Monday, wala pang 24 hours kaming hiwalay ng unggoy. Back to reality muna, ayoko munang ikulong ang sarili ko sa kalungkutan. At dahil mega crayola ako last night, takpan ang eyebag este maleta ng makapal na make up. Imbes na contact lens, nagsalamin na muna ako upang matakpan kahit papaano ang bakas ng kahapon...hugot! Ngayon pumabor ang malabo kong mata, walang makakapansin sa mugto kong mga windows of the soul.
Nakarating ako na lutang ang utak sa faculty room namin. Hugot ng malalim na hininga, ihanda ang ngiti.
"Morning madlang pipol!," bungad ko pagpasok ng silid. Kanya-kanyang bati naman ang mga kasamahan kong guro.
"Uy Tala, kain ka oh.," inaalok ako ni Mam Cherry."Handa yan ng anak ko kahapon, hindi ka naman nakapunta kasi busy ka sa boyfriend mo."
Ngumiti na lang ako at sumubo ng cake. Ayoko munang malaman ng iba na wala na kami, ayokong makidalamhati sila sa akin. Hindi sa umaasa akong babalik siya dahil alam kong malabo na pero ako muna ang aayos sa sarili kong puso.Life will go on. Ako muna ang magsesenti para sa sarili ko. Moving on phase na ako ng drama na ito.
Isang linggo ang matuling lumipas. Isang linggo akong tau-tauhan ng sarili kong kaisipan. Bakit nga ba ang hirap makalimot? Mabuti pa ang computer, may recycle bin na, may permanently delete option pa! Sana ganun din ang ala-ala ng tao, pwedeng itapon pansamantala o burahin na ng tuluyan.
Ang masama nito, naaalala ko siya sa lahat halos ng makita ko.
Kapag dadaan ako sa plaza, naaalala ko ang mga oras na tumatambay kami doon maging ang huling gabi na nagkita kami. Hindi ko na siya tinext, hindi na siya nagparamdam after nun. Tahimik lang ang Facebook ko, hindi na lang ako naglagay ng status ko para wala ng tanong-tanong ang mga tao.
Sa kwarto ko, naaalala ko din siya. Pink and blue ang pintura ng room ko at kasama ko siya nung pinintahan namin ito. Parang ang hirap naming maging ang silid ko, baguhin ko makalimutan ko lang siya. Alangan namang gawin kong itim ang buong silid ko? Gastos lang.
Sa cabinet ko, nakatago pa din ang mga larawan naming dalawa na ipinirint niya. Punit na pero hindi ko magawang itapon. Ang commitment ring na bigay niya, nasa jewelry box ko pa din. Sayang naman kasi kung itatapon ko hindi ba? Silver din naman yun.
Kahit sa school, naiisip ko siya. May larawan kami sa desk ko, kuha noong graduation namin. Hindi ko inaalis pero tinakpan ko ng organizer ko. Lahat ng pictures namin sa cellphone ko binura ko na maliban sa isa. Yung picture nung nagpunta kami sa Tagaytay, nung ibinigay niya sa akin ang commitment ring na suot ko dati palagi. Naluluha man ako kapag nakikita ko pero siguro sadyang masokista lang ako. Malay natin, makalimot ako dahil sa sakit.
Kaiba sa ibang babae, ayokong ipinangangalandakan ang mga problema ng love life ko. Alam ko namang kakayanin ko ito pero siguro nga, time heals all wound. Si Time ang nanakit sa akin, siya rin siguro ang magpapagaling. Hay...pisting love na ito, pahirap!
Kung naiisip ko kung kumusta na si Dan, madalas. At madalas din na gusto kong pilipitin ang leeg niya sa mga kamay ko dahil iniwan niya ako.Gusto ko ngang isaksak sa isip ko na kaya ako nasasaktan kasi ego ko ang nasugatan. Nauna siyang mangiwan na kung tutuusin ay dapat ako dahil sa dami ng mga pagkakataong pinaasa niya ako sa wala. Pero hindi. Nasasaktan ako kasi minahal ko siya at hanggang ngayon mahal pa rin. Oh kay hapdi!
Anong paa ang masakit? PAASA!
I woke up the next day, Sunday, na makati ang paa. Gusto kong gumala. Umalis muna. Kumain, magbasa, libangin ang sarili ko. Pumunta sa lugar na maraming tao pero hindi nila ako pakikialaman dahil may kanya-kanya kaming mundo. Pero saan?
Then one place popped into my mind...Luneta.
Tama. Dito walang pakialam ang mga tao sa iyo unless illegal na ang ginagawa mo.Makapamasyal na nga lang muna sa lugar kung saan namatay si Pepe. Malay natin, mabuhay naman ako este ang naghihingalo kong puso.
BINABASA MO ANG
That Place Called Luneta
HumorA story about moving on, finding new friends and possibly a new love. Dahil hindi lahat ng break up dapat ipagmukmok, meron din na dapat icelebrate. I'm a reader. I'm also a writer. Naniniwala ako sa true love, destiny, soulmates at sa forever. Sad...