Juralyn POV
"Ang tagal nya namang lumabas." Sumandal ako sa pader. Kasalukuyan akong nasa labas ng room ni Jungkook mylabs❤
"Ang tagal naman mag palunch break ng teacher nila. Sino ba yan at ipapapatay ko." Muli kong bulong sa sarili ko.
Kanina pa kasi ako dito naghahantay. Hays~ Naman oh.
Napalingon ako sa gilid ko kung saan may mga babaeng nagtutumpukan.
"Ghaaad~ Tagal naman ng lunch break ni Baby Kookie ko~" dinig kong sabi ng isang babae
"Anong sayo?! Akin sya!" Sambit pa nung isa
"Mga malalandi kayo sakin lang ang asawa ko!" Pagmamayabang nung isa
Napahinga ako ng malalim at napaangat ang tingin sa lalaking naglalakad palabas ng room nila.
Natulala lang ako.
"Jung...kook." Mahina kong sabi habang patuloy lang sya sa paglalakad nang nakapamulsa at merong blank expression sa mukha nyang napakagwapo.
Ang mga babae naman kanina ay biglang nagtilian at nagsilapitan sakanya.
Ugh. Bat di ko magawa yun? Bat wala akong lakas ng loob para gawin yung ginagawa ng mga babae yun?
Napabuntong hininga ako.
"Pst. Stop staring at him Lil sis. You might melt him." Pamilyar na boses mula sa likod ko. Kaya agad ko syang nilingon.
"Ugh~ Kuya Veyyyyy~ I want him so bad." Nakanguso kong sabi sa kuya kong kakalabas lang din mula sa room nila Jungkook. Nah~ Magkklase sila at di lang magkaklase magkagrupo pa sila, isang famous group dito sa school namin.
My Kuya is H-O-T.
Inakbayan nya ko at nagsimula na kaming maglakad.
"Yun si Jungkook? Nakuuu~ Walang paki yun sa babae." Agad akong sumimangot
"Lalo na sayo. Dahil sa pagkakaalam ng buong school nato ay girlfriend kita at di kapatid. Funny right?" Nakangisi nyang sabi
Yeah. Akala ng lahat mag boyfriend kami ng kapatid kong si V~ Why? Magkaiba ang surnames namin and we're not living in a same roof.
Bago ako ipanganak ay naghiwalay na sila mama at papa. So, si Kuya V nakuha ang surname ni papa at ako naman nakuha ang surname ni mama. I'm living with my mom at si kuya ay kay papa, pero kahit na ganun close parin kaming apat. Very close~
"Haist. Bat di mo sabihin kila Jungkook o sa lahat na kapatid kita?" Huminto sya sa paglalakad at tinitigan ako.
"Kasi pagsinabi ko.. panigurado. Pagkakaguluhan ka ng mga lalaki at ako? Pagkakaguluhan ng mga fans ko. Ayoko ng makulit na babae kaya gusto ko ng ganto, walang magulo."
"But kuya~" nagpout ako sa harap nya
Magsasalita sana si Kuya ng may tumawag sa pangalan nya
"V!" sabay kaming napalingon
"Omg. Kuya, ang BTS." Bulong ko kay kuya na agad napangiti
"Broooo~" bati nya sa mga lalaking palapit samin
Sheeeet~ Nagulat ako ng ngumiti silang lahat sakin. As in lahat! Ay mali... di pala ako nginitian ni Jungkook.
"Hi. Juralyn~" Bati sakin ni Jin
"Juralyn~ Lalo kang gumaganda sa araw araw na nakikita kita." Nakangising sabi ni Rapmon
"Ow. Sweg~" Sabi ni Suga sabay kuha ng kamay ko ay halik dito