Chapter One Shattered Heart

78 7 0
                                    

"Two hours na akong naghihintay, wala ka pa din!" galit na ako sa kausap ko sa phone.

"Emergency nga kasi mahal, I really have to finish this," sagot niya."Tumawag ang boss ko, deadline na nito bukas."

"Sana sinabi mo kaagad para hindi na lang ako umalis ng bahay, ng hindi kita hinintay pa rito.Wow pre, almost a month na kitang hindi ramdam ah" sabi ko'"I looked like an idiot here, waiting for you."

Mahabang buntong-hininga ang narinig ko. Shucks, bad omen."Hey, ano na?" syempre hindi ako papatalo.

"Just go home na, hindi na ako pupunta diyan!," sumigaw siya bago pinatay ang phone. I tried calling him again pero out of coverage area na ang phone niya. Pinatayan na naman ako ng mokong ng cellphone. Napaluha na lang ako sa inis and decided to go home. Two hours got wasted...again.

The guy that I'm talking to is my boyfriend for four years, Daniel. He's an engineer in one of Makati's premier real estate companies. Ako naman si Tala, a college instructor sa isang state university sa Cavite. We're college sweethearts, naging kami nung senior years namin sa college.

Dan used to have time for me. Mas sweet pa nga siya sa akin kasi he always remember the monthsaries, anniversaries and special days naming dalawa. But that changed nung pareho na kaming may trabaho. He work in Makati, living in an apartment near his office. I decided to stay in Cavite in my family's house and teach to college students. I understand na busy kami pareho pero pati ba naman Sunday? Nagcompromised na kami na ang Sunday ang special day naming for the whole week pero eto na naman, busy na naman ang mahusay kong boyfriend. Hindi na nga ako umaalma kung hindi siya nagpaparamdam all throughout the week. Ang wish ko lang magkasama kami ng Sunday pero eto nga, ang pangako niyang meet-up dito sa MOA after ng hinahabol niyang work sa Makati, napako na naman.

Sayang ang effort kong umoutfit ngayon. Ang ganda ko pa man din sa yellow sundress at strappy brown sandals na suot ko. Napatingin ako sa salamin sa isang shop na nadaan ko. Sayang ang ganda ko sa paghihintay ko ngayon, kahit pa sabihing mahal ko ang hinintay ko.

I decided to buy a book before going home para may mapag-abalahan ako. Sanay na ako sa ganitong mga pangyayari sa relasyon naming dalawa at ang naging motto ko na lang ay "Take the positive out of the negative". Magbabasa na lang ako kaysa malungkot sa isa na naming kasawian, lalim noh? Nakapili naman agad ako ng book bago ako naglakad patungo sa sakayan pauwi sa amin sa Cavite.

Habang nasa Cavitex ako at nagsesenti sa bintana ng van, naisip ko lang, ano na nga ba ang nangyari sa aming dalawa? Dati, kahit anong busy niya sa school, gagawa at gagawa siya ng way makapagbonding lang kami. Movies, foodtrip, pagtambay sa park...lahat yun sapat na naman noon. Madalas din niya akong itext ng mga sweet nothings just to remind me na miss na niya ako.

"School is boring w/out u"

"mis n kta, uwian nyo n b? sbay n tau pauwi"

"hey mahal, saw ur pic on my phone, namiss lng kta lalo"

"cant wait 4 4ever, coz I wnt to be always wth u"

"mahal, pra kng pustiso,I cnt smile w/out u"

Mahirap lang isipin na kung kailan financially stable na kami saka naman siya palaging walang oras sa akin. Marami kaming gustong puntahan noong nag-aaral pa lang kami, mga lugar na napuntahan ko na kahit wala siya kasama ng mga kaibigan namin kasi nga busy siya palagi.I do believe in enjoying life while you are young at ganun din naman siya dati until tumaas ang posisyon niya at iprioritize niya ang pera more than our relationship.

Nasa bahay na ako nung nakatanggap ako ng text niya.

"lets meet 2nyt, we nid to talk"

Medyo nagulat ako sa text kaya naman tinawagan ko siya agad. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad ang phone.

"What do we need to talk about?," bungad ko sa kanya.

"Just meet me sa plaza nyo, I'll be there in ten minutes." Then he hang up on me.

I just stared at my phone, parang alam ko na to ah. Cue in Let Me Be The One ni Jimmy Bondoc please. I know this could happened but I never prepared kasi nga positive thinker ako. Gosh...if only I know nakapaghanda na din sana ako.

Malapit lang sa bahay naming ang plaza kaya nilakad ko na lang. I saw him, nakaupo sa bench. Tumayo siya agad paglapit ko.

"Tala," bungad niya agad, "I'm really sorry."

Tinitigan ko siya. Yes, I can see he is sorry but I can also see na desidido na siya. "What do you want to talk about Dan?" I chose to pretend.

Hinawakan niya ang mga balikat ko at tinitigan ako sa mga mata. Yeah, damn cliché of movies. "I'm really sorry Tala but the two of us are just not working out."

Hulaan ninyo nga ang lines ko dali! "Are you breaking up with me?"

"Tala, I'm sorry pero my time is not enough para lagi kang makasama."

"Itatapon mo lang ang four years natin kasi palagi kang abala?"

"Those four years are the best times of my life Tala. Tala, unfair na ako sa iyo. I'm at the prime of my work kaya trabaho talaga ang priority ko, alam mo naman yun. But I also know how spoiled you can get at ang kakulangan ko ng oras, ng panahon sa iyo ay higit na sa kaya mo. I'm really sorry Tala. Mahal kita, alam mo yan.",sabi niya bago niya ako niyakap, "but I just can't balance my time between my work and you. Someday maybe, kung tayo talaga, magiging tayo pa rin."

Oh so destiny naman ang peg niya ngayon?

I hold back my tears at nung pinakawalan niya na ako ay nginitian ko siya. "I'll be fine, no worries. Apat na taon lang naman ang ipinamukha mong sinayang ko sa isang busybody na katulad mo. And no, hindi ako magdadrama with those "give me a second chance" crap. You chose this so I'm going to give what you want. Oh and yeah, " hinawakan ko ang mukha niya bago ko siya tinuhod! " This is for breaking my heart idiot!"

I ran away habang sapo niya ang pagitan ng mga tuhod niya. Hindi ako umiiyak pero nangangatal na ako. Sa galit, sa sama ng loob. How could he always prioritize work over me? Alam kong wala siyang babae dahil busy siya kaya no doubt na ang pagiging busy niya palagi talaga ang dahilan kung bakit niya ako ngayon iiwan. Sana nga nambabae na lang siya, mas makakaya ko pa siguro. At least, puwede kong sabunutan, suntukin at kalbuhin kung sino mang babae ang kalaban ko. Pero anong magagawa ko sa oras? Wala!

Mabuti na lang at wala ang buong family ko kaya solo ko ang bahay. Paghigang-paghiga ko sa kama ay sumabog ang luha ko, samahan na natin ng uhog dahil hagulgol na ako sa iyak. Masyadong showbiz ang break-up namin, kakulangan sa time ang rason. Wow!

Iyak ako ng iyak ng iyak...repeat till fade.

Alassais ng hapon kami nagkita at alasnuwebe na ng gabi ng makaramdam ako ng gutom. Anak ng tokwa, tatlong oras pa lang ang naiiyak ko sa unggoy na yun, parang drain na drain na ako. Bumaba ako sa kusina dahil nagugutom na ako at nakita ko ang ice cream na itinatago ko pa man din para sa mga kapatid ko. Kuha si ice cream, kuha si tirang ulam. Sandok ng kanin, salin ng tubig sa baso, balik sa lungga ko. Broken hearted ako, walang aangal. Three hours na akong umiiyak kaya wala namang masama kung magover eat ako hindi ba? Bukas ng radio, anak ng tokwa. Someday naman ni Nina ang background music ko, just perfect! Kumain ako habang tumutulo pa din ang luha with matching tunganga sa picture frame naming dalawa sa pader. Sumabog ang inis ko, ibinato ko ang kutsara sa frame, ayun! Basag!

Anak ng tokwang yan, anong moving on ang gagawin ko!?!?


That Place Called LunetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon