One (3)

170 1 3
                                    

One (part 3)

Tsss. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa bumagsak ang lalaking iyon. I was glaring at him with utmost disgust and hatred. Kung wala lang tao, kanina ko pa sinugod ang taong iyon. I would love to smear that beautiful face with blood! I would love to hear him beg just as what that girl in coffin did!

Ilang araw na akong pabalik-balik sa burol na ‘yon, tsumitsempo na makita ang lalaking naging dahilan kung bakit ayaw matanggap ng babaeng iyon ang aking pag-ibig! Nakatatlong balik na ako bago ko nakita ang hinahanap.

Dama ko ang pagkabuhay ng dugo ko. Dinig na dinig ko ang pagtambol ng aking puso. Na-e-excite ako sa mga planong nabuo sa aking isipan. Hindi na ako makapaghintay na maisakatuparan iyon. Pero kailangan. All must conform with the plan. Ayokong mabulilyaso ako.

Slowly, but surely. And deadly!

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Merto, kilala mo ba ang lalaking iyon?” tanong ko sa kasamahan ko sabay turo sa lalaking naka-hood. Kanina pa ito sa burol pero ni hindi niya nakita na sumilip man lang ‘to sa kabaong. Nasa pinakadulo ito kaya hindi gaanong napapansin.

          “Hindi, sir. Ngayon ko pa lang ‘yan nakita. Bakit naman niyo naitanong?”

          “Kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa isang ‘yon. Kanina nang tingnan ko siya, nakita ko siyang nakangiti na parang demonyo. Ewan ko, hindi ko alam. Baka stress lang ‘to. Lahat na lang pinaghihinalaan ko.”

          “Bakit hindi natin tanungin, sir. Baka may alam pala siya na makakatulong sa kasong ‘to.”

          Nilapitan ko ang lalaking iyon at saka naupo sa tabi nito. Bigla itong napapitlag. Nang tingnan ko ito, iba na ang naging awra nito. Kanina parang ang dilim ng anyo nito, tapos ngayon umaliwalas na ang anyo nito.

          Inilabas ko ang aking tsapa at ipinakita iyon sa kanya. “May ilang katanungan lamang kami sa’yo, maaari ba? Kaanu-anu mo ang namatay,” itinuro ko ng nguso ang kabaong.

          Nanginig ang mga labi nito. Parang hindi nito alam ang sasabihin. Takot na takot. “A-a…a-ano..k-kuwan….”

          “Huwag kang matakot. Simpleng mga tanong lang ‘to,” pampalubag ko. Tatapikin ko sana siya sa balikat pero nang dumantay ang kamay ko sa balikat nito, bigla itong napalayo na parang napapaso.

          Napakunot ang noo ko.

          “P-pasensya n-na… m-may phobia k-kasi a-a-ako sa mga pulis…” hinging paumanhin nito.

          “Hindi mo kailangang matakot. May mga tanong lang kami na pwedeng makatulong sa kaso ng namatay.”

          Sunod-sunod na tumango ito.

          “Kilala mo ba ang namatay…?”

          Sunod-sunod na tumango uli ito.

          “Paano mo siya nakilala?”

          “K-kaklase k-ko siya…”

          Mabilis na inilista iyon ni Merto na nasa tabi ko sa notebook nito.

          “Malapit ba kayo? Magkaibigan?”

          Sunod-sunod na napailing ito.

          “Pwede ko bang malaman kung saan ka noong a-siyete ng pebrero, noong gabing pinatay ang biktima?” tanong niya matapos ang ilang magagaang mga tanong.

          Nakita niya ang pag-rehistro ng takot sa mga mata nito. Saglit lang iyon. Sunod na nakita niya ay ang matalim na matang nakatingin sa kanya. Bigla akong nahintakutan…

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon