One (1)

232 2 2
                                    

One

Hindi pa ako nakakababa sa aking owner type jeep, kita ko na ang dami ng tao sa crime scene. Napa-iling-iling na lang ako. Hindi na naman na nagtrabaho sina Guzman at Merto.

          “Makikiraan lang sandali. Pulis ako.” Agad kong namataan ang isa kong kasamahan na pulis. Pumasok ako sa perimeter na hinahati ng yellow ribbon, ang police line.

          Nadatnan ko sa loob ng bahay ang mga pamilya marahil ng biktima. Isang babae na sa tantiya ko ay nasa forty ang edad. Hula niya ito ang ina ng namatay. Agad akong nagpakilala rito, sabay labas ng aking tsapa.

          “Magandang hapon, ako si Police Inspector Fernando. Ako ho ang maghahawak ng kasong ‘to. Huwag po kayong mag-alala, makaka-asa kayo sa ang agarang pagresolba nito kapalit po ng inyong kooperasyon.”

          Hinawakan ng ginang ang aking kamay. “Pakiusap, gawin po niyo ang lahat ng inyong makakaya. Gusto kong mahuli ang may gawa nito sa aking anak.”

          “Makakaasa po kayo,” sabi ko at marahan kong pinisil ang kamay nito.

          Sumungaw sa kwarto sa taas si Merto. “Sir, tingnan niyo po ‘to,” tawag niya sa akin. Mabilis na umakyat ako. Sa bungad pa lang, kita ko na ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima.

          Nasa kama ito. Ang dating puti na bedsheet, naging pula sa kumalat na dugo. Nakadilat pa ang mga mata nito at nakatingin sa kisame. Nang lumapit ako, bakas sa mukha nito ang di mapaliwanag na takot.

          Matagal na ako sa serbisyo, at hindi na bago sa akin ang ganitong mga eksena. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng kilabot ngayon. Dama ko ang takot sa nararanasan ng biktima ng mga sandaling iyon.

          Kung sinuman ang may gawa nun, masasabi niyang baliw iyon. Nakaluwa ang isang eyeball na biktima. Punit ang bibig nito na umabot hanggang tenga. Tadtad ito ng saksak na base sa sugat ay masasabing ginamitan ng icepick. Nakahubad ang babae at bakas din na ginahasa ito.

          “Sir, malinis ang pagkakagawa ng krimen. Walang ebidensya na maaaring magtuturo sa suspek. Wala ring iniwan na finger prints. Wala ring senyales na pwersahang pinasok ang silid. Walang ibang kahina-hinala maliban sa isa…”

          Napatingin ako kay Guzman. Lumapit ito sa bangkay at itinuro sa akin ang simblo sa tagiliran ng babae. Isang number sequence iyon, to be exact. 2411572i1172053ii2262iii97166. Nakita ko na ang order ng number na ganyan.

          “Sir, ganyan din ang number code na nakatatak sa isang biktima na brutal ding pinatay noong isang buwan,” pag-supply sa akin ni Guzman.

          “Naalala ko. Hanggang ngayon nga clueless pa rin ang awtoridad sa kung ano ang ibig sabihin niyan. Hindi nila makuha ang tamang algorithm, o madetermina kung anong uri ng cipher ito.”

          Nang matapos ang mga preliminaries na ginawa nina Guzman at Merto, in-order ko na dalhin na sa crime lab ang bangkay. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inis. Wala kaming productive na bagay na nakuha roon. Talagang magsisimula sa wala nito. Habang ang criminal, pinagtatawanan sila.

(itutuloy)

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon