Dahil desidido akong mamasyal sa Luneta, mabilis akong naligo. Medyo kapansin-pansin ang pagmamadali ko na maging ang mama at dada ko nakapuna.
"Saan ba ang punta ninyo ngayon ni Dan huh Tala?," tanong ni Dada. "Bakit masyado ka naman atang nagmamadali diyan?"
"Mamasyal akong mag-isa ngayon Da," sabi ko habang nagkakape. "Busy yun."
"Saan naman ang punta mo huh anak?," usisa ni Mama.
"Luneta lang po.," sagot ko bago ako sumubo ng pandesal.
Napangiti ang mga magulang ko. Bata pa lang kasi ako ay sa Luneta na nila kami ipinapasyal na magkakapatid. Tatlo kami, ako ang panganay at may kapatid akong dalawang lalaking kambal na parehong tulog pa sa mga oras na ito. Laki kami sa simple at masayang pamilya kaya siguro napakapositibo ko sa buhay. Na kahit eto, heartbroken ako ay mamamasyal ako imbes na magmukmok sa isang sulok.
Hindi ulit ako nagcontact lens dahil mataas ang sikat ng araw at sensitive sa sunlight ang contacts ko. Salamin lang ang sinuot ko para safe. Plain white sando na pinatungan ko ng plaid na polong kulay asul at skinny jeans na itim ang suot ko na tinernuhan ko ng itim na World Balance kicks ko. Itinaas ko na lang ang medyo kulot kong buhok at isinukbit ang backpack ko. Okay, all set para sa date ko sa sarili ko.
Habang nasa bus ako papuntang Luneta, napaisip ako kung anong libro ang pwede kong basahin. Nagsearch ako sa smartphone ko ng mga aklat ni Nicholas Sparks at mukhang interesting ang Safe Haven kahit luma na. Napanood ko na ang movie nito kaya okay lang siguro kung iyon na lang ang bibilhin ko sa SM Manila.
Nakabili na ako ng book at naghanap naman ng pwedeng kutkutin habang nagbabasa. Pringles! Bumili ako ng dalawa at isang boteng mineral water sa grocery. Nilakad ko ang SM Manila hanggang sa Luneta at sakto naman ang maulap na panahon. Sa Chinese Garden ako tatambay, kahit na alam kong madami lang akong makikitang magjowa na magpapabitter lang sa akin. Masochist, remember? Makikiride na lang ang nasaktan kong damdamin sa mga couples na sweet na sweet sa isa't isa. Oo...bitter ako. Walang panama ang hilaw na ampalaya sa pait na nararamdaman ko.
Inilatag ko ang dala kong panlatag sa damuhan at naupo. Sinimulan ko ang aklat kasabay ng pagnguya sa Pringles, original flavor, ko. Oo, advertiser ako ng Pringles. Pabiling-biling ako ng puwesto at okay lang sa akin kahit nakakangawit dahil maganda talaga ang book. Iba talaga kapag si Nicholas Sparks ang sumulat, hugot na hugot. At mukhang sakto din sa eksena ko ang kwento, all about moving on. Mabuti na nga lang, hindi ako katulad noong babae sa nobela na kasal na sa taong nanakit sa kanya. Napangiti ako nung naisip ko ito. It means one thing, mas makakaya ko pa.
Nakakarelate talaga ako sa bida sa nobela. Akala niya na ang taong nagligtas sa kanya mula sa masasamang lalaki ang Safe Haven niya but it turns out, isa itong bangungot sa buhay niya. Ang inakala niyang tunay na pag-ibig ay isa palang sadistang asawa. Ninais niyang tumakas kaya nagpakatatag siya at umalis. Sa kanyang pagbabagong buhay, dun niya nakilala ang isang lalaking mabuti ang kalooban. Oh mahabaging diyos ng mga broken hearted, bigyan mo naman ako ng ganitong uri ng lalaki please!
Iniikot ko ang paningin ko sa paligid. Madaming mga nakangiti, mga magkasintahan na masaya habang hawak o yakap ang isa't isa. May mga nagsusubuan ng mangga at tsitsirya. May mga nagpipicture-picture habang nakahiga sa mga panlatag nila. Ganito kami dati noon. Masaya na sa mga simpleng bagay basta magkasama kami. Napangiti ako sa mga nakikita ko pero maya-maya ay naluha rin ako. Pinunasan ko ang umalpas na luha at muling ibinalik ang atensyon sa aklat na hawak ko. Sadyang bitter pa nga siguro ako. One week pa lang kasi mga tsong, one week pa lang akong single dahil kay Time.
Nasa kalagitnaan na ako ng nobelang binabasa ko ng mapansin kong parang may nakatingin sa akin. Napansin ko ang lalaking nakashades sa tapat ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Hindi naman siya mukhang masamang tao lalo at iPhone ang cellphone niya at mukhang mamahalin ang suot niya kahit simpleng polo at shorts lang. Call me judgmental pero kapag observant ka talaga, maigrugrupo mo ang mga tao kahit sa ganung pamamaraan lang. Maya-maya ay nagring ang phone nito at umalis na kaya hindi ko na pinansin. Madami pa naman talagang friendly na tao sa mundo.
While observing the people around me, madami akong nakitang love in many forms. Yung nanay na pinatayo kaagad yung anak niya na nadapa. Yung magasawang senior citizen na nagsusubuan ng manga. Yung dalagitang buntis kahawak-kamay yung tatay siguro ng anak niya na mukhang tatay na niya. Yung mga tinedyer na masaya na habang nagseselfie at kaakbay ang mga jowa nila. Lahat sila may isang pagkakatulad, yung ngiti nila. Ngiting alam mong ibinibigay lang sa taong mahal mo at pinagkakatiwalaan mo. Napailing ako. Yung ngiti kong yun, mukhang matatagalan sa pagtatago maliban sa mga kaibigan at pamilya ko.
Naisipan kong umuwi ng mapansin kong halos tatlong oras na akong nagbabasa. Sa bahay ko na lang tatapusin ang nobela. Medyo nagugutom na din ako kaya dumaan muna ako sa may Wendy's sa may Taft. At habang nakapila ako, nakita ko ang lalaking nakashades kanina, nakangiti na naman sa akin habang papalapit.
Alex' s POV
Nakita ko ulit yung babae kanina sa Chinese Garden. Yung babaeng tahimik na nagbabasa at nagmamasid sa paligid. Yung babaeng nakita kong nagpunas ng luha habang nakangiti.
"Hi!," nilapitan ko siya at inalok ang kamay ko."I'm Alex. Alexander Magno. Nakita kita kanina sa Chinese Garden."
Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko. "Hello, I'm Tala. Sinagtala Mercado. Yeah, nakita nga kita kanina."
She's really cute. I insisted on buying her foods pero ayaw niya. Hindi daw siya mahilig magpalibre kung kani-kanino. I asked her if it will be okay if I join her for snacks and she said no problem kaya bumili na din ako ng snacks ko. Well, mukhang interesting ang pamamasyal ko.
BINABASA MO ANG
That Place Called Luneta
MizahA story about moving on, finding new friends and possibly a new love. Dahil hindi lahat ng break up dapat ipagmukmok, meron din na dapat icelebrate. I'm a reader. I'm also a writer. Naniniwala ako sa true love, destiny, soulmates at sa forever. Sad...