

          “Lastly, Bautista and Hernandez, kayo naman sa E and F.”

          “Yes, sir.”

          “Gusto kong makakuha sa inyo araw-araw ng inyong report. Kailangan i-update niyo ako palagi. Kahit anumang impormasyon ang nakuha niyo; kahit pa walang kaugnayan sa kaso, gusto kong marinig. Nagkakaintindihan ba tayo?”

          “Yes, sir.”

          Sabay-sabay silang lumabas maliban kina Merto at Guzman. Isinara ko ang projector at bunuksan ang blinds ng bintana sa opisina ko. Naupo ako sa swivel chair sa likod ng aking mesa at iminuwestra sa dalawa kong tauhan ang upuan sa harap ng mesa.

          Pagkaupo ng dalawa, agad ko silang tinanong. “Nakito n’yo na ba ‘yong doktor na pinapahanap ko?”

          “’Yun nga, sir, eh. Nang puntahan namin kanina ang kanyang klinika, nadatnan namin ang Taytay police na aktong nilalabas ang bangkay ng doktor kasama na ang kanyang receptionist. Patay na ho si Doktor Tasarra.”

          “Ano?” Nanlulumo at hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Umaasa pa naman ako na madami akong makukuhang mahalagang impormasyon mula rito. “Paano nangyari ‘yon? Sino naman ang gumawa nun?

          “Ayon sa Taytay police, tatlong araw nang patay ang doktor at ang kanyang receptionist. Nakakuha sila ng tawag mula sa kaanak ng biktima na ilang araw na daw nawawala at di umuuwi ang doktor. Nang puntahan nila ang klinika, walang sumasagot pero sinalubong naman sila ng umaalingasaw na amoy. Nagduda sila kaya pinuwersa na nilang buksan,” paliwanag ni Merto.

          “Humingi na kami ng kopya ng kanilang report at anumang araw ay ipapadala na nila ‘yon. Sa ngayon, ang pinaghihinalaan ay ang huling taong bumisita sa kanila, na naka-log naman sa logbook ng receptionist,” dagdag ni Guzman.

          “Sino daw?”

          “Seventh Sun.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon