Chapter 4Chikahan sa Wendy's

32 2 0
                                    


Tala's POV

Nagpakilala yung lalaking nasa may park kanina. Alex daw ang pangalan niya. Mukha namang hindi siya nagsisinungaling at kaysa magmukha akong emo na kumakain mag-isa, pumayag akong makishare siya sa table ko.

"So Tala, ano ang pinagkakaabalahan mo?," tanong niya habang kumakain kami.

"I work as a college instructor sa isang state university sa Cavite.Cavitena ako na namamasyal lang dito" sagot ko, "Ikaw?"

"A teacher? Nice.," humigop siya ng softdrinks bago nagsalita ulit. "I'm a photographer, more on print ads. Naligaw ako dito to look for some new subjects."

"Interesting."

Nagkwentuhan pa kami ng matagal. Nakakatuwa siyang kausap, madami siyang alam kaya madami kaming napaguusapan.

"Hmmm, you're pretty. Want to model for me sometimes? Promise, wholesome ang mga ginagawa ko."

Tumawa lang ako."Sure sure, kapag may time ako. Alam mo naman ang guro, hectic din ang schedules namin."

"Tala, I'm serious. You have this exotic Pinay beauty na pwedeng irampa."

Inambaan ko siya at natawa naman siya."I know I'm pretty pero rumampa? Thanks but no thanks. Kinulang ako sa height eh."

"Basta kapag may project akong bagay sa'yo, wag kang tatanggi huh?",seryosong sabi ni Alex.

Tinaasan ko siya ng kilay."Seryoso ka?"

"Yeah, so basta kapag meron huh, pumayag ka?"

Wala naman sigurong mawawala kung magsabi ako ng oo. Tutal naman mukhang malabong makakita siya ng projects na bagay sa akin. Hindi sa minamaliit ko ang sarili kong kagandahan, cute ako at morena beauty pero sadyang nabitin ako sa height. Five footer lang kasi ang lola ninyo. Tulog ata ako nung nagsabog ng height ang langit."Sige sige, sabi mo eh."

Ubos na ang mga pagkain namin ng magtanong siya. "Bakit ka naluha kanina?"

Nagulat ako pero hindi ko kayang magsinungaling. "Naoverwhelmed ako sa mga masasayang tao sa paligid ko."

"Alin? Yung mga magboyfriend dun?"

Tumango at ngumiti."Nasa isang ironic situation ako kanina. I'm broken while the people around me are smiling and in love." Upang maiwasan na magtanong pa siya, inayos ko na ang mga gamit ko bago tumayo. "So paano? I really have to go na."

Tumayo na din siya. "Ihahatid sana kita paCavite kung hindi lang nasa talyer ang kotse ko."

"No, it's fine really Alex. Thank you sa company.Nagenjoy ako sa pakikipagchikahan sa'yo"

"Thank you too Tala.", ngumiti na lang ang chinitong photographer. Yep, chinito siya, matangkad, maputi at mukhang gym buff. Oo, broken hearted ako pero babae pa din ang lola ninyo at alam ko ang gwapo sa hindi kagwapuhan. Gwapo ang new found friend ko.

Bago kami naghiwalay ay hiningi niya ang number ko. Yes, I gave it to him but no, I'm not expecting any romance at all. Sariwa pa ang pain but Alex looks like a good friend to have.

Nasa Cavitex na ako ng may magtext sa akin. Unknown number kaya alam ko na kung sino.

"Tnx for the tym, till we meet again Star."

Wow huh? Star na ang tawag niya sa akin.

"No problem at all. Tnx too. J "

On my way home, naisip kong ipaalam na sa mga magulang ko na wala na kami ni Dan. Wala akong mapapala kung patuloy akong magsesenti. And yes, pati ang Facebook relationship status ko, babaguhin ko na. Not because I want to have a new lovelife, darating din tayo dun pero nais kong makamove on na. I fell in love, got broken but I learned.

Kaya ayun, nung ipinagtapat ko kina Mama at Dada na wala na kami ni Dan, nagulat sila. But then, being the ever supportive parents, they told me na kaya ko namang makamove-on. Sabi pa ni Dada, baka hindi si Dan ang talagang itinadhana ni Lord para sa akin. Tingin ko nga.

I changed my status from into a relationship to single on Facebook. At wala pa nga akong dalawang minuto sa pagpapalit, sunod sunod na ang likes at comments. I logged out when I saw the comments and messages. Saka ko na sila sasagutin, basta single na ako, tapos ang problema.

Yun ang akala ko. Maya-maya nagring ang phone ko. I laughed out loud when I saw who's calling. Ang BFF ko na nasa Japan sa ngayon, si Gabby. Short for Gabriela.

"Hoy Tala, anong single ka ngayon? Anong nangyari?!" pasigaw ang bungad sa akin ng bestfriend ko.

"Hello Gab, it is nice to hear from you again. Yeah you read it right. Single na ako, actually one week na din."

"What happened? Explain to me from the beginning,"grabe din makapagdemand ang bestfriend ko noh?

So ayun, almost one hour kaming nagusap about my recent breakup. Medyo naluha pa din ako habang nagkukwento while Gabby continuously curse Dan. Galit syempre ang bestfriend ko sa taong nanakit sa akin. But I'm happy being able to talk to her again. Busy kasi siya with her work in Japan. Between the two of us, Gabby is more independent and cool. Pasaway din siya nung high school kami kaya nga palagi akong pinapasama ng parents niya sa kanya bilang chaperone.

"Best, he don't deserve you.," paulit-ulit na sinasabi ni Gabby. "You're smart, beautiful, kind and very responsible. Between the two of us, ikaw yung girlfriend material. He doesn't know what he lose. Kilala kita, makakaya mo'to. You're strong. You're beautiful. May darating ding iba para sa'yo."

"Thanks Best, I know I can."

Nagchikahan pa kami bago ako naggoodnight sa kanya. I lay in bed with a smile on my face. Tama ang mga mahal ko sa buhay, makakaya ko ito. I'm Tala, the girl with a positive outlook in life. This is the start of the new me.


That Place Called LunetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon