Machika si Alex habang nagdadrive. May dimple ang mamang chinito na lumalabas kapag ngumingiti siya. Knowledgeable talaga, hindi ako bored sa biyahe.
"Nakikita mo yang mga casino building na yan?, " sabi niya habang stuck kami sa may traffic sa Baclaran,"mauuna pa yang matapos kaysa sa mga pagpapaayos ng mga kalsada."
"Hay naku, sa lugar din namin. Mukhang mauuna pang matapos ang mga bagong malls na itinatayo kaysa sa mga tulay. Grabe din ang traffic sa Cavite." , sagot ko sa kanya.
Mahaba-haba din ang kuwentuhan namin. Itinanong niya ulit bakit nasa Luneta ako, kahit alam kong pabiro lang dahil alam na niya ang pang Emo kong sagot sa kanya noon.
"Bakit ka nga kasi tumambay sa Luneta nun? Ayan, nakilala mo tuloy ako," nakangiti niyang sabi.
Mukhang okay naman kausap ito kaya hindi ako tumingin sa kanya ng sumagot ako,"Iniwan ako ng boyfriend ko, este ex pala, kapalot ng trabaho." Matagal bago siya kumibo.
"Totoo pala yung sinabi mong broken ka nung mga panahon na yun. Ilang buwan na kayong hiwalay?"
"Mag-iisang buwan pa lang." Ngumiti ako. "Unti-unti na akong nakakamove on. To be honest, kaya ko tinanggap itong offer mo, para dagdag na pagkakaabalahan."
Nginitian niya ko ulit. Grabe naman ang dimples nito, lakas makaAlden Richards. "At dahil diyan, dapat pa ata akong magpasalamat sa ex mo."
Nagkuwentuhan pa kami ng matagal at salamat naman dahil di na sya nagtanong pa sa nangyari sa amin ng ex kong unggoy. Saktong pagparada ni Alex ay siya namang baba ng Mama at Dada ko mula sa tricycle. Awkward!!!
"Tala?," bungad ng Dada ko.
"Hello Mama, Dada." Nagmano ako sa kanila. "Si Alex po,kaibigan ko."
"Magandang gabi po." Nagmano din si Alex sa mga magulang ko. "Hinatid ko lang po si Tala, pasensya na po at ginabi siya. Aalis na din po ako."
Nakabawi naman sa pagkabigla ang mga magulang ko. "Aba eh maghapunan ka muna," imbita ng Mama ko.
"Hindi na po. Hinihintay na din po ako sa amin. Salamat po." Nilapitan ako ni Alex. "Alis na ako Star, see you again."
Kumaway siya sa amin bago niya tuluyang pinaharurot ang kotse niya. Nakangiti din ako at naloka ng humarap sa mga magulang kong iba din ang ngiti sa akin. Facepalm!!!
"Anak..." magsisimula na si Dada.
"For your information my dearest parents, hindi ko siya manliligaw." Tumakbo na ako papasok sa bahay at dinig na dinig ko ang tawanan ng mga magulang ko.
Alex' POV
Habang nasa kotse, naaalala ko ang morenang cute na si Star. Laking kalokohan na iwanan ang isang maganda at matalinong babae dahil lamang sa trabaho. Natawa ako sa sarili ko. Attracted ba ako kay Tala? Kunsabagay, dahil sa sobrang kaabalahan ko sa mga negosyong naiwan ng ama ko, nalimutan ko na din ang love life ko. Kailan nga ba ako huling nagkagirlfriend?
Pag-uwi ko, nakita ko ang kapatid kong ngiting-ngiti sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, "What's up with you Asia?"
Niyakap ako mula sa likod ng kapatid ko. "Kuya, I like ate Tala."
Natawa ako. "Oh tapos?"
"I also like her for you." At kinindatan ako ng mabait kong kapatid.
"She's just a friend."
"Good start na yun kuya."
Kinurot ko ang ilong niya na ayaw na ayaw niya." Wag kang makulit Anastasia, Tala is a friend." Naglakad na ako palayo sa kanya.
"But don't you like her? " sabi ko sa inyo makulit ang kapatid ko.
Nilingon ko siya,"Let's wait and see, shall we? "
At tumili na ng tumili ang kinikilig kong kapatid.I'm in the room,still thinking about Tala. No, I won't court her. She's still recovering. And I want to help her. With this project of ours, I hope I really can.
BINABASA MO ANG
That Place Called Luneta
HumorA story about moving on, finding new friends and possibly a new love. Dahil hindi lahat ng break up dapat ipagmukmok, meron din na dapat icelebrate. I'm a reader. I'm also a writer. Naniniwala ako sa true love, destiny, soulmates at sa forever. Sad...