Liza's POV
Naka sakay ako ngayon sa Yellow Ford kong kotse. Pauwi na ako sa bahay. Ehm.
Let me rephrase that. Pauwi na ako sa MANSYON.
Yan mas maganda pakinggan. Dumeretso na ako sa garage namin sa may likod ng Mansyon.
**BEEP-BEEP-BEEP**
Naka ilang busina na ako ng kotse wala pa ring lumalabas na maid. Dapat kukunin na nila yung mga gamit ko ah?
Pumasok na ako sa loob para i-check yung maids. Baka kasi tinanggal na ni Dad. Naninigurado lang.
Ang galing! Nag cecellphone!! Ano toh ah?! Ako pinabitbit niyo nito eh. Tapos kayo nag cecellphone lang?
At nag bubulungan pa naririnig naman! Kahit na naka tayo na ako dito wala talaga eh.
Nag kalat na talaga yung sakit na kamanhidan sa paligid.
"Uy dai! Sinagot ko na si Ruben!"~ Maid 1
"Talaga dai?! Kungrats!" ~Maid 2
"Oo nga dai! Swirte mu!" ~Maid 3
Walang kwenta naman pala ang pinag- chichismisan. Mag bre-break din kayo tiwala lang. Ipagpapalit ka din niyan sa tamang panahon.
"Hay na ko... Bigat naman nito. Sana may tumulong naman sa akin dito." Parinig ko sa mga stupid maids ko na walang alam kundi mag-usap tungkol sa love life.
"Sorry mam!" Sigaw ng isang maid.
Tinulungan nila agad ako kunin yung mga gamit ko na bitbit ko kanina pa.
Tumaas na ako sa Kwarto ko para mag palit ng damit dahil may movie marathon pa kami ni Sam.
Wala pa din si Mommy at Daddy sa bahay. Malamang nasa work na naman sila. Tss. Lagi naman eh.
Hindi ko nga sila maintindihan eh. Parang mas importante pa yung trabaho kaysa pamilya. Hayss.
Nag suot ako ng navy blue skirt and red long sleeve as my top. Naka 4 inch heels lang ako ngayon. Nag baon din ako ng pajama.
Siguradong bagsak kami sa kama ni Sam pag-katapos ng movie marathon.
"Yaya Sally pa-sabi na lang po kay mommy at daddy na kila tita Monica po ako matutulog." Bilin ko sa favorite yaya ko. Si Yaya Sally.
"Sige nak. Mag enjoy ka lang." Suporta ni Yaya Sally.
"Hoy maid!" Tawag ko sa kaninang nakikipag text.
"Tandaan mo. Walang forever ha? Kung ayaw mong masaktan tigilan mo na yang mga kalokohan niyo! Kaya hindi umuunlad itong bansa natin eh! Pwe !" Mataray kong sabi sa kanya.
Yeah I know dear. Truth hurts.
BINABASA MO ANG
Operation: Make the bitter fall inlove [On going]
RomanceWala daw forever. Lahat daw ng lalaki mang-loloko. Paasa daw lahat ng lalaki sa mundo. BITTER noh? Yan si Mary Elizabeth Lee. Naloko.Pinaasa. Pinaglaruan. ~Paano nga ba mapa-ibig ang isang bitter na katulad niya? ~Let's find out~