Tala's POV
Saturday came and I am actually excited. Bagong gawain, bagong kaibigan. Lunch ang usapan naming ni Alex. I still have two hours, one hour to prepare and an hour to travel by van to MOA. I decided to wear my pink tank top na pinatungan ko ng gray cardigan, my black skinny jeans and a pair of ballet flats. I just brushed my hair and put minimum make up on. I looked at the mirror. Not bad, I'm all set.
Around 11:30 ako nakarating ng MOA. Sa isang restaurant ang usapan namin so I messaged him na nandito na ako dahil baka nandito na din sila ng kasama niya.
"im here na", I texted him.
Maya-maya lang ay nagreply na siya. "we're here inside the resto."
I entered the place at mabilis ko naman silang nakita. I smiled to Alex and sa girl na kasama niya.
"Hi Star, it's so nice na pumayag ka."
"Hello Alex, okay lang. Hi!," binati ko ang kasama niya. "I'm Tala, your kuya is the only one who dares call me Star." Alex laughed a little with that remark.
"Asia," ngumiti din naman ang nakakababatang babae. "Hindi pala ako niloloko ng kuya ko ng sinabi niyang maganda ka talaga."
"Sus, bola lang yun ng kuya mo para mapapayag ako dito," sabi ko na lang kay Asia.
Naupo ako sa tabi ni Asia. She's so pretty! Moreno si Alex pero tisay na tisay naman si Asia. Maiksi lang ang tabas ng buhok niya na bagay na bagay sa maliit niyang mukha. Chinita siya, pareho ng kuya niya.
"I will be your make up artist and stylist sa photoshoot miss Tala,"nakangiting sabi ni Asia.
"Call me ate, masyadong pormal ang miss," sabi ko kay Asia." Make up artist ka ba talaga, not too sound offensive huh but you look too young."
"Asia here actually finished Culinary Arts just last year and helps in managing our small restaurant in Makati. Hilig niya lang ang pagmemake up kaya nag-aral din siya every Saturday sa isang school na nageespecialize dun," mahabang paliwanag ni Alex.
"Oh I see but still, she looks so young, how old are you if you don't mind?" I still asked her.
Asia giggled. "I'm actually twenty one years old ate Tala how about you? You don't look old yourself."
"I'm twenty three, turning twenty four two months from now."
We ordered our food before we get down to business. Hindi naman mukhang mahirap ang mga sinasabi ni Alex about the photoshoot. Ang requirement kasi ng contest, icocollage ang mga shots para mabuo ang idea ng photographers. So ang peg niya, by era ang gagawin naming photoshoot, starting with the pre-Hispanic Philippines up to our generation. Napakadami niyang ideas na bagay na bagay sa theme. Even Asia showed her bright side sa mga suggestions niya.
"What do you teach in college ate Tala?",Asia asked me habang kumakain.
"I teach Biology subjects kasi yun talaga ang natapos ko. BS Biology ang course ko." I answered her.
"Bakit hindi ka nagdoctor ate? Pwede yun sa course mo di ba?"
Nagmake face ako ng konti sa sinabi niya."Teaching kasi talaga ang tingin ko na calling ko. Hindi ako pwedeng magdoctor. Yun lang palakang idinisect naming nung college napaiyak na ako, paano pa kapag tao na ang inooperahan ko?"
Natawa din ng bahagya ang magkuya. Nag-usap pa kami ng kung ano-anong topic after iset ni Alex next Saturday ang unang locations namin. Sa Paco Park daw, Hispanic era muna ang kukuhanan namin and then sa National museum para naman sa American era.
"May pupuntahan ka pa ba after this Star?," tanong ni Alex habang inuubos namin ang desserts na inorder niya.
"Baka dumaan ako sa Fully Booked. Hahanap ako ng ibang novels na pwedeng basahin," I told him. Biglang naexcite na humawak sa braso ko si Asia.
"Reader ka din?," tanong ni Asia. "Sino mga favorite authors mo?"
I told her I go for Nicholas Sparls, David Levithan and Paulo Coelho. Ngiting-ngiti naman na nakatingin sa amin si Alex. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, as if to ask why.
"Asia likes reading a lot. May isang room sa house naming na punong-puno ng mga novels niya.," he told me.
"Pahihiramin na lang kita books ate Tala. Madami akong Nicholas Sparks and Paulo Coelho. Di kasi ako familiar kay David Levithan eh. Sama ka na lang sa bahay namin." Asia look at me with her pretty eyes. "Please?"
Napangiti ako. "Wala din naman akong gagawin kaya why not? Okay lang ba sa iyo Alex?"
"Sure, no problem at all."
"Saan nga pala bahay nyo?,"
"Sa Paranaque lang, malapit lang," Asia answered." Kuya actually live in a condo in Mandaluyong but he goes home every now and then."
I shrugged. Mukha namang rich kids talaga ang dalawang kasama koMay kalahating oras din naming biniyahe ang BF Homes. Sabi na, mga anak mayaman nga ang mga new friends ko. Hindi ako social climber pero I really have lots of rich friends din kaya sanay na ako. Even my bestfriend Gabby is a rich kid, anak ng municipal councilor namin na mas piniling magtrabaho ng sariling sikap niya kaysa magtrabaho sa accounting firm ng pamilya nila.
Pagdating namin sa bahay nila o mansion, hinila agad ako ni Asia sa isang room sa second floor ng bahay. Nagpadala naman si Alex sa kasambahay nila ng juice sa taas at nginitian niya lang ako ng mapasulyap ako sa kanya. Ang ganda ng smile niya mga ateng!!! Bet ng lola nyong ulamin promise! May dimples din siya eh, umaAlden ang lolo nyo.
Ang daming libro ni Asia. Para akong bata na pumili dahil sabi niya I can borrow as many as I want. Syempre hindi naman ganid ang lola nyo, limang books lang ang hiniram ko.
Nagkuwentuhan pa kami ng magkapatid bago ako napasulyap sa watch ko. Alas-singko na pala, napasarap ako sa chika.
"Uy uwi na ako, salamat sa mga books Asia," tumayo na ako bago ko inayos ang mga gamit ko.
"No problem ate Tala, pahiramin kita ulit kapag natapos mo na yang mga yan.", Asia smiled at me before hugging me.
"I like that. Uy Alex, favor naman, patawag ako ng taxi.," sabi ko sa chinitong photographer.
"No need, ihahatid na kita sa Cavite Star," sabi ni Alex.
Nahiya ako syempre. Malayo rin ang Cavite. "Hindi na, okay lang ako uy."
"No problem Star, basta ihahatid kita."
Wala na akong nagawa at nagpaalam na ng tuluyan kay Asia. Kinindatan niya lang ako kay natawa ako ng bahagya.
One hour...one hour kong makakasama pauwi ang gwapong chinito.
BINABASA MO ANG
That Place Called Luneta
HumorA story about moving on, finding new friends and possibly a new love. Dahil hindi lahat ng break up dapat ipagmukmok, meron din na dapat icelebrate. I'm a reader. I'm also a writer. Naniniwala ako sa true love, destiny, soulmates at sa forever. Sad...